Chapter 2

15 1 0
                                    


Reyn Castillo Pov:

It's been a week ng magsimula na naman ang pasukan sa St. Agustin University. Ilang linggo narin ang nakararaan ng iligtas ako ni Andrei laban sa bully sa school at hindi parin ako makapaniwala na ang aking matagal ng hinahangaan ay iniligtas ako sa labis na kahihiyan na matatamo ko.

Bakit ba kasi may mga taong minamaliit at ibinababa nila tayo dahil ba sa mataba ako dahil ba sa nerd ako yun bayong dahilan. Hindi naman sapat na rason iyon upang ibaba mo ang pagkatao ng isang tao dahil bawat indibidwal na nilikha at patuloy pang lilikhain ng poong may kapal ay walang sinuman ang pwedeng mang baba at kumutya sa kanila.

At bakit ganun nalang kung tratuhin kaming mga nerd dahil ba sa tingin nila ay mas mahina kami o dahil ba sa mas nakakaangat sila ng pamumuhay sa akin o dahil ba sa ganito ako bakla at nerd na mataba pa.

Nakakasawa nadin minsan maging ganito na maging tampulan ng tukso nagiging katuwaan kapag wala silang magawa. Hindi nila alam nakakasira na sila ng buhay ng may buhay.

Ngunit bago pa man masunog tong niluluto kung fishball na nilalako ko ay hinango ko na ito at ng hindi masunog. Pagka hangong pagka hango sa fishball at kikiam ay dumating ang isa kung suki na si aling Beth.

"Ay napaka sipag mo talagang bata Reyn manang mana ka sa inay at itay mo na masipag ngunit maaga silang kinuha ng diyos" bigla akong natahimik sa tinuran ti Aling Beth at napapaisip na naman ako na kung nadito ba ang nanay at tatay ko ay ganito ba ako ganito ba ang magiging buhay ko ngayon.

"Oh Reyn natulala kana diyan paumanhin kung meron akong nasabi na hindi mo nagustuhang ngunit pabili nga ako niyang fishball sampung pisong fishball at sampung piao din na kikiam" untag niya sakin at natigil narin ako sa aking pagkakatulala at dali dali kong binilang at binigyan na si Aling Beth nang kanyang biniling fishball at kikiam.

"Matanong ko ngalang Reyn may kumadre kasi akong naghahanap ng magbabantay at mag aalaga sa kanyang anak yung anank ko sana ang irerekomend ko ngunit ayaw naman niya kaya nagbabakasakalinako kung gusto mo" tanong niya sa akin at napaisip ako dahil kailangan ko din ng mapagkakakitaan upang matus tusan ang pangangailangan ko sa skwelahan.

"Pwede ko bang pag isipan mo na Aling Beth?" Tanong ko kay aling Beth. Tumango naman siya at sinabing.

"Sige Reyn bibigyan kita ng oras hanggang bukas ng umaga pumunta ka nalang sa bahay bukas kong naoag isipan mo na ang alok ko sayo" untag nito sakin at tanging oagtango na lamang ang naisagot ko dahil sunod sunod na ang mga bumibili kaya wala na akong oras para makapag huntahan pa kami ni Aling Beth.

---------------------------------------

Kinabukasan maaga akong nagising para maghanda na sa pagpasok ko sa eskwelahan. Kagabi bago ako matulog ay pinag isipan ko nang mabuti ang alok na trabaho sa akin ni Aling Beth bagamat schoolar ako at libre ang pag aaral ko sa unibersidad na pinapasukan ko ay kailangan ko din nga pera para matus tusan ang aking pang araw araw na pangangailan kaya ng patulog na ako ay napag isip isip ko na kukunin ko ang inalok sa aking trabaho ni Aling Beth at pagkatapos ng klase ko mamayang hapon ay dederetso nalang ako sa bahay nila aling Beth upang mapag usapan pa nang maigi nag inaalok nya sa aking trabaho.

Nag aayos ma ako ngayon para pumasok. Nandito ako ngayon sa loob ng aking kwarto at tinitignan ang kabuoan ng itsura at pangangatawan ko bakit ganito mahirap na nga pangit pa wala na ba talagang makikitang maganda sa akin. Ngunit habang tinitignan ko ang aking kabuoan ay napapa isip ako sa pangangatawan at sa itsura ako nahihiwagahan ako kung meron bang magmamahal sa akin dahil kung ang pisikal na kaanyuan ang pagbabasehan ay talagang wala akong mapapala sa tinatawag nilang pag ibig ngunit ika nga nila ang pag ibig ay parang rosaryo na punong puno ng misteryo.

The Big Fat NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon