Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 5

112K 2.7K 386
                                    

"My days with you are the best."

HABANG nakatulala ako sa kontrata ng hawak ko ay hindi ko mapigilang mag-overthink.

Paano kung mahuli kami ni Kelly? Paano kung mahuli kami ng mga kaibigan ko? Paano kung mabuntis niya ako? Paano kung... lalo ko siyang mahalin dahil sa set-up na 'to?

Ano ba 'tong pinasok ko?

"Cath, ayos ka lang? Coffee?"

Nag-angat ako ng tingin kay Ranran. Ka-trabaho ko. Masyado na bang obvious nawala ako sa sarili ko?

"Okay lang ako. Thanks."

Itinupi ko iyong kontrata saka inipit sa planner notebook na palagi kong dala saka inilagay sa bag ko. I need to focus on my work. Late na nga akong pumasok kanina dahil nagpunta pa ako kay Lucio but anyway, minsan lang naman ako ma-late sa trabaho.

Hapon na. Hindi na ako halos mapakali dahil nga magkikita na naman kami ni Lucio mamaya. Pupunta kaming bar so expect ko na mag-iinom kami? Siguro dahil nasanay ako sa mga kaibigan ko, kahit may trabaho kinabukasan, nakakaya kong uminom.

Dati, trabaho at apartment lang ako at kapag weekends lang ako nakakagala like sa condo ng mga kaibigan ko or kung saan namin trip pumunta. Depende na lang kung may mga birthday or dapat i-celebrate, nakakalabas ako ng weekdays after work.

Pero ngayon, baka mapadalas na ang paglabas labas ko dahil kay Lucio.

Dati, wala naman akong rason para i-check palagi ang phone ko. Kanina, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit panay ang tingin ko. Feeling ko yata tatadtarin ako ng messages ni Lucio. Gising girl, hindi kayo magjowa.

"Miss Cath, dalhin ko lang 'to sa accounting," sabi ni Gina. Isa sa ka-work ko.

Tumango lamang ako at muling nagmuni-muni. Kadalasan, kahit malapit na ang oras ng labasan, busy pa rin ako sa paperworks pero heto ako ngayon, tulala, wala sa huwisyo at kung anu-anong iniisip.

"Whoa! Natapos din. Labasan na rin!"Sigaw ng isa kong ka-work.

Tumingin ako sa wristwatch ko. Tapos na ang oras ng trabaho. Feeling ko naman naging productive ang araw ko kahit papaano.

Inayos ko ang gamitsa table ko. May ugali akong ayokong makalat ang table ko. Gusto ko palaging organized.

Nang matapos ay binitbit ko na ang bag ko. I checked my keys and phone. Okay, dala ko na lahat. Mamaya ko na iisipin sa sasakyan kung paano pumunta sa Hashtag Bar na sinabi ni Lucio. I think sikat naman iyon so siguro, nasa Google map naman siya.

Sumakay ako ng elevator pababa ng lobby. Kinakabahan na naman ako. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na magiging normal na lang na palagi akong makikipagkita kay Lucio. Self, kalma.

Nang makababa ako sa elevator ay nag-biometric na ako para mag-out.

Kumunot ang noo ko nang mapalapit ako sa may exit door. Nagkukumpulan ang ilang empleyado doon. Anong meron?

Nakiusyoso ako tutal lalabas naman talaga ako dun at jusko, kainin na ako ng lupa ngayon, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sinong dahilan ng commotion.

Gosh, Lucio what are you doing here?!  Nasa may harap ng building ang kotse niya and he's standing there wearing his shades. Nakasandal siya sa labas ng kotse niya at nakatayo roon na parang isang Greek God. Seriously, bakit siya narito at paano niya nalaman na dito ako nagta-trabaho? Wala naman akong nabanggit sa kaniya.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung lalapit ba ako sa kaniya or should I send him a message na wala ako dito sa trabaho?

"He's one of the Palermo's heir, right? Sikat ang family nila at laman sila ng magazines and billboards." Narinig kong sabi ng isang empleyado.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Pinky, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Pinky
@pinkyjhewelii
Catherine Reyes, a simple girl, has secretly loved a guy since their...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 36 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @pinkyjhewelii.
Casanova's Club #1: Guilty PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon