BUSY NETWORK

1 0 0
                                    


"... Ang mga taong naapektuhan na ng virus ay tumaas ng 100 mula pa kahapon at umabot na sa 767 dito sa ating bansa. Ang lahat po ay pinag-iingat..." dinig ko sa telebisyon habang chinachat ko si El, ang boyfriend ko.

Nasa bahay ako ngayon simula ng magkaroon ng quarantine. Hindi ko tuloy siya nakikita dahil nakatira siya sa syudad, ako nama'y sa bukid.

"Kayla! Bumaba ka na dyan at tulungan mo ako magluto!" dinig ko sa baba.

"Opo! Pababa na po!" sabi ko at diretsong paalam ko kay El at inoff na ang data. At least, nakakareply ako kahit mahina ang signal dito.

Simula ng magkaroon ng quarantine, feeling ko lalong nalayo ako kay El kahit parati naman kaming naguusap sa chat o kaya naman tinatawagan niya ako. Minsan naiinis ako sa kanya, feeling ko kasi na lumalabas pa siya ng bahay para lang magpaload na sinabi ko naman na wag na, kasi baka mahawaan ng sakit at ayaw ko iyung mangyari. Sinusunod naman daw niya.

"Ma, Ako na po niyan." sabi ko habang yakap si mama sa likod.

"Sige anak, salamat" baling sa akin ni mama sabay ngiti. "Buti nga may quarantine... Ngayon lang kasi tayo nagkasama sama buong pamilya"

Oo, marahil maganda din may quarantine. College na kasi ako at nasa syudad ang school namin, doon ko rin nakilala si El. Nagboboard ako dun at minsan lang makauwi dahil sa hectic ang schedule sa school at sa part time job ko.

"Ma, si papa po pala pupuntang daw pong bayan. Kulang na daw po ang bigas pati ang de lata. Wala pa daw pong binibigay ang barangay hanggang ngayon" sabay lagay ko ng sibuyas sa mainit na mantika.

Ayaw kong ipahalata ki mama na naiinis ako dahil sa one week na, ehh.. wala pa ring naibibigay ang government namin dito ng pagkain para sa pamilyang walang maayos na trabaho. May pondo naman siguro ang pamahalaan sa ganitong crisis di ba?

"Hayaan mo na anak" lambing ni mama, "at least, nakakakain tayo ng pagkain tatlong beses sa isang araw"

Nginitian ko na lang siya at tinapos ko na ang niluluto kong pancit. Tinawag ko na rin ang mga kapatid kong naglalaro ng habulan at taya tayaan sa likod bahay para kumain.

Nakakamiss rin ang pagiging bata at nakakapaglaro pa ng ganito. Hayy..

Araw araw ay ganun ang nagyayari. Magdidiskarte si papa sa makakain, maglilinis kami ng mga kapatid ko kasama si mama, tatapusin ang mga homework at project para sa school, at maglilibang. Wala pa ring pinagbago liban na lang sa dalang na pagti-text at chat ng boyfriend ko. Naisip ko na baka sinunod niya lang ang sinabi ko at dahil doo'y napangiti.

After one week noong last siya nag-chat. Mag wa-one month na rin ang quarantine at lalong tumataas ang mga naapektuhan ng virus kaya medyo natakot ako.

Nanonood si Dodong ng tv, ang kapatid kong bunso, at ako naman'y nagwawalis. May flash news sa TV na di ko naman inintindi at patuloy lang ang pagwawalis. Nasa kusina na ako nang bigla akong tinawag ng kapatid ko.

"Bakit Dong?" tanong ko habang siya naman'y nakatingin pa rin sa TV. Tiningnan ko ang news at may 10 na daw ang natala na nakaquarantine sa syudad kung saan nakatira si El. Doon lamang ako kinabahan.

Dali dali kong kinuha ang phone ko at chinat ang tita ko na nagloload para paloadan ako. Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang numero sa dial-pad ng phone. Ayaw kong mag-alala ngunit di ko maiwasan. Pinindot ko na ang call button at nilagay sa tainga. Di ako mapakali, ang tagal muna mag ring bago niya sinagot at nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses niya.

"Yla, Kumusta? Namimiss na kita. Namiss mo ba ako?" sabi niya sa kabilang linya na ikinangiti ko. May bahid ng saya ang boses niya sa kabilang linya kahit medyo groggy... Siguro kakagising niya lang, isip isip ko lang.

Story Of The Soul [One-Shot Stories]Where stories live. Discover now