CHAPTER 8

10.4K 295 7
                                    

NAGISING ako na nasa kama na ako at nakahiga, napatingin ako sa katabi ko. Tulog pa din siya.

Parang hindi siya yung Carter na nakilala ko.

Nakatulog ako sa sahig kagabe, tapos paggising ko nandito na ako.

Nakatalikod siya sa akin at walang damit. Bumangon na ako saka pumunta sa pwesto niya.

Tinignan ko siya, pumantay ako ng konti sa kaniya at hinalikan sa noo. "Sorry for lying to you, CJ." Mahinang saad ko bago pumunta ng banyo saka naligo.

Pagkatapos maligo ay kaagad ako nagbihis, kailangan ko na pumasok. Ayoko maabutan ako ni Carter dahil nahihiya ako sa kaniya.

May pictorial pa ako mamaya around 1 pm, tahimik na lumabas ako ng kwarto dala-dala ang bag ko.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Dad at Mama na nasa living area. "Aalis ka na?" Tanong ni Dad.

"Opo." Sagot ko.

"Hindi mo ba hihintayin si Carter?"

Umiling ako. "Hindi na po, maaga pa po ang pasok ko."

****

"AYAW mo ba ihatid kita?" Tanong ni Arthur.

"Huwag na. Malapit lang naman dito yung studio ni Antonina.

Pababa na kami ng hagdan napatingin ako kay Carter na paakyat kasama ang mga kaibigan niya, naramdaman ko na lang na hinarang nito ang paa niya na hindi ko namamalayan dahilan para mahulog ako sa hagdan.

"My bad." Nakangising saad nito.

Napadaing ako, tinignan ko siya pero hinayaan ko na lang.

"Shit! Okay ka lang?" Nag-aalala na tanong ni Arthur at inalalayan ako tumayo.

Napadaing ako lalo. "Dahan-dahan."

"Gago 'yon!" Galit na sabi ni Arthur na mukhang susugurin si Carter.

"Hayaan mo na, galit lang ang kapatid ko." 

"Galit? Ibang galit 'yon! Sinasadya niya tapos okay lang sayo?!" Galit na tanong niya.

Hindi ako nakasagot dahil nahihiya din ako.

"Tignan mo yung noo mo, may sugat ka at ang laki pa. Huwag ka na kaya tumuloy sa pictorial mo?"

Umiling ako. "Hindi pwede." Sabi ko.

"Maiintindihan naman ni Antonina 'yon." Sabi nito.

"Pumunta ka na lang ng clinic at ipangkuha mo ako ng band-aid. Nalalasahan ko din yung dugo sa labi ko."

"Fine! Hintayin mo ako dito. Ihahatid kita." Sabi nito.

Tumango ako at dahan-dahan umupo sa may hagdanan.

Ilan sandali lang ay nakarating na si Arthur at siya ang naglagay ng band-aid sa noo ko, tumayo na ako at dahan-dahan naglakad. Ramdam ko na may pilay ang kaliwang paa  ko.

"Ayos ka lang ba? Yung totoo remington?" Seryosong tanong ni Arthur nang makarating kami sa harapan ng studio ni Antonina.

"Oo naman, sige na. Magiingat ka." Sabi ko at kinuha yung bag ko bago ako lumabas ng kotse.

Pumasok kaagad ako sa Studio ni Antonina, ngumiti ito ng makita niya ako.

"Anong nangyari sa noo mo?" Nagtataka na tanong niya.

"Nahulog ako." Natatawa na saad ko.

Napailing ito. "Mag-iingat ka, since may sugat ka gagawan natin ng paraan 'yan. Magpaayos ka na."

Lumapit ako kay Luca at inayusan kaagad ako nito. "Remy, ayos ka lang ba?"

Ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman." 

"Sigurado ka? Kilala kita pag may sugat ka or kahit ano kaagad ka nilalagnat."

"Sex lang ang katapat." Natatawa na saad ko.

Natatawa na napailing ito. "Baliw." 

Tumayo na ako at nagbihis. Isang plain white shit, black pants, black leather jacket, at vans na kulay black.

Nilapitan ko kaagad si Antonina. "Sino ang magiging kapartner ko?" Tanong ko.

"Si Xiomara." Sagot nito.

Bigla ako napangiti at nakikita ko na papalapit ito sa amin.

"Hi Remington."

"Hi Xiomara." Hinapit ko siya sa bewang.

"Masyado ka naman mabilis." Mapang-akit na sabi nito.

"Can we start?" Tanong ni Antonina, nakangiti ito sa amin. Tumango kami.

"Remington, umupo ka then Xiomara umupo ka sa hita ni Remington."

Sumunod naman kami, umupo ito sa hita ko pero may part na sinasadya niya na matamaan yung pagkalalake ko.

"Okay, one more." Saad ni Antonina.

Napakagat labi ako bigla at hinawakan siya sa bewang.

"Nice shot!"

Hinawakan ko siya sa batok at pinalapit sa akin. Tinignan ko siya sa mata. 

"Nice!"

"Do you want me to fuck you?" Mahinang tanong ko.

Ngumiti ito. "Sure, basta stay ka sa condo ko for 1 night."

Ngumiti din ako. "Sure." 

"Okay done. Magpaayos na ulit kayo." Sabi ni Antonina.

Inalalayan ko tumayo si Xiomara bago ako tumayo.


Possessive Stepbrother | BxB | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon