Chapter 3

440 12 16
                                    

Chapter 3:

"The Moment of Truth"

PAKIRAMDAM KO HIHIMATAYIN AKO SA NARINIG KO, na ano mang oras maaari akong mapatiran ng ulirat. Walang tigil sa ginagawang paguntog ng puso ko sa aking dibdib, sa palagay ko tuloy baka tuluyan ng lumabas ito sa katawan ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay, at binti ko, natatakot ako na bigla ako mangalambot at tuluyang bumulagta. Gusto kong ilunok ang laway na kanina pa nakakapit sa aking lalamunan, pero 'di ko magawa dahil sa higpit ng yakap nito. Isa lang ang hiling ko sa mga tagpong 'to, gusto ko nang umuwi.

"may problema?" rinig kong wika niya.

Hindi ako sumagot, blanko at walang laman ang isip ko, pakiramdam ko bumalik ako nung mga panahon kapag huling eksam na sa pagsusulit, mga oras na kabado at na 'me-mental block'. Ang itim niyang damit at pantalon sa harapan ko ay tila may buhay, parang nakatitig sa akin. Bakit ba napakatanga ko?, bakit ba ang bilis ko magtiwala?, ganito ba lahat ng lalake, mapagsamantala?, ang tanga-tanga ko.

Naramdaman ko na lamang na may pumatak na luha sa aking mga mata, naninikip ang aking dibdib, nahihirapan akong huminga. Nagsimulang maging dalawa ang mga nakikita ko, at mabagal na umiikot-ikot, nakakahilo. May kung anong bagay ang pumapanik sa aking lalamunan at parang gustong isuka ng bibig ko. Nagsimulang sumakit ang aking ulo, sa una pakirot-kirot lang, subalit ngayon parang binibiyak na.

Bigla ko naalala ang sinabi sa akin ni papa kanina :"sa oras na makaramdam ka ng pagkahilo, alam mo na ang gagawin mo."

"ang gamot ko." bulong ko, na hinahabol ang hininga at nagsimulang maglakad papalayo, ngunit 'di ko mabalanse katawan ko at pakiramdam ko pasuray-suray ako.

May naririnig akong nagsasalita, siguro yung lalakeng kasama ko, pero wala sa kondisyon ang aking mga tenga, hindi ko maintindihan mga sinasabi niya. Bumibigat ang nararamdaman kong sakit sa aking ulo sa bawat paghakbang ko, mabilis na ang pagikot na nakikita ko sa aking paligid. May naramdaman akong humawak sa aking balikat, gusto ko itong lingunin subalit tuluyan ng nag-dilim ang paningin ko.

Nakakarinig ako ng mga ingay, mga taong naguusap, kakaiba ang mga boses, wari'y mararahas at malalakas, 'di ko matansya kung ilan sila pero sigurado ako madami sila. Minulat ko ang mga mata ko, naramdaman ko ulit na muling kumirot ang aking ulo, sinapo ko 'to gamit ang aking kanang kamay.

Tumingala ako, at luminga-linga, sinusuyod ang nasa paligid ko. Nasa isang maliit na bahay ako, na gawa sa kahoy, at nakahiga sa sahig nito na gawa naman sa kawayan. Bumangon ako hawak-hawak parin ang aking ulo, at ginalugad ang loob ng bahay. Napakaliit lang nito, marahil malaki pa ang kuwarto ko, at sa palagay ko nasa anim na piye lang ang taas sa pagitan ng sahig at tuktok ng bahay, kung tatalon ako maabot ko ang kisame nito. Walang gamit, o ano mang laman, may dalawang bintana sa magkabilang gilid at isang pinto sa may gawing kanan ko.

"nasan ako?" bulong ko sa sarili. "ang pagkakaalam ko nasa may puno kami ng acca--"

Natigilan ako, bigla ko naalala na may kasama ako, yung lalakeng tusok-tusok ang buhok, subalit wala siya sa tabi ko o sa loob ng bahay.

"nasan na yun?" pagtataka ko.

Muli ko nanamang narinig ang mga taong naguusap, malapit sa akin, marahil sa labas lang ng bahay. Lumapit ako sa isang bintana. Pasilip na ako ng marinig kong bumukas ang pinto.

Dali-dali akong lumingon, pagtingin ko, may pumasok na lalakeng mataas, na sa tangkad ay sumasayad na ang buhok sa kisame. Ang lalakeng may magandang mata at tusok-tusok ang buhok!

"huwag kang titingin sa labas!" pagmamadali niyang sambit.

Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalayo sa bintana. Binitawan niya ako nang makarating kami sa may gitna ng bahay. Tiningala ko siya, ang taas niya talaga, nakaramdam tuloy ako ng konting hiya sa aking laki. Bigla niya ulit tinakpan ang aking mga mata, subalit 'di gaya kanina, agad naman niya 'to inalis at tumalikod sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Knight in Bloody Armor (chapter 3 added)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon