Chapter 3

6.9K 134 0
                                    

Maagang sinundo ni Brandon si Amor sa apartment nito. "May I remind you A, stay discreet. You're there to---"

"Yes I know Bran. I know my job very well!"putol nito kay Bran.

"Good. Call me. And here's your kit. There's your cellphone. My number is there already. Nakaspeed dial na rin iyon in case of emergency. Also ----" sunod-sunod na litany nito sa kanya.

"Bran I can handle myself. Ilang beses ko bang ipapaalala sayo I am not new to this. I know those stuff and I know what to do."

"Fine. Ihahatid lang kita at ipapakilala then I'll go."

"Thank you!"

Pagkalipas ng ilang sandali ay tinatahak na nila ang daan papuntang mansion kung saan nakatira ang kaibigan slash pinsan nito. Habang binabaybay ang daan patungo rito, kapansin-pansin ang mga naglalakihang bahay na pagmamay-ari ng mga mayayamang negosyante. Ano pa ba ang nakapagtataka doon? This village is an exclusive village for rich and mighty people in the country. Napakahigpit ng seguridad dito kung kaya naman hindi basta-basta makakapasok ang kung sino man without informing the concern resident of the village.

"Good morning Boss Brandon! Sino po yang magandang kasama niyo? Bagong chick ni Boss?" tanong ng guwardiya ng village.

Natawa si Brandon sa tinuran nito. "Naku Manong Jose, ikaw talaga basta pagdating sa babaeng dala ko para kay Stan chicks agad! Naku tigilan mo yan baka masesante ka ng di oras."

"Wala namang bago diyan Boss Bran." Natatawang turan din nito.

"Bagong katulong po ako sa mansion ni Sir Stanley manong. Ako po yong bagong pinadala ni Sir Fred." Aniya sa guwardiya.

"Ay ganon ba? Ang ganda mo namang katulong ineng. Oh sige pasok na kayo Boss Bran." Sagot ng guwardiya. Kinuha muna nito ang impormasyon niya at pinatuloy sila.

Nang makarating sa mansion ng kaibigan, sabay na lumabas ng kotse ang dalawa. Binuhat ni Brandon ang bag niya na naglalaman ng mga kailangan niya. Sinalubong sila ni Manang Lucia, ang mayordoma ng bahay ni Stanley.

"Kumusta Manang Lucia? Saan po si Stanley?"tanong ni Brandon sa matandang mayordoma.

"Nasa kwarto niya Sir Brandon. At sino tong magandang kasama mo? Nagbreak na ba kayo ni Ma'am Grace?"Sunod-sunod na tanong nito kay Brandon.

Natawa lang si Brandon sa tinuran ng matanda. "Naku ikaw talaga Manang Lucia. Pagnarinig ka ni Grace malamang magkatotoo yan." Natatawang wika nito sa matanda.

"Eh sino siya? Bagong babae ni Sir Stan?" nagtatakang tanong ng matanda na bahagya pang sumimangot.

"Magandang umaga ho manang. Hindi po ako bagong babae ni Sir Brandon o ni Sir Stanley. Bagong katulong po." Sagot niya sa pagtataka ng matanda.

"Ay ikaw pala yung hinihintay ko. Akala ko naman bagong babae na naman ni Sir. Ay ano bang pangalan mo hija?" turan nito.

"Alexa po manang." Sagot niya at nginitian ang matanda.

"Oh hala sige halika na at ng makapag-umpisa ka na. Marami pa tayong gagawin dahil pinagday-off ni Sir Stanley yung dalawang kasama natin dito. Sa makalawa pa ang balik nila. Maiwan ka na namin Sir Brandon. Nandoon sa kwarto niya si Sir Stanley nagpapahinga, nabaril kagabi sa club." Imporma ng mayordoma sa kanya.

Nagkatinginan sila ni Brandon sa tinuran ng matanda. "Sige manang titingnan ko na lang siya sa kwarto."

Tumingin si Brandon kay Amor at tinuran "You take care!" sabay tungo sa hagdan patungong ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto ni Stanley.

Siya naman ay inakay ng matanda patungo sa maid's quarter. "Dito ang silid mo Alexa. Kasama mo ako dito. Sa kabilang kwarto naman ang kina Sonia at April. Doon mo ilagay ang mga damit mo."turo nito sa built-in-closet malapit sa kama niya. Inabot nito sa kanya ang tatlong pares ng uniporme niya. "Magbihis ka na. Strikto si Sir pagdating sa damit ng katulong kaya suotin mo yang uniporme mo. Pagkatapos sumunod ka sa kusina." Bilin ni Manang Lucia sa kanya.

"Oho manang, susunod po ako. Magbibihis lang po ako. Tsaka ko nalang aayusin ang mga gamit ko mamayang gabi." Kunwa niya.

"Oh siya bilisan mo." Akmang lalabas na ito sa pinto ng balingan niya nito. "Sigurado ka bang katulong ka Alexa? Mukha kasing hindi eh." Tanong nito sa kanya.

"Naku manang hindi lang ikaw ang nagsabi niyan pati na rin sila Sir Brandon at Sir Fred. Pero katulong po talaga ako manang. Maganda lang ho talaga ang lahi namin. Kung may pagpipilian lang ho akong ibang trabaho kaso wala eh. Kailangan ng pamilya ko ang pera." Tugon niya ditto.

"Oh sige bilisan mo." At tuluyan na itong lumabas patungong kusina.

Nagmamadali siyang nagbihis upang hindi magalit sa kanya si Manang Lucia. Mukha pa naman itong istrikta na kung magkamali siya ng galaw ay tiyak na sasabunin siya nito ng sobra- sobra with matching banlaw pa.

Pagkatapos magbihis agad niyang tinungo ang kusina. Hindi naman siya nahirapang hanapin ito. Nang karating doon ay agad niyang nakita si Manang Lucia na naghahanda ng merienda. Nang makita siya nito ay agad siya nitong inutusan na dalhin ang mga ito sa veranda sa ikalawang palapag kung saan andoon daw ang amo nila.

Tinahak niya ang hagdan patungo sa kinaroroonan ng mga ito. Awtomatiko siyang nakita ni Brandon sapagkat nakaharap ito sa may pintuan.

"Magandang umaga ho. Pinadala po ni Manang Lucia ang merienda niyo." Aniya at dumiretso sa center table.

Habang inilalapag niya ang mga pagkain, tahimik namang nagmamasid si Stanley sa kanya. Before his new maid entered, he already acknowledged her presence due to her scent. She smells like lilac, so calming. And when she entered , he was struck. Just her mere voice made his heart beat erratically inside his chest. And when he saw her, he was awed by her beauty. Maputi ito at mahaba ang itim na itim na buhok nito. She has almond shaped brown eyes, aristocrat nose and sultry lips. Napakaganda nito na kahit sa damit nito bilang katulong ay nagstand-out ito.

"So you're the new maid? What's your name?" tanong nito sa katulong habang hindi pa rin inaalis ang mga mata dito.

"Alexa po Sir!" nakayukong sagot nito.

"Hmmmm. Welcome to my home. Ayusin mo ang trabaho mo para tumagal ka dito. Itanong mo nalang kay Manang Lucia ang patakaran dito sa bahay. Maliwanag?"

"Yes Sir!" turan niya. "Yon lang po ba sir? May ipag-uutos pa kayo? Sayang naman ang ibabayad niyo sa akin kung di niyo susulitin." Tugon niya pagkunwa'y lumaki ang mata ng marealized ang sinabi. Agad agad niyang iniwan ang mga ito upang hindi marinig ang sasabihin ng amo.

"What the ---" said Stanley. He can hear sarcasm in her voice while saying those words.

Natatawa naman si Brandon na hindi rin makapaniwala sa narinig nito. Sarcasm was really written in her voice. So Amor by the way.

"Mukhang sasakit ang ulo mo sa bago mong katulong Stan. Kaya siguro siya ang kinuha ni Tito Fred na kapalit ni Tina. I like her already." Sabi nito sa kanya.

Like? Mukhang hindi niya nagustuhan ang tinuran ng kaibigan. He's wondering why he dislike those words coming from him. Bahagya niyang ikiniling ang ulo not to think of it at ipinagpatuloy ang naputol na usapan nila.

*****

E.J.

The Billionaire's Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon