Nandito na naman gumagawa ng tula
Para sa mga taong sinaktan at binalewala
Para sa pag ibig na patuloy nang nawala
At sa mga taong pinagpalit lang palaNaka ilan nang gawa ng tula
Pero wala paring napapala
Umaasa pa din sa sayo sinta
Kahit pa may mahal ka nang ibaNauna kitang minahal kesa sakanya
Lagi akong nasa tabi mo pag may problema ka
Pero sya parin ang ibig mo
At lubusan mo nang kinalimutan ang akoMasakit man isipin na may iba ka na
Pilit mang sinasabi sa sarili na masaya ako para sainyong dalawa
Kahit ikaw padin ang nasa puso sinta
Kailangan nang kalimutan at iwan ka
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula
PoetryAking pinagsama sama ang mga tulang aking ginawa. Hindi man ganon kahaba, ang importante ay naparamdam ang aking nadarama. Sana kayo ay maligayahan, sapagkat ito lamang ang aking makakayanan.