Okay.
Kalma lang Ashley. Si Jacob ba yon? Yung nasa stage? Kamukha niya kasi. Pero ang pinagkaiba, guwapo siya at cool tignan. Di ko naman sinasabing pangit si Jacob, it's just, basta! Ibang version kasi siya.
Yun na nga. Grabe! Kung si Jacob man yon, ang laki ng pinagbago niya! Kaya ba siya hinila ni Tiffany? Pero bakit naman? At ang bilis. Naka-tuxedo siya. Nakataas ang buhok at naka-shades. Di naman tirik ang araw ah? Gabi na nga eh. Tapos ang puti ng mukha niya. Walang pimples.
Imposible.
Imposibleng si Jacob 'to. Ilusyon lang 'to. Pumikit ako at bumuntong hininga saka tumingin ulit sa stage. Nakita ko yung kamukha ni Jacob na tumingin ng diretso sa'kin. Nginitian niya ko. Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa gawi ni Tiffany na nasa gilid ng stage. Pumunta ako sa puwesto niya.
"Tiffany! Nasan na si Jacob?", pagalit kong sabi. Imbes na magalit siya, nginitian niya ko.
"Hayan oh, nasa harapan mo na", saka siya umalis at inirapan ako. Napako ako sa pwesto ko. I-Imposible.
"Jacob..", bulong ko.
**kinabukasan**
Pinuntahan ko si Jacob sa tapat ng classroom niya. Yung dating gawi. Gumwapo siya at talaga namang sumikat siya. Nung una nagulat ako pero, naka-recover din. Kasi naman, ikaw ba naman makakita ng isang nerd kanina tapos maya-maya lang naging guwapo diba. Bukod sa naging guwapo siya, yun nga sumikat siya. Kapantay na niya yung kinaiisan namin na si George. Pero di niya yun naging kabarkada. Hayan na si Jacob, palabas na.
"Jacob-", bigla akong natumba at napaupo sa sahig. Siniko ako ng isang babae.
"Jacob, pa-picture kami!"
"Ashley!", tumingin siya sa'kin at aakma ng lumapit pero nakaharang ang madaming babae na gustong magpa-picture sa kanya.
"Jacob..", tumayo na lang ako at hinintay ko pa siya ng ilang saglit. Pero sa dami ng nagpapa-picture sa kanya, baka mamaya pa matapos. Umalis na lang ako at pumunta sa garden ng mag-isa. Nagbasa na lang ako ng Diary of a Wimpy Kid.
"Hahaha!", tumawa ako pero deep inside, nalulungkot ako kasi di ko kasama si Jacob. Nakita ko si Andrea at Sophia kaya nakipag-usap ako sa kanila kung puwede akong sumama. Pero tinanggihan lang nila ako. Di daw sila nakikipagkaibigan sa mga nerd na gaya ko. Nasaktan ako kaya lumayo na lang ako at nagbasa ulit ng Diary of a Wimpy Kid. Napahinto ako sa pagbabasa ng makita ko si Jacob sa harapan ko.
"Jacob.."
"Jacob, tara na! Mahuhuli pa tayo!"
"Sige!", sabi niya sa kabarkada niya. "Sorry Ashley..", tuluyan na siyang umalis. Tinignan ko lang siya habang papalayo siya. Umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa nanghina na ko. Wala ng masyadong tao sa school. Kinuha ko na ang bag ko ng may tumawag sa'kin.
"Ashley!", pamilyar ang boses niya kaya nilingon ko.
"Lloyd!", tumakbo siya papunta sa'kin at naglakad kami ng sabay.
"Ba't mag-isa ka lang? Nasan yung boy na friend mo?", ngumiti siya. Ang gwapo niya pala.
"Ah, nauna na siya. Di niya ko hinintay", nalungkot ako habang inaalala ang mga nangyari kanina.
"May problema ba Ash?", napatingin ako sa kanya.
"Ash?", nagtaka ako.
"Ah, nahahabaan kasi ako sa Ashley kaya Ash na lang. Pwede ba?", nakangiti pa rin siya.
"Sure", pagsang-ayon ko. Yumuko ako.
"Ah, balik tayo sa tanong ko, may problema ba?", umiling lang ako.
"Ah ganun ba. Gusto mo bang ihatid na kita sa bahay niyo?", nagulat ako. Si Jacob lang kasi ang gumagawa nito sa'kin.
"W-Wala ka bang pupuntahan?"
"Mm, meron kaso..makapaghihintay naman sila"
"Ganun ba. Sige, wag na lang. Baka kailangan ka nila"
"Hindi, gusto kong ihatid kita sa ayaw mo o sa gusto mo"
"Sige, mapilit ka eh", ngumiti ako. Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti ulit.
"Yun! Ngumiti din siya!", natawa na lang ako.
Nasa tapat na ko ng bahay.
"Salamat sa paghatid ah?"
"Walang anuman yon! Bukas, ihahatid ulit kita. Tapos sa susunod at susunod at susunod pa"
"Bakit?", kumunot ang noo niya.
"Anong bakit?"
"Bakit mo ko gustong ihatid?"
"Kasi gusto kitang makilala", napangiti ako.
"Ah, okay", tumalikod na ko ng bigla niya kong tinawag.
"Ash.."
"Bakit?"
"Gusto ko kasing mapasama sa boy na friend mo. Puwede ba?", ngumiti ako.
"Puwede naman. Yun lang ba?", ngumiti siya.
"Salamat ah. May girlfriend na ko", hininaan niya ang boses niya kaya di ko narinig ang kasunod.
"Ano?"
"Ah, wala. Sabi ko, may girl NA friend na ko"
"Aah, akala ko naman kung ano. Sige, bye na, thank you sa paghatid!"
"Sige bye!", umalis na siya at ni-lock ko na ang gate. Ngumiti ako.
May bago na kong boy na friend!
to be continued.
![](https://img.wattpad.com/cover/27981847-288-k904420.jpg)
BINABASA MO ANG
My Handsome Nerd♥
Romance"Langit siya, lupa ako, di kami bagay, maliban na lang kung may magbabago sa nararamdaman ko"