Dear Crush...

107 7 0
                                        

Dear Crush,

          Hi Crush. Sumulat ako dahil marunong akong magsulat at may papel at ballpen ako. Hahahaha. Joke! Seryoso na.

          Hi Crush. Kilala mo ba ako? Malamang hindi. Ako nga pala yung taong ‘di mo alam na nag-i-exist pala. Ako lang naman pala yung taong kelanman ‘di mo nakitang may halaga. Pero I can't blame you, kasi hanggang tingin lang naman ako e. Kasi kahit anong gawin ko iba ang gusto mo at hindi ako.

          Tanda mo pa ba yung mga panahong nag-iisa ka lang? Yung mga panahong nalulungkot at walang kasama. Tinitignan kita nun at iniisip ko kung lalapitan ba kita. Pero di na kita magawang lapitan kasi bigla syang dumatying sa eksena. Minsan napapaisip ako at tinatanung ang aking sarili. Bakit ganun?, bakit ang unfair ng buhay?, ano bang meron sya na wala ako?. Pero sinagot ko ang sarili ko ng tanung din. Bakit ano bang ginawa ko? Marami. Pero ni isa sa mga yun, di mo man lang napansin.

          Alam mo naiinsecure ako sa kanya. Alam mo kung bakit? Kasi bakit pag sa kanya, andali mong ngumiti? Bakit pag sa kanya, parang wala ka nang kailangan pa? Bakit pag sa kanya, andali mong ibigay ang mga bagay na ang hirap mong ibigay sa kanya? Unfair noh? Sobrang unfair. Pero sino ba naman ako? Para sumabatan ka ng mga bagay na di mo naman alam na ganun pala.

           Pero nagpapasalamat pa rin ako sa ’yo. Kasi kahit saglit, kahit minsan naramdaman kong main love at kiligin. Ngiti mo lang, halos lumundag na ang puso ko sa saya. Marinig ko lang ang boses mo, walang sinabi ang mga paborito kong musika. Salamat kasi sa maikling panahon naramdaman kong maging normal na tao.

          Gusto kitang yakapin ng napakahigpit. Kausapin ng kay tagal. Makasamang nakangiti. Kasama kang kumain. Kasama sa pag-uwi. Kasama kung san man ako pumunta. Kasama kapag ako’y nag-iisa. Mga pangarap na matagal ko nang gustong makamit at tuparin.

          Tanda mo pa yung mga oras na nalink tayo sa isa't-isa. Ansaya ko noong mga panahong yun, kasi AKALA ko yun na magsisimula ang ating mala-fairy tale na lovestory. Mga tukso ng kaibigan, asaran ng mga kaklase. Lahat na. Lahat na ng mga panahong kasama ka. Kahit saglit. Sobrang saya at sobrang unforgettable.

          Araw-araw kong ngang iniitay ang 11:11 umaga at gabi, para i-wish na sana tayong dalwa na lang. Na sana ako naman. Na sana makita mo rin ang halaga ko sa buhay mo. Na sana maging parte rin ako ng buhay mo. Na sana napansin tong nararamdaman ko.

          Araw-araw kong sinasabi sa karamihan na, ”Walang FOREVER..” at sabi ng utak ko na, “Walang Forever kasi wala pang TAYO..” Bakit ganun? Kasing imposible ba ng forever ang salitang Tayo? Kaya ang masasabi ko lang, “Sad life..” hay. Sana katulad na lang tayo ng mga nababasa kong fiction stories sa wattpad.

          Pero minsan naiimagine ko habang nagbabasa ako ng story, na tayo yun. Na kahit anong struggle at challenges sa bawat chapter dadating pa rin tayo sa epilogue na happy ending. Pero wala e, we live in real world na kahit yung ibang nakatira o naninirahan dito ay mga fake. Pero lahat ng yung they pass away in the right time. Because we're all mortals na kahit di natin gusto, mangyayari at mangyayari yun. Katulad na lang ng mga couple, in the end, they will break up. Kahit anong sabihin nila dun sila hahantong. Pero it depends on their trust, loyalty and love for each other. Pero tayo? Magkakaroon ba tayo ng ganung mga karanasan? Siguro malabo pa yun sa sabaw ng panos. Pero naiimagine ko rin na para tayong bida sa isang teleserye. Pero kung tayo man ang bida sa isang teleserye, alam nating lahat na dadating ang panahon na natatapos rin ito.

