Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 2

122K 2.9K 894
                                    

"Talking to you, laughing with you, being with you changes my whole mood."

NAKATINGIN lang ako kay Kelly saka kay Lucio. Grabe makalingkis 'yung bestfriend ko. Akala mo aagawin 'yung boyfriend niya.

Aagawin ko naman talaga pero syempre joke lang 'yon.

"Cath, ang sarap nitong macaroni salad. Ikaw ang gumawa'no? Panalo," sabi ni Maleha. Isa sa friends namin.

"Oo naman. Kasing-sarap ko 'yan." Biro ko.

"Mandiri ka nga, Cath."Singit ni Jero saka tinikman iyong macaroni. "Pero masarap nga. Patikim nga sa'yo kung magkalasa."

"Gago."Sinamaan ko siya ng tingin saka siya humagalpak ng tawa.

Normal na sa aming magkakaibigan ang magbastusan. Walang malisya, ganyan lang talaga sila ka-dirty. Hindi ko nga alam kung paano ko sila naging kaibigan.

Since college, solid na 'yong barkada namin kahit hindi naman kami magkaka-klase. Basta nauwi na lang sa pagkakaibigan.

Si Jero, bastos ang bunganga niyan. Playboy, akala mo naman napakagwapo.

Si Maleha, siya ang anghel sa barkada. Napakabait saka hindi marunong magsinungaling pero marunong magtago ng secrets.

Si Sam, gwapo talaga siya at nasa kaniya na halos lahat pero syempre makagago rin 'yan.

Si Rocky, komedyante ng barkada. Marami ding alam na kabastusan.

Si Kelly, syempre siya ang reyna ng barkada. Siya rin ang tinuturing na dyosa. Wala naman akong tutol don.

At ako, ako lang naman ang nag-iisang matalino, maganda rin naman at syempre ang most responsible friend.

"Hoy, Cath! Sabi mo gagawa ka ng graham. Nasaan na?"Sigaw ni Rocky.

"Wow friend, may patago ka?" Sagot ko. "Nasa fridge. Nakakahiya naman kasi sa'yo."

"Yon!"Tuwang tuwa. Siya nga rin pala ang pinaka-masiba sa barkada. Palaging gutom!

Grabe, nakakahiya kay Lucio dahil itong mga kaibigan namin, feel at home masyado. Kanya kanya sila ng ginagawa. Para nga akong nanay na sinasaway sila isa isa.

Tumingin ulit ako sa gawi nina Kelly. Busy si Lucio sa phone niya. Parang hindi nga siya masaya. Kanina noong nag-blow ng candle sa cake si Kelly, wala man lang siyang pakialam. Mahal ba talaga niya ang bestfriend ko?

"Hoy, Cath baka matunaw."

Iba ang tingin sa akin ni Maleha. Alam kasi niyang si Lucio ang katangi tanging laman ng puso ko sa loob ng twelve years. Siya rin ang naki-iyak sa akin noong malaman kong boyfriend na siya ni Kelly.

"Kelly, ang tahimik naman ng boyfriend mo. Kahit isang kanta lang," sabi ni Jero na may hawak ng mic. Nagvi-videoke sila sa malaking flatscreen TV ni Lucio.

"Nah, thanks."Matipid na sagot ni Lucio.

Walang nagawa si Jero. Hmp, akala niyo naman friendly 'yang Palermo na'yan. Snobber'yan.

"Honey naman, do you really love me? Isang kanta lang naman e. Kahit birthday song lang."

Nakatingin lang kami kay Kelly habang nag-iinarte sa boyfriend niya ng malamig pa sa yelo.

"I'm not good at singing," sagot pa ni Lucio.

Si Kelly, mukhang tinamaan na ng alak kasi nag-iinarte na. May pag-pout pa habang nagsasabi ng please kay Lucio.

Ang lakas nila uminom, seryoso. Ganoon din naman ako kasi bonding na namin iyong magkakaibigan. Pero kasi, nakakahiyang malasing dahil wala naman kasi sa bahay namin. Hello, condo unit 'to ng boyfriend ni Kelly at sa pagkakaalam ko, wala sa usapang pwede kaming matulog dito kapag nalasing kami.

Casanova's Club #1: Guilty PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon