Siguro ganon nga talaga
May makikilala pa tayong iba
Malayo saating nakasanayan
Ito dapat ang ating maintindihanDati sila lang ang kaibigan
Ngunit nagkalayo ng skwelahan
Naka kilala ng ibang tao
Hanggang sa magkalimutan na tayoSobra ang ligaya tuwing nagkikita
Pero bakit parang may nag iiba?
May mga taong hindi nagpapakita
Ito pa ba ang aming barkada?Barkadang binuo naming lahat
Tila ba'y hindi na nagiging sapat
Nawawalan na ng oras sa isat isa
Dahil sa bagong tao sa buhay nilaPero kahit ganon ang aming tropa
Nagdadamayan pa din pag may problema
Minsan mang hindi mabuting impluwensya
Masaya pa din kami pagsama sama
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula
PuisiAking pinagsama sama ang mga tulang aking ginawa. Hindi man ganon kahaba, ang importante ay naparamdam ang aking nadarama. Sana kayo ay maligayahan, sapagkat ito lamang ang aking makakayanan.