          Pero habang tumatagal, lumalamin na tong nararamdaman ko, habang tumatagal mas nahihirapan akong tuparin ang pangarap ko--- IKAW.

          Sana dumating yung oras na yung feelings ko para sa 'yo ay magmistulang bula. Pero imposible kasing imposible ng forever lalo na kung lagi kitang nakikita at lagi kang nasa isip ko.

          Ang hiling ko noon ay ANG IKAW AT AKO AY MAGING TAYO. Pero ngayon bago ako umalis, sana makita ko kitang nakangiti kahitt saglit lang sa buong buhay ko. Kahit wag mo na akong mahalin pabalik. Basta makita kitang masaya... kahit sa piling nya pa.

          Nagpapasalamat na rin ako sa Diyos kasi di tayo nagkakilala ng matagal, kasi mas masakit, mas mahihirapan akong tanggapin na mawawala rin ako dito sa mundo.

          Yes. I’m sick. It's stage 4, brain cancer. If I pass away soon, masaya akong aalis kasi, di ka mahihirapan pagnawala ako. Di ka iiyak. Di ka malulungkot. Kasi pag-umiyak ka, sino na lang magpupunas ng luha mo. At ayaw kita umiiyak dahil ko.

          Siguro nga ito talaga ang nakatadhana para sa atin. Pero wala akong pinagsisisihan. Kasi alam ko lahat ng to ay nangyayari dahil may dahilan. Lahat ng pagsubok na to ay malalampasan. Di Nya tayo pababayaan. Kasi alam Nya lahat ang kailangan at lahat ng makakabuti para sa atin.

          So, hanggang dito na lang. Alam kong binasa mo to ngayon. Inipit ko to sa locker mo para mabasa mo. Kahit alam kong huli na ang lahat. Pero salamat sayo ha? Mag-iingat ka palagi. Always remeber. I’m watching you, whereever you are. I love you, Cahlum Grae Antoine Sebastian-Perez. :)

                                                               Love,

                                                         Gracia Czyrianne♥

Naluluha ako pagkatapos kong basahin ang sulat mula sa aking locker. Kalat na buong campus na patay na si Cia-cia. Ang babaeng  lihim kong minamahal. Lungkot at panghihinayang ang nararamdama ko ngayon. Huli na ang lahat, bakit ganun? Bakit ngayuon ko lang nalaman na mahal pala namin ang isa’t-isa? Bakit?!!! Pero it's too late for regrets. Sana pala nagtry ako. Sana pala sinubukan kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko.

Takot kasi akong mareject. Kaya si Aryanna ang niligawan ko. Kasi alam ko at sure akong sasagutin nya ko. Hay. Bakit di ko sinubukan? Edi sana nagkatoon pa kami ng napakaraming memories. Sana nakasama ko pa sya ng matagal.

Siguro tama sya, yun ang nakatadhana para sa amin. Pero sabi nila tayo ang gumagawa ng ating kapalaran. Kahit na. Sana lahat ng sana natutupad.

Umuwi ako ng bahay namin, nagbihis at pumunta sa bahay nila Cia-cia, kung saan sya nakaburol. Andaming taong nakikiramay. Andaming umiiyak at nakikisimpatsa. Mabait si Cia-cia. Pero di ko sya magawang lapitan kasi nahihiya ako. Nung mga panahong nalink kami sa isa’t-isa. Natatakot akong lapitan sya baka kasi umalis o umiwas sya. Yung ang kinatatakot at ayaw kong mangyari.

Nasa harapan ako ngayon. Tinitignan sya sa kanyang burial chamber. Ampeaceful nyang tignan. Sobrang amo ng mukha. Siguro, this is the right way para makaiwas na sya sa pain. This is the best way para di na sya masaktan. This is our destiny. This is the reality. Na dapat bawat segundo, oras, linggo, buwan at taon ay napakahalaga. Nabawat isang segundo lahat pwedeng magbago, na lahat pwedeng masira. Na lahat pwedeng magulo. Pero ito ang buhay e. Kahit maliliit na bagay dapat pinahahalagahan at binibigyan ng atensyon. Kasi baka dumating ang panahon na ang magagawa na lang natin ay sisihin ang ating sarili. Kaya ngayon lagi kong iniisip na, it's now or never?

Dear Crush... (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon