Chapter 4

274 9 0
                                    

Hirap akong nakatulog kagabi. Hindi ko na namalayan kung anong oras ako dinalaw ng antok pero sigurado akong madaling araw na iyon. Tamad na tamad akong bumangon kaninang umaga dahil parang katutulog ko pa lang nang mag alarm ang aking phone. Naiinis ako dahil ang lalaking iyon ang rason kung bakit hindi ako makatulog kagabi. Hindi ko mapigilan isipin yung nangyari sa room at kung anu-ano pang imahinasyon na ginagawa ng utak ko. It's not really a big deal...it's just a small interaction pero para bang lagi niya kinakalabit ang utak ko at sinasabing, 'uy isipin mo ako'.

I took my concealer and beauty blender from my pouch and started dabbing it on my under eye. Tinignan ko ang sarili sa harap ng salamin and I moved my face to check each side to see if I applied it fairly. Buti na lang talaga at ako lang ang tao sa restroom ngayon at naabutan ko pa itong kalilinis lang because one of my pet peeves ay ang makitang basa ang patungan sa sink.

Medyo nag tagal ako sa loob because I can't decide if I should style my hair into a ponytail or just let my big curls fall at my back.

After five minutes, I decided to just untie my hair at nag wisik ng pabango sa buong katawan. I re-applied another layer of my French rose matte liquid lipstick to complete my overall look.

'Wow, anong meron bakit may pag kulot ng buhok ngayon?' kuryosong tanong ni Tiana when I arrived at the open grounds of the school.

I hate her right now because why the heck does she need to question it? Well, since may oras pa ako kanina, I decided to curl my hair para maiba lang.

I just rolled my eyes at umupo na sa bleachers.

'Ay...suplada naman.' natatawang sinabi niya. Tinignan niya naman ngayon ng mabuti ang mukha ko na para bang bago sa paningin niya ngayon.

'At wow naman talaga! Naka make-up ka pa? Uwian na ah..hindi naman ganyan ayos mo nung sabay tayo nag lunch kanina.' she expressed.

'Tiana..mag make-up ka na lang din kung gusto mo..wag mo ng punahin ang ayos ko ngayon.' I just said.

Halatang halata sa mukha niya na interesadong interesado siya na tuksuhin ako ngayon. Kita ko ang pag pi-pigil niya ng tawa.

'Ikaw yata ang artista namin dito sa shoot e.' Pang aasar niya pa.

I was about to fire back nang nakita ko ang dalawang lalaki sa likod niya na patungo sa direksyon namin.

'Magandang hapon!' Masayang bati ni Atlas.

He's now wearing a button-down white long sleeve na nakatupi hanggang siko at naka khaki shorts while Raja changed into a plain white polo shirt paired with dark blue shorts.

Halos lahat ng mga tao na nasa field ay sa kanila ang tingin, karamihan ay puro mga babae pa. Wala naman silang ginagawa na kung ano para mapatingin sila and yet, these two guys never failed to attract lots of girl students. Just by looking at their simple looks, they scream of aura, power, and masculinity.

I noticed Tiana's change of mood from cheerful to gloomy.

'I'll just talk to my group mates.' Paalam ni Tiana at mabilis na umalis.

'Ang sungit nun.' Atlas blurted, umiling na nakangiti.

He sat down beside me, then I noticed Raja was about to sit on my other side as well.

'Do you always come to your friend's shootings?' Atlas asked.

'Nagkataon lang na wala masyadong gagawin kaya ako nandito.' I answered.

The Last Will (Heiress Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon