∞Five∞

35 5 0
                                    

Point of view ====> Gray

Arrgghh!! Amputa!! Ang boring dito!! 2 weeks na pala ang nakalipas simula nung bumisita kami sa mansion ni SKhye at nasa school kami ngayun, sa room namin to be specific, nakikinig sa walang kwentang professor namin sa Math, wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya!! Malapit na din kasi mag-Lunch break. Si Clyde nakikinig lang same with Bryx and Axel, si Kyle may katext, hindi naman siya nakikita ng prof kasi tago siya nagtetext, yung nasa harap ko naman, tulog? Siguro, nakaubob ang ulo sa mesa eh!!

Haist!! Ang ganda niya talaga noh? Kahit na lagi siyang naka-poker face, idagdag pa ang cold voice niya!! Nakakakilabot siya magsalita!! Pero above all, pwede na siyang masabihan na perfect. Wag kayo =_=" Honest ako ngayun eh, ngayun nga lang :P Haist T_T Gusto ko na talaga mag-cutting T_T

"Guys"-bulong ni Clyde kaya napatingin kami sa kanya at tinanong naman siya ni Axel kung 'Bakit?'

"Cutting tayo?"-sabi niya na may nakakalokong ngiti. Ayos ah :D Sinang-ayonan naman namin siya

"Pero, pano? Terror pa naman yang professor natin?"-nanlulumong tanong ni Kyle

"Ako na ang bahala"-sabi niya ng makakahulugan kaya tumango nalang kami,

"Uhm. Prof. Padillo?"-tawag pansin ni Clyde sa professor namen at nagtaas pa ng kamay para makita agad siya ni Prof. Padillo

"What!?"-inis na tanong niya, ayaw na ayaw niya kasi na iniistorbo siya sa kalagitnaan ng lesson niya

"Uhm. The Principal wants to see me, same as Skhye, Gray, Bryx, and the twins"-alinlangan niyang sagot aat nagkamot pa sa batok niya.

"Tss. Palusot mo, dre"-bulong ko sa kanya kaya sininghalan niya ako.

"Then you may go with your company and Skhye"-sabi niya kaya dali-dali naming niligpit ang mga gamit namin at tumayo,

Si Clyde ginising si Skhye at nung nagising na siya kinuha na niya ang bag ni Skhye at lumabas na kami sa room namin.

"Daan muna tayo kay Tito"-sabi ni Clyde kaya tumango kami.

Don't mess with the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon