Parang sa LOVE, mas okay na ang magmahal kaysa umasang mahalin ka rin niya pabalik. Kumbaga, mas madaling magmahal kaysa humingi ng pagmamahal ng iba dahil ang LOVE, kusa yang binibigay, hindi hinihingi.
Mas madali yun kasi nasa 'yo yung control kung hanggang saan mo siya mamahalin, kung hanggang kailan mo siya papahalagahan o kung lahat ba ibibigay mo para sa kanya. Salamat kung makatanggap ka rin pero sabi nga diba, kailangan nagbibigay tayo ng walang hinihinging kapalit.
"Madaling sabihin, mahirap gawin." Yan ang sasabihin ng karamihan pero ganun naman talaga eh. Nagmamahal naman tayo ng mga taong hindi tayo kayang mahalin pabalik pero aminin niyo, doon tayo sumasaya kahit alam nating walang kasiguraduhan. Ganun naman sa love eh. Hindi selfish. #LIKE
