Inutusan na naman ako ni Mrs. Ocampo. Utos dito, utos doon. Gawa dito, gawa doon. Nakakasawa ang paulit-ulit nilang utos. Para silang walang kamay at nakakasalalay lang sa nerd na kagaya ko. Buong araw ganito ang siste. Buti na lang at nakakagawa ako ng gawain para sa natitira kong oras. Napapagod na ko.
**
Natapos din ang hell day ko. Pagod na pagod ako ngayon. Dumiretso agad ako sa banyo at hinubad ang malaki at bilog kong salamin. Sunod ang aking t-shirt at tumambad sa harap ng salamin ang malapatpatin kong katawan. Sinubukan kong mag-aktong may muscle sa braso ngunit buto lang ang meron. Ngumiti ako. Lumabas ang makukulay kong braces sa sungki kong mga ngipin. Puno ng tartar ang gilid ng aking braces. Kadiri. Lumapit ako ng maigi sa salamin. Hm, lumalaki na ang mga alaga kong pimples, pati blackheads nakikiampon. Namumula na rin ang mukha ko sa dami nito. Kadiri. Sinubukan kong maghanap ng facial wash pampatanggal pimples pero whitening soap lang ni ate ang meron.
Iba talaga kapag binata na. Nagkakahubog ka na nga, may dagdag pang pimples.
**
Pumasok ulit ako. The same lang ang nangyayari. Utos dito, utos doon. Gawa dito, gawa doon. Walang sawang utusan. Mukha ba kong alalay? Ang alam ko, estudyante ako eh. Nag-aaral. Nagbabayad ng tuition fee na pinangsasahod nila. Tama ba? Pupunta na naman ako sa Principal's Office. Kabisado ko na ang aura at amoy nito. Di mo talaga nanaising pumunta dito. Sinubmit ko na ang grades na pinapabigay ni Mr. Rosas. Lumabas na ko at sa paglabas ko, may nabunggo ako.
"Sorry miss", tingin lang at ngiti ang isinukli niya. Sabay pagpag ng kunwaring duming dumikit sa kanya kahit wala naman. Isa siguro siyang transferee.
Klase naman ngayon sa Biology. Tama, at kaklase ko siya. Nagkaroon kami ng activity at siya ang naging partner ko. Nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay at masasabi kong naging malapit na kami sa sandaling oras na yon. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang sa naging magkaibigan kami. Marami siyang isinakrispisyo. Lingid sa kanyang kaalaman na ako'y isang nerd na pinandidirihan at nilalayuan. Madalas mapag-isa at walang gustong makipagkaibigan. Siya naman ay nagkaroon ng madaming kaibigan pero ako ang pinili niya kaya iniiwasan na rin siya.
Madalas na rin ang tampulan ng tukso sa'ming dalawa. Kesyo couples na timang daw kami. Parehong freaks. Parehas na lang namin iyong binabalewala. Minsan pa nga'y sabay na lang namin tinatawanan.
**
Nasa garden na naman kami. As usual, gawain ng isang nerd, gumawa kami ng homeworks at projects. Natapos na din namin ito at nagkwentuhan na lang kami. Habang nag-uusap kami, napatitig ako sa babaeng naglalakad papunta sa'min. Si Tiffany, ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi lang ako puro libro. May dala siyang makakapal na mga libro at nakangiting nakatingin sa kin habang naglalakad papunta sa pwesto namin. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na babae na halos kinulang na sa tela ang suot na mga damit, maging siya. Binagsak niya ang libro sa pwesto namin at nagsalita.
"Freak, sagutan mo lahat yan. Thanks!", hinawi niya ang mabango niyang buhok at naglakad papalayo sa amin. Habang si Ashley naman ay nanggagalaiti sa galit.
"Nakakainis talaga siya! Ang arte! Hipon naman!", nag-crossed arms siya at di ko na lang pinansin. Tinapos ko na lang lahat dahil madali lang naman. Nauna na siyang umuwi habang ako, nilalagay ko ang mga libro niya sa locker niya.
"Grabe, sasagutin na ni Tiffany si George? Nice one!"
"Yeah right. They're perfect couple!"
Rinig kong usap-usapan sa buong campus na sasagutin na daw ni Tiffany, ang babaeng mahal ko, na si George, ang lalaking siga sa campus. Mayabang siya at ignorante. Sa tinatagal tagal ko ba naman dito di ko pa ba yun makikilala. Minsan na kong binully ng taong yan. Pabagsak kong isinara ang pinto ng locker niya at umalis ng may mabigat ng kalooban.
to be continued.

BINABASA MO ANG
My Handsome Nerd♥
Romance"Langit siya, lupa ako, di kami bagay, maliban na lang kung may magbabago sa nararamdaman ko"