five

3.8K 134 14
                                    

CRYSTAL's POV

"psst Aiden!"

"hmm whaaaat?" tanong nya at umikot he's still half asleep

"gising dali! may gagawin tayo" bulong ko

"10 minutes please" sabi nya still asleep

"babangon ka o bubuhusan kita ng mainit na tubig?" sabi ko at tumayo kunwari kukuha ng mainit ng tubig

"eto na sabi ko gigising na diba" sabi nya habang nagkukusot pa ng mata

tumawa naman ako

"oh maligo ka na, bago yan ha wag kang maarte" sabi ko at binato sakanya yung damit at towel

"thank you" sabi nya at pumunta na sa cr

"tamad" bulong ko "NARINIG KO YON!" tumawa nalang ako at bumaba na

"una na ako Crystal ha" "first day ko kasi dun sa trabaho ko" sabi naman ni Gail unnie habang hinahanap nya yung sapatos nya

"bakit kasi hindi ka nalang magtrabaho bilang stylist sa company ko unnie" tanong ko sakanya at sumubo ng cereal

"masyadong madami na kayong stylist" "pero mataas naman sweldo dun sa pinasukan ko" sabi ni unnie

"siguraduhin mo lang yan unnie kung hindi wala ka nang choice kung hindi sa company ko magtrabaho" sabi ko at tumawa nalang sya

"yeah yeah" "see you later" sabi ni unnie at umalis na

narinig ko naman na may bumaba

"hindi ako nakapagluto ng breakfast kasi nakakatamd kaya magramen ka nalang muna dyan" sabi ko naman kay Aiden at tinuro yung lalagyanan ng ramen

"saan naman tayo pupunta?" tanong ni Aiden at umupo sa tabi ko

"basta" sabi ko at tumayo na

"kapag ikaw napahamak nanaman" sabi naman sakin ni Aiden at tiningnan ako "hindi yan" sabi ko naman sakanya at binigyan sya ng smile

"bilisan mo na baka mawala pa sila" sabi ko sakanya at binilisan naman nya kumain at pumunta na kami sa kotse

"ako magddrive hindi mo alam kung saan tayo pupunta" sabi ko sakanya at kinuha sakanya yung susi at pumunta na sa driver's seat

"siguradahin mo na di ka mapapahamak dyan sa gagawin mo Crystal" sabi nya sakin and i just nodded

ewan ko kung mapapahamak ba ako or hindi pero kailangan ko bumawi

☁︎︎☁︎︎☁︎︎

AIDEN's POV

"kapag ikaw napahamak nanaman" sabi ko kay Crystal at tumingin sakanya "hindi yan" sabi naman nya at binigyan ako ng smile

i don't feel so good, alam ko may masamang mangyayari

"bilisan mo baka mawala pa sila" sabi naman nya sakin at binilisan ko nalang ang pagkain at pumunta na kami sa kotse

"ako magddrive hindi mo alam kung saan tayo pupunta" sabi naman nya sakin at kinuha yung susi at sumakay na sa driver's seat

wala naman na akong magawa kaya sumakay nalang ako sa passenger's seat

The Revenge Of The Gangster Princess <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon