START

4 0 0
                                    


Tuwang tuwa nanaman tong mga ito sa kagaguhan nila.

Tignan mo tong anim na to.

Akala mo talaga nakakatawa tong ginawa nila sa akin, I set-up ako sa blind date? Eh sumama nga sa kanila di ko magawa hanapan pa ko ng kadate?

"Hi Bobby, ako yung kameet mo ngayon." Todo ngiti pa to si ate at akala mo eh kilig na kilig na habang nilalahad ang palad niya sa akin para makipagshake hands.

Paano kaya ako pinakilala ng mga kaibigan ko dito?

"Sorry miss pero hindi kita kilala."

Tumayo nako dala yung libro ko. Minsan na nga lang ako mag aral may istorbo pa!

"Huh?paanong hindi mo ko kilala eh ikaw yung nagsabi sa akin na magmeet tayo dito?"

Naguguluhan na siya pero sumusunod parin siya sa akin.

Tsk.eto yung ayoko eh yung pinagtitinginan ng tao. Nasa akin nanaman ang atensyon. Nakakairita.

"Hindi nga ako yun sabi eh! Yung mga kaibigan ko yun. Kaya kung pwede lang wag kana sumunod sa akin? At nakakairita na."

Tinabig ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin para pigilan ako umalis pero wala talaga ako balak magstay dito dahil nararamdaman ko na yung mga tingin ng tao.

Pagkabitaw niya sa akin alam kong umiiyak na siya at naririnig ko ang mga hikbi niya habang pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.

Maya maya napahawak nalang ako sa ulo ko dahil meron bumato sa akin.

"Hoy yabang! Ganyan kaba makipag usap sa babae? Grabe ka naman akala mo kung sino ka?!?!"

Pakshet. Si human rights.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dont Stay with me, Im FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon