Flashback...
"Hi Shirley."
"Alfred?"
***
[SHIRLEY'S POV]
Nang bumungad sa harapan ko si Alfred, hindi na ko nag-atubili pa, agad ko siyang tinadyakan sa paa.
"A-Aray! PUNYETA! " nilagay naman niya ang kamay niya sa ulo ko at sinabunutan ako.
"Bitawan mo ko." Seryoso kong utos sa kanya habang pinanlilisikan ko siya ng mata.
" bakit nasasaktan ka? pagbigyan mo na ko, ngayon lang kita nasolo o." Nakakairitang ngisi niya, punitin ko labi niya e tssh
" tsk, tsk, nakakaawa ka, kaya mo lang akong saktan kapag wala na kong baril."
"Haiiistt! Ikaw kahit kelan hindi ka nauubusan ng salita e nu?! Hindi ka ba marunong matakot, ha?!"
" kanino? Sayo? Ni hindi ka nga manalo sakin, ako pang pinagbabantaan mo? Isa pa, mauubusan lang ako ng salita, kung kaya mo na kong patiklupin gamit yang utak mo, ang tanong, kelan kaya yun?"
" kung patayin kaya kita ngayon? Nang manahimik ka na?" Aba't nagsalita, kaya naman kaya niya?
" ba't mo pa ko tinatanong? E di patayin mo na ko, nagpapaalam ka pa, kala mo ba magmamakaawa ako sa duwag na tulad mo para sa buhay ko?"
" anong?! pambihira, ano bang tingin mo sakin? hindi ko kayang pumatay ng tulad mo? Hoy babae, kung ikaw lang rin ang magiging sagabal sa kinabukasan ko, hindi ako magdadalawang isip."
" e ba't hindi mo pa ko patayin ngayon? Ang dami mong satsat."
"ah gusto mo? " kumuha naman siya ng patalim galing sa bulsa niya at tipong saksakin ako," Sige pagbibigyan kita----*Bang!*
Laking gulat ko naman nang mapaluhod sa harapan ko si Alfred nang tamaan siya ng pellet sa tagiliran, pagkita ko naman kung sinong bumaril sa kanya..
" T-Timothy?"
" Shirley ayos ka lang ba?" Sabay tapon niya ng airsoft gun na hawak niya.
" o-oo----h-hoy timothy! aba? Nakakabaril ka na pala ngayon?" Sabat naman ni Alfred, tss kala mo naman kung sinong magaling, wala rin namang binatbat.
" Shirley sige na, umalis ka na dito, a-ako ng bahala sa hunghang na to."
"Hindi ka aalis." gigil na gigil na pigil ni Alfred habang hawak ang binti ko.
"tss, huwag kang mag-alala Alfred, walang makakaalam sa kalokohan mong to, sigurado, matatanggal ka kung sasabihin ko, iintayin ko munang matalo mo ko bago mangyari yun.Goodluck."
"hinahamon mo ko? siya sige, may araw ka rin sakin."

BINABASA MO ANG
She's an Airsoft Princess
Actiona story that will HIT you straight to the HEART... feat: Ha ji won and Ji Chang wook from Empress Ki