"Our Imperfections are signs that we are human"
NOTES:
-Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ganyan ang entre ko, base kasi sa aking obserbasiyon ang mga tao ay hindi perpekto. May mga maling desisyon tayong nagagawa sa ating buhay, mga pagkakamali sa mga gawain o kahit ano pa yan. Well, ito ang masasabi ko, natural para sa ating mga tao ang magkamali, hindi ibig-sabihin na nagkamali ka ay masama ka hindi rin ibig-sabihin na hindi ka nagkamali pero mabuti ka, kadalasan ang mga nakakagawa ng mga pagkakamali sa buhay ay ang mga taong maraming karanasan ngunit sila rin ang taong mas maraming alam patungkol sa buhay. Tayo ay tao lamang okay lang na magkamali, basta alam ko sa sarili mo na ikaw ay nagkamali at nakakuha ka ng aral sa pagkakamaling ito dahil tayo ay hindi perpekto tanggapin natin ang ating pagkakamali at yakapin natin ito bilang bahagi ng ating pagkatao dahil sa pamamgitan nito mas matuturuan mo ang iyong sarili sa mga mabubuting desisyon na iyong gagawin.
YOU ARE READING
My Twelve Quotes in LIFE
عشوائيTwelve quotes of Purlevemmlp that might inspire you.