Mahal kita, mahal mo ako
Pero bakit tayo na punta sa ganito?
Ang hirap tanggapin at kalimutan
Dahil ang puso ko'y nawasak at nasaktanMasaya naman tayo dati
Pero bakit ganito nangyari?
Dahil ba nagkulang ako sa ibang bagay?
O talagang hindi lang ako sapat sayong buhay?Tinanggap ko ang katotohanang hindi na ako
Dumating sa punto na sumuko na ko sayo
Ano pang saysay kung iba naman ang tinitibok ng puso mo
Mas mabuti pang maghiwalay nalang tayoHindi naging madali pero iyon ang tama
Para hindi na tayo masaktan pa
Kulang ang salitang mahal kita
Para ipaglaban pa kita sakanyaBumitaw ako dahil gusto kitang lumigaya
Kahit hindi na sa piling ko, sinta
Hindi ka mawawala sa aking puso
Mananatiling ikaw kahit ang puso'y nagdurugo

BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula
PuisiAking pinagsama sama ang mga tulang aking ginawa. Hindi man ganon kahaba, ang importante ay naparamdam ang aking nadarama. Sana kayo ay maligayahan, sapagkat ito lamang ang aking makakayanan.