Nakaupo kami ni Crius habang hinihintay ang balita mula sa emergency room. Mag-30 minutes na kami dito pero hanggang ngayon hindi pa sila lumalabas para sabihan kami kung anong nangyare. Lumapit ako sa kinauupuan ng anak ko at niyapos ko siya ng mahigpit. Alam kong pareho kami ng nararamdaman ngayon. Pareho kaming takot sa mga pwedeng mangyare.
“Papa,di ba magiging ok si mama, ok lang siya di ba? Hindi niya naman tayo iiwan di ba? ” umiiyak na sabi sa akin ni Crius. Bihira mong makikitang umiyak ang batang ito. Alam ko na sa bawat minutong lumilipas ngayon lalong lumalaki ang takot na nararamdaman niya.
Napaluha ako sa sinabi ng anak ko. “Oo anak, hindi tayo iiwan ni mama. Strong siya di ba? At love na love niya tayo, hindi niya tayo iiwan.” Hindi ko na napigil ang emosyon ko. Niyakap ko pa ng mahigpit ang anak ko.
Lumipas pa ang ilang minute, lumabas na ang doctor, nagulat ako na isang kaibigan pala ang doctor ng asawa ko, si Ian. Kaklase naming siya nung highschool.
“Drei.” Inayos ko muna si Crius dahil nakatulog na ito sa kakaiyak.
“Ian, ka-kamusta na si Dahnah? Anong nangyare sa kanya? Bakit siya nawalan ng malay?” nag-aalala kong tanong. Isang nagtatakang tingin ang binigay sa akin ni Ian bago sumagot.
“Wala bang nasabi sa’yo si Dahnah tungkol sa kalagayan niya?” nabigla ako sa sinabi niya, may sakit ba ang asawa ko?
“Anong ibig mong sabihin Ian, wala siyang nababanggit sa akin, sabihin mo may sakit ba siya?”
“Drei, alam kong wala akong karapatan sabihin sa’yo ito kasi dapat siya ang magsasabi pero mukhang kailangan ako na ang magbanggit.” Huminga muna siya ng malalim bago nag-patuloy.
“More than a month ago, na-diagnose namin na meron siyang Leukemia at nasa late stage na ito. I’m so sorry Drei pero, months na lang ang itatagal ni Dahnah. Last month nung naggaling siya ditto, she decided not to undergo treatments. Ayaw na daw niyang maging pabigat sa’yo.”
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, hindi patuluyang nadi-digest ng utak ko ang mga sinasabi ni Ian. Ayokong maniwala. Hindi pwede! Hindi pwedeng mawala sa akin si Dahnah! Tsaka anong sinasabing magiging pabigat siya sa akin. Kahit kalian hindi un mangyayare.
“Tanga ka ba? Paano niya sasabihin sa’yo ee nung isang buwan sinabihan mo siyang makikipaghiwalay ka na sa kanya” pilit na sinisigaw ng utak ko. Oo na gago na ako at di ko man lang napansin an may mali, na may dinaramdam siya. Iniisip ko lang kasi ang sarili ko! Shit talaga!
“Ian, sabihin mo ano pa ang pwedeng gawin? Ano ang mga treatment na pwedeng gawin? SABIHIN MO!! GAGAWIN KO ANG LAHAT, KAHIT UBUSIN KO LAHAT NG PERA NAMIN, WAG LANG SIYA MAWALA SA AKIN! Hindi… hindi ko kayang mawala sa akin ang asawa ko.”
Hindi ko na napigil ang sarili ako, nag-break down na ako sa harap ng kaibigan ko. Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko habang nakaluhod at umiiyak sa harap niya.
His answer broke my heart. No. It crushed my heart to fine pieces. “I’m so sorry pero wala na tayong magagawa, sa stage na ito hindi na tatanggapin ng katawan niya nag kahit na anong treatment. Kahit ang transplant, Malabo na rin. Ang mahihiling na lang natin ay isang himala. For now, we can only hope for a miracle to happen. Drei, I’m really sorry about Dahnah. We will transfer her to a private room now, you may visit her later.” Tinapik na niya ang balikat ko at nag lakad palayo, lalo pang nadagdagan ang sakit ng sabihin niya sa akin na…
“Savor your last moments with her. Make her happy Drei.”
Dang! My wife! She will be leaving me soon. Why?!
How will I live my life without her? How will I tell our son about the situation?
Oh God! Please help me!
BINABASA MO ANG
Broken Vow
Teen Fictiondahil sa isang pagkakamali at isang biglaang desisyon, mawawala ang taong pinahalagahan at minahal mo sa loob ng mahabang panahon. . . ito ang kwento ni Andrei....