Danica POV
"ANO?WHAT?"
kanina pa tong baklang damulag. Kinuwento ko kasi sa kanya tungkol sa kasalang magaganap."Hoy baklang damulag huwag kangang sumigaw baka may makarinig." saway ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa bench habang kumakain ng fries. Part kasi ito ng garden kaya maganda tapos malilim kasi may malaking puno."Hindi ko lang maisip na ikakasal kana sa dream guy mo. Huhu ikaw na talaga girl ang haba ng hair mo sarap kalbuhin." sabay hila ng buhok ko.
"Tseh inggit ka lang."
"Pero baks masaya ako para sayo. I hope maging masaya kayo sa araw araw niyong pagsasama."
Wow may ganon palang line ang baklang toh. Na touch ako."Thanks beks. Sana nga maging masaya kami pagkasal na namin."
"Invited ako huh. " sabi niya with matching paiyak iyak pa.
"Of course ikaw pa."
Halos isang buwan na ang nakalipas. Heto ako ngayon nakasuot ng white dress ikakasal na kami sa judge nga lang saka na lang sa simbahan daw kapag nakapagtapos na kami. Kaunti lang ang bisita. Mga magulang ni Jake, kaibigan niya, at kaibigan ko na si Carmela ang dakilang bakla.
Nagsimula na magsalita ang judge.
"You may now kiss the bride." sabi ng judge. Huhuhu heto nato. Papalapit na mukha niya sa mukha ko. Ako naman bigla nalang pumikit.
*tsup* ay ano bayan sa pisnge lang. Assuming lang si ako.
Kumain lang kami sa mamahaling restaurant tapos uwi na agad. Hindi ako mapakali. Habang sa sasakyan na kami walang nagsalita sa amin. Palagi naman eh. Sa bahay niya pala kami titira oo dalawa lang kami.
Pagkababa niya sa sasakyan ay dalidali siyang pumasok sa loob ng bahay. Parang mansyon ata toh. Sobrang laki ito para sa kanila.
"Jake san ang kwarto mo? tanong ko kay Jake.
" bakit mo hinahanap. May kwarto ka naman don." napahiya naman ako. Nakaramdam ako ng sakit.
"Ahh ganon ba sige."
"Don't act like you are hurting. In the first place alam kung ginusto mo toh. Pero pareho naman tayong nakikinabang. Alam mo naman na wala akong gusto sayo hindi kita type wla ka sa kalingkingan ng mga babae ko. Hindi ko nga alam kung bakit ikaw ang napili ng parents ko. Look at you . you such like a slut."
Ang sakit sakit bago palang kaming kasal yan na ang mga sinabi niya sa akin. Oo pangit ako pero hindi naman ako slut."Huwag kang magdrama huh! Alam ko naman na magaling ka mga ganyanan ang isang katulad mo na hampas lupa ay pera lang ang habol mo sa amin." Hindi ko na napigilan ang pagbagsak na ang luha mga luha ko na nag uunahang bumagsak kasabay na yon ang pagtama ng mga kamay ko sa pisnge niya. Sinampal ko siya ng pagkalakas lakas.
"Wala kang karapatan na sabihan ako. Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo. At hindi ako slut! Ang sama sama mo. Kung hindi lang sa inaalala ko ang scholarship na bigay ng parents mo sa akin. Hindi ako magpapakasal sayo."
Bulyaw ko sa kanya. At dali dali ko kinuha ang maleta ko at pumunta sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at iyak ng iyak.
Namumugto na siguro ang mga mata ko.Pagkagising ko agad akong bumaba at nagsaing para sa agahan namin. Alam ko na hindi niya siguro sinasadya ang pagsibahan ako baka nabigla lang siya. Oo nabigla lang siy siguro.
"Good morning." bati ko sa kanya ng nakita ko siyang papalapit sa kusina.
"Kain na tayo." yaya ko sa kaniya habang siya naman ay bumukas ng reef. Pero kumuha lang siya ng Quacker outs at gatas. Hindi niya manlang ako pinansin. Sayang lang tong niluto kong hotdog,egg friedrice at bacon. Tuloy tuloy lang siya sa pagkain. Ako naman kumain na lang. Bahala siya. Pagkatapos niyang kumain hinugasan niya agad ang pinagkainan niya.
Pagkatapos kung kumain naligo na ako at nagbihis. Pagkababa ko wala na siya. Wala na kasi ang sasakyan niya. Kaya heto ako lakad lang dahil malapit lang ang university sasakay nalang ako sa tricycle.
"Beks kumust ang first night masarap ba?" ano naman ang pinagsasabi nito.
"Huh? Ok lang naman." sabi ko.
"I mean ang honeymoon thingy."
Bigla lang naman ako pinamaulahan ngpisnge."Tsk. Ang halay ng isip mong bakla ka wala pa yon sa isip ko."
Napa ah lang ang baklang damulag. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagkasagutan kami."Beks manood kaba mamaya? May laro sina labidabs mo. Final na ata nila mamaya."
"Of course ako pa ba. Dapat don ang presents ko."
"Naol inlove." inggit lang tong bakla ng damulag nato.
BINABASA MO ANG
DREAM come TRUE
Любовные романыAng babaeng ubod ng tiyaga gagawin ang lahat upang maabot ang pangarap. Siya si Danica Eunice Bermejo. Isang simpleng babae, maraming pangarap kumbaga parang ambisyusa pero ang totoo naman ay para fin sa ikabubuti ng kaniyang pamilya.