Prologue

606 14 14
                                    

PROLOGUE:

NARANASAN MO NA BANG TUMAKBO ng tumakbo? Hindi alam kung saan ang patutunguan?

Sumigaw ka na ba ng malakas sa abot ng iyong makakaya? Para lamang mapansin ka?

Nadama mo na bang masaktan sa bawat segundo ng iyong buhay? Parang may mga maliliit na libong karayom ang salit-salitang tumutusok sa iyong puso?

Gusto mo bang umiyak? Subalit hirap na hirap ka dahil walang luha ang gustong tumulo?

+++

+++

+++

Kapag ang buhay ay binigyan ka ng pagkakataong higit pa sa iyong inaakala, wala kang karapatan tumangis sa oras na ito'y bawiin sa iyo.

+++

+++

+++

Buong buhay ko'y nagtatago ako sa peke kong ngiti. Hinahabol ang tawang sa akin ay nagsawa na. Naglalakad ako sa madilim na lugar na 'di ko alam ang hanganan.

Lumulusot lamang ang mga kamay ko sa bawat hawak ko sa mga mahal ko.

Sa oras ng dilim,ramdam ko ang lahat na matang nakatingin sa akin kahit saan saan man ako mapadpad.

Nakatitig.

Nagmamatiyag.

Nagbabantay.

My Knight in Bloody Armor (chapter 3 added)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon