Chapter 2 : Meet Lance Edeson

83 3 13
                                    

********E-Mall*********

Ali’s POV

“WOW” grabe ang laki pala ng mall sa personal.

Ang saya ko. Sobra!!!!!   *____*...

First time kong makapasok ng mall sa tanang buhay ko...

Walang mall sa probinsya kaya pagpasensyahan niyo na ko.

Sa mga picture sa diyaryo lang ako nakakakita ng mall . Di ko inakalang ganito pala ito kalaki sa totoong buhay.

Siguro ang yaman-yaman ng may-ari nito.

“Ali! Natulala ka na diyan. Tara na’t makapasok na sa loob” ang epal talaga ni Kath kahit kailan. Panira ng moment ehh....

Nasa labas pa nga pala kami ng mall. Actually kakababa lang namin ng jeep at itong si Kath naman ay direderetsong naglakad papasok ng mall at ako naman naiwang nakatulala ditto sa kinatatayuan ko at pinagmasdang mabuti ang bawat parte ng mall.

Itong babaeng to talaga, parang siya pa itong di pa nakapasok ng mall sa sobrang atat.

Napailing na lang ako sa naisip ko at sumunod na kay Kath sa loob.

Sa pangalawang pagkakataon, na star-struck nanaman ako sa nakikita ko.

“Ang gandaaa.....”

“Kath tingnan mo ohh....” tawag ko kay Kath sabay turo sa mga nakikita ko

“Ano?” nagtatakang tanong ni Kath

“ Tingnan mo ohh? Ang daming tindahan ng mga ukay-ukay” – Ako, sabay turo sa grupo ng mga tindahan ng mga damit

“O___O”- Kath

“Tara maghanap tayo ng mga magaganda’t murang mga damit ” pag-aaya ko kay Kath sabay lakad palapit sa mga tindahang iyon ng mapansin ko na di siya sumusunod sa akin at nakatulala lang na tumitingin sa mga tindahan na tinuro ko kanina

Siguro di siya makapaniwala na merong ukay-ukayan ditto...

Binalikan ko siya para tingnan kung ok lang siya. Mukha kasing di siya maka get over sa mga nakikita niya.

“Oi Kath, natulala ka na diyan”- Ako

“Anong tinawag mo sa mga tindahang yan?”- di makapaniwalang tanong ni Kath

“Tindahan ng mga ukay-ukay. Bakit?”  Grabe naman itong si Kath, nakatira lang sa siyudad di na alam ang ukay-ukay

“Seriously?” di makapaniwalang bulalas ni Kath

“Bench”

 

“Penshoppe”

 

“Unica Hija”

 

“Crissa”

 

“Jag”

 

“Lee”

 

“at iba pang mga mamahaling branded na damit, tinawag mong mga ukay-ukay O__O?” di makapaniwalang tanong niya.

“Huh? Anong pinagsasabi mo diyan?” di ko talaga ma gets tong babaeng to.

Tinuro niya naman sa akin ang mga pangalan na nakasabit sa labas ng mga tindahan ng ukay-ukay.

Ms. Commoner is Meant to be a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon