Simula

88 3 0
                                    


"Anak, where are you? Magsisimula na ang kasal in less than ten minutes," Mom said over the phone.

"I'm here na ma, don't worry. Hirap lang makahanap ng parking."

"Alright anak. Just... bilisan mo nalang, okay?"

"Yes, ma."

I found a spot almost two blocks away from the church. Medyo mahabang lakarin but I have no choice. Kasalanan ko rin naman dahil medyo nahuli ako sa pagdating. Kagagaling ko lang kasi sa airport—as in literal na fresh from los angeles pa ako. Well, sinadya ko rin naman na last minute dumating. Ayokong sumali sa mga pre-wedding party nila. Nakita ko kung gaano ka-wild ang bachelor party ni Dihia. Ayoko 'nun, graduate na 'ko sa ganon.

Nakayuko akong naglalakad dahil naririnig ko ang boses ng mga kamaganak at kaibigan ko habang naglalakad sa main entrance ng simbahan. In fact, the entourage are already lined up in sequence.

Lalapit na sana ako kay Mom na humahaba na ang leeg, as if looking for someone. I'm pretty sure that someone is me. Pero pasensya na Mom, nakita ko kasi ang bridal car na nagtatago sa hindi kalayuan kaya lumapit ako. Tatakutin ko muna si Ana, ang papakasalan ni Rasheed.

I tapped the window for her to roll it down, "Ganda natin ah. Sure ka na ba talaga?"

"Ricci! Welcome back, gago," she said and tried to hug me but ended up pulling my head inside the car instead.

"Hey, Juls," bati ko sa kaibigang katabi ni Ana. If I'm not mistaken, she's the matron of honor. Hindi na maid dahil balita ko, ikinasal na siya noong nasa ibang bansa ako.

Nginitian niya ako at sinabing, "Hello, 'Cci. Maligayang pagbabalik."

"Punyeta ka! Cause of delay ka sa kasal ko e. Pumunta ka na doon. Kanina ka pa hinihintay, sabi ni Sheed!" Pagtataboy sa akin ni Ana habang ipinapakita pa ang message ng kapatid ko sa kanya.

"Binibigyan lang naman kita ng time. Baka hindi ka pa sure e," asar ko nanaman.

"Gago. Alis na. I want to marry Rasheed already," she said and was about to cry.

"Save it for later, sisters-in-law. Best wishes," I said before turning away at tinakbo na ang distansya ng bridal car at noong pintuan ng simbahan.

Nginitian ko ang iilang mga tao dahil napansin nila ang pagdating ko. Most of the bridesmaids and groomsmen were our friends from college. Babatiin ko sana sila pero hinila na ako ni Mom.

"Sahia! Finally," she said and placed me in front of the entourage. Oo nga pala, ako ang best man.

I looked back, "Dihia! This is it. You're getting hitched!"

Natawa ang lahat nang nakarinig sa sigaw ko, habang napa-iling nalang si Mom at Dad.

"You're next, Ricci. Mark my words!" He shouted back. I looked at him and smiled. Sana, I thought to myself.

Nagsimula ang isang napakapamilyar na kanta, kasabay ng pag-hudyat sa akin ng coordinator na magsimula nang maglakad papunta sa altar. Ito pala ang feeling. Nakangiti ako habang naglalakad. May ibang mga kilala akong kumakaway kaya kinawayan ko rin pabalik. Ano ba 'yan, para akong kandidato sa ginagawa ko e.

Napabaling ako sa kanan at doon, nakita ko ang babaeng kahit kailan, hindi ko pagsasawaang titigan. I was smiling but I felt a burning sensation. I was starting to tear up. Fuck. Ano ba 'yan, hindi naman ako ang ikakasal ah?

I looked back again to Dihia. He nodded.

It's now or never, I thought to myself.

Mula sa gitna ay naglakad ako papunta sa kanan, sa kinauupuan niya. I held her hand.

"Ricci, what are you doing?" She asked, confused.

Hindi ko pinansin ang tanong niya at hinila siya papunta sa gitana. Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya at sabay kaming naglakad papunta sa altar.

"I surrender, Aria," I said, looking her straight in the eyes na siyang nagpatulo sa luha niya. I hate seeing her cry, but maybe not this time.

The Athlete's Den // Ricci RiveroWhere stories live. Discover now