oh screwed.
anong oras na pala. Lagot ako kay Conrad, hindi ako nakapasok sa midterm exam kanina sa Math22
ehh anong paki ko, number 1 parin naman ako kahit anong ditching ko sa class.
napasarap ako ng tulog ehh.
at ito pa nakakainis. si faith, yung bestfriend kong baliw, tadtadin ba naman ako ng text at call! kulang nalang magpatawag ng police sa pagkawala ko ehh.
exagerated much kase, psh.
sabagay 4 hours na akong tulog dito. nasayang oras ko sa pagtulog. Bakit nga ba ako natutulog? ehh mostly naman hindi ako natutulog kahit gabi o umaga. Maganda parin ako, no eyebags NO pimples
anyway, hinanap ko na yung kaialngan kong hanapin dito.
yun naman talaga pakay ko ehh
bukod sa katahimikan
lakad
scan
lakad
scan
wow hah, nakakapagod rin. halos nasa dulo na ako ng room.
lakad ulit
at lakad
may napansin ako sa bandang ibaba. matingkad naman kasi yung cover ehh, kaya kapansin pansin. kinuha ko yun at pinagpag yung alikabok.
*cough cough* grrr,
purple with black lines at nakasulat ang magandang calligrafitti na
"Chroniques de créatures sombres" whuat? ano daw? bakit french? di naman ako nakakaintindi nun ehh. dalhin ko na nga lang to at i-google?
interesting yung sulat with flames pa. baka ito na yun hehe.
Scan and skimming muna ang ginawa ko dahil hindi ko naman mabasa dahil sa leche flan na french na ito. Ang ganda ng pictures nito beast, witch, demons, mermaid and...vampires? nageexist ba yun? twilight lang ampeg, ganerns?
pero anyway sana mermaid ako, wala lang. Astig kasi pag nasa ilalim ka ng dagat tapos lumalangoy sa sa antartica. ehh bakit ba? gusto ko sa malamig ehh.
pero astig rin pag vampire, mabilis ang reflexes mo, malakas ka, cold ka, mabilis ka tumakbo, matalas paningin at pandinig mo. tapos ginagawa nilang tubig yung dugo, di naman masarap. hilarious. pero maganda ang eyes, Astig diba?
gaga, mabilis rin reflexes mo, malakas ka, cold ka napa-mental slap ako. oo nga no? bakit di ko naisip yun? mas matalino pa sakin subconcious ko ehh.
tama nga, mabilis reflexes ko, malakas at cold sa emotion, duh cool ako at the same time hot ako. kaya no no. Hindi matalas paningin at pandinig ko at lalong lalo na I dont crave for blood. eww, anyway punta na ako sa hmmm room. May class pa pala ako, history -________-
inilagay ko na yung libro sa bag ko at lumabas. dumiretso na ako sa classroom baka magalit pa yung panot kong professor. Nakakasilaw kaya hirap magconcentrate.
boriiiiiiiiiiing
*bell*
yehes! makakauwi na ako, makakapahinga, makakakain, makakapagbasa.
"Hoy Iserah Colin Eternal! titigil ka o titigil ka!?" sigaw niya sakin, kaya no choice tumigil ako. binigyan ko siya ng death glare anong kailangan at problema mo look
lumapit siya sakin na galit, uh-oh get ready ICE
"BESTIE!! PINAGALALA MO AKO!" yakap niya sakin at sigaw sa tenga.
sabi na ehh, magdadrama nanaman to.
"oo na oo na, sorry naman, nakatulog ako ehh" sabi ko pero nakayakap parin siya "tama na drama mo, alis di ako makahinga"
"ayy, hehe" bumitaw siya "best una na ako ahh, bye!" sabi niya sabay alis
-
pagkapasok ko naamoy ko kaagad ang Wild flower, woods and nevermind.
good to be home
sarap talaga pag nasa bahay ka.
"Mom?" sabi ko. hinanap ko siya sa kusina, wala. sa sala, wala.
umakyat ako ng hagdanan at kumatok sa office niya. wlang sagot kaya pumasok ako,
"mom?" sabi ko at nakita ko siyang nakatulog sa desk niya. napangiti ako, ginagawa niya talaga lahat para matustusan ako. Pharmacist si Mommy pero may sideline siya sa isa siyang writer. nakakapagod para sakaniya.
nilapitan ko siya at humalik ako sa pisngi niya, at nagising ko siya.
dumilat siya ngumiti nung nakita niya ako.
"Dom" bulong niya. hah? dominique? me? mukha ba akong lalaki? hindi ako umimik kaya umayos siya ng upo at hinawakan ang pisngi ko.
"mali ang iniisip mo nak, kamukha mo kasi daddy mo" sabi niya. ahh oo nga pala, dominique pangalan nun. ehh, mind reader lang? "youre so easy to read, baby" sabay ngiti.
psh
hinila niya ako palabas ng kwarto at dinala sa kusina.
kumain kami
"here" inabot niya yung capsule at ininom ko ito. Ang sweet talaga ni mommy. hindi ko alam gagawin ko pag wala siya. She's the most important living human for me.
Siya ang taong nakakaintindi sakin
Natitira sakin.
tunay na nagmamahal sakin
at nagiisang nagpapangiti sakin
warm smile that only my mom can give
My one and only Veronica, mom.
BINABASA MO ANG
ICE
VampireThere's nothing last forever. Hindi lahat nakukuha mo. Hindi lahat utak ang pinapairal. HIndi rin dapat puso lagi ang sinusunod. Dapat marunong tayo magbalanse sa buhay. Balanseng tipong kailangan lahat ng galaw mo kalkyulado mo. Kasi balang araw pw...