latrillianaxx 14

1.9K 18 6
                                    


Tahimik ang dalawa habang si ate rewen ay nag kukwento tungkol sa subject nya na mahihirap , hindi naman ako maka relate kasi parihas pala silang tatlong nasa college na pero kung wala sana ang k-12 dapat first year college na din ako

"Business pala ang kinuha mo rewen"si Marcus"ikaw NEIK?"sabay baling niya kay NEIK na tahimik lang din

"Engineering sa south Korea ako nag aral"sagot niya sa pormal na tono

"Ahmm.. culinary naman ako mahirap din but i love cooking"may pa ngiti pa niyang sinabi

"Wow kilan ko naman ma titikman ang luto mo kung ganoon?"si ate rewen sabay tingin sa akin"diba KYANA?"may taas pang kilay sa akin

"Ah-o-oo naman"ngumiti ako para hindi awkward tingnan

"Ikaw KYANA   kamusta ang school mo, balita ko kasi sa pinsan ko sikat ka daw sa school ?"si Marcus na halatang proud talaga sya sakin

"Hindi naman sa sikat kilala lang ako sa school dahil siguro sa laro ng volleyball tsaka sa mga event na na-panalonan ko , sino bang pinasan mo?"tanong ko kay Marcus para maka iwas sa iba pang tanong

"Si dairon " at uminum naman siya ng juice

Napa tango naman ako ,

"So kamusta ang school mo?"si NEIK

Wow ahh aning bang paki mo kung ano ang ginagawa ko sa school , dapat nga wala kang paki diba

Nakatingin silang tatlo sa akin na pari-parihas nag aabang sa isasagot ko

"Ah, ok naman lagi ko kasama sila VERA at Jaja , wala naman kami halos klase ngayon kasi nga malapit na mag Christmas party nag iisip nalang kami ng gagawin for Christmas party " kumuha ako ng cookies para hindi nila mahalata ang pag kakailang ko

"Marami daw nanliligaw sayo, sa school " si ate rewen kanina pa ito ehh nananadja kaba??

Napatingin nalang ako sa kanya at ngumiti lang siya sa akin kaya nginitian ki nalang din sya

"Kukuha lang ako ng tissue ,"pag dadahilan ko para makaiwas sa mga usapan

Bakit kasi na punta sa akin ang usapan??

Nasa tabi ng sink ang kitchen tissue kaya agad akong kumuha pag lingon ko na kita ko naman si NEIK na papasok ng kitchen kaya na tigil ako

"May kailangan ka ba?"tanong ko. At nag iwas ng tingin sa kaniya

"Ini-iwasan mo ba ako?"sabi niya habang papalapit sa akin

"Ha? - ahh bakit naman kita iiwasan?"sagot ko habang ina-abala ang kamay sa pag punas ng tissue sa kamay ko parang hindi ako tumingin sa kanya

"Alam mo KYANA, kilala kita"at naka lapit na nga siya sa akin ngayon

"Siguro nga , at noon yun pero hindi na ngayon, kasi yung kilala mong KYANA noon ay bata pa at tangang umaasa pero ngayon, siguro isang KYANA na kayang ipag laban ang sarili" at lalampasan kina sana siya ng hinigit niya ako sa braso pabalik sa harap niya

"Tingnan mo ako sa mata"utos iyon

Aba! Ang galing namang mang-utos ng taong ito

"KYANA alam kong nag kamali ako, at inaamin ko ang bagay na iyon pero sana pagbigyan mo ako ngayon na makabawi sayo"

"Para saan at babawi ka? Bakit natalo ba kita ?"sabi ko sa nanginginig na tono"diba hindi? Kasi ako yung talo, oo bata ako noon pero sana naman kung mangangako ka yung kaya mong tuparin, hindi yung mangangako ka pero hanggang doon nalang!"pa bagsak kong kinalas ang nakahawak niyang kamay sa aking braso at nag tatakbo na ako papunta sa aking kwarto

babaeng mahilig makipag flingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon