Chapter 10

79K 2.4K 117
                                    



Chapter 10: arguments
🥃

Josh

Tawang tawa ako matapos tumakbo paalis si Khairo nang tumayo si Isaac. Magpinsan kaming tatlo. Niayaya namin si Isaac lumabas pero di naman namin inaasahan ni Khairo na makita yung babaeng gusto niya. Yeah, we know he likes her. Stalker ang gago amputa. Ngayon lang umakto ng ganito sa isang babae.

Sorry Khairo, you'll be a dead meat soon.

Humalakhak ako nang makalapit na nga si Isaac dun sa magandang babae. Fuck! Ang ganda niya! Siya yung unang napansin ko dito sa bar nang dumating kami. Kung di pa tinuro sa akin ni Khai kung sino yung babae ni Isaac, ay baka nilapitan ko na siya at pinagana ang charms ko!

Pero sa kasamaang palad, di ko siya puwedeng kausapin o galawin. Takot ko na lang sa pinsan ko. Baka ilibing pa ako non ng buhay!

Napamura ako nang hinihingal na naupo si Khairo sa tabi ko at mabilis ininom ang alak niya. "Gago! Ang sarap niyang humalik! Pero kapalit naman non e buhay ko! Buti at napigilan ko pa ang sarili ko na tumugon! Kundi nagilitan na talaga ako ng buhay ngayon!" Namumutlang sabi niya .

"Patay ka kay Isaac, pare"

"Kapag hindi niyo ako nakita sa mga susunod na araw, call 911 agad! Ipahanap niyo na bangkay ko lintek!" Halos mangiyakngiyak pa ang gago kaya tinawanan ko na lang. Shit! Buti na lang pala di ako ang napag-utusan na ihiwalay ang magandang babaeng iyon dun kay Julius.

"RIP dude. Anong bulaklak gusto mong ilagay ko sa puntod mo?" Pang-aasar ko pa pero natawa ako nang batukan niya ako.

"Gaguhan? Puwede ko namang sabihin kay Isaac na tipo mo yung babaeng magaling humalik! Sasabihin kong sinabi mo sa akin na gusto mo rin matikman kung gaano siya kagaling humalik! Para lagot tayong dalawa!" Untag niya kaya sinapak ko na! Gago! Idadamay pa ako!

Ayokong mabugbog! Lakas pa namang sumuntok ang Aldereva na yun!

Nailing lang ako tsaka pinanood kung paano manlalaki ang mga mata ng babae nang tumigil ang pinsan ko sa harap niya. Galit si pinsan pero di niya lang pinapahalata! Halos kainin na nga siya ng selos habang nakikipaghalikan si Miss ganda kay Julius. Kilala namin ni Khairo si Julius kasi nakasama namin noon sa isang game. Brainiac ang gago tapos parang nerdy.

Parang handa pang patayin ni pinsan ang mga lalaking tumitingin sa babaeng gusto niya! Para siyang sasakmal ng tao ng di oras! Lupet talaga.


I smirked when I saw the girl glare at Isaac.



Catalya
Huwag kang kabahan Catalya! Letse ka huwag kang kabahan!

"Umalis ka na bago ka pa makabalik si Julius. Ayokong makita ka niya" masungit kong sabi at pinagkrus sa dibdib ko ang mga kamay ko dahil nagtagal ang tingin niya don. Manyakis!

He smirked devilishly. Damn! Bakit ba bigla na lang uminit ang ihip ng hangin?

Tumikhim ako para itago ang kaba ko dahil sa matatalim niyang tingin. "Inutusan mo pa talaga ang kasama mo para manira ng moment! Tsaka bakit ka ba kasi andito?!" Naiinis talaga ako kasi pinagkita na naman ng mundo ang landas namin!

Hindi siya nagsalita kaya nainis ako. "Pipi ka? Nalaglag dila mo kaya ka di makapagsalita?" Bulyaw ko ngunit agad akong umatras nang humakbang siya palapit. "Isaac stop! Don't you dare move another inch or else sasapakin talaga kita!" Tarantang sigaw ko.

My chest is heaving roughly. I am scared alright?! I am scared because my body is reacting differently when he's close to me! I fear the consequences of my own self! I fear that I might do things which are inappropriate when he touches me!

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon