Hinihintay na naming ngayon si Dahnah na mailipat dito sa private room niya. Natawagan ko na rin both ang mga parents at sinabi ko na ang totoong kalagayan ni Dahnah at papunta na sila dito. At ngayon ang isa sa malaking pagsubok sa akin, kung paano ko sasabihin kay Crius, paano niya kaya ito matatanggap.
Lumapit sa siya sa akin at yumakap, isang mahigpit na yakap na lang din ang naisagot ko sa kanya.
“Nak, may sasabihin si papa tungkol sa kalagayan ni mama ha, alam kong masasaktan ka pero sana maintindihan mo ang mga pangyayare at ang nagging desisiyon ng mama mo.” Malungkot kong banggit kay Crius. “Nak, ilang buwan na lang ang itatagal ni mama, may leukemia ang mama mo at ayaw na niyang magpagamot.”
Napakalas sa yakap sa akin si Crius, “NO!! HINDI NIYA TAYO IIWAN, HINDI AKO IIWAN NI MAMA. MAHAL TAYO NI MAMA, AYAW NIYA TAYONG MALUNGKOT KAYA HINDI NIYA TAYO IIWAN! HINDI TOTOO YANG SINASABI MO PAPA! BAKA NAGKAMALI LANG ANG MGA DOCTOR! HINDI! HINDI YAN TOTOO!”
Wala akong magawa kundi yakapin na lang ang anak ko. Pareho kaming hindi matanggap ang mga pangyayare, kung ako nga hirap na hirap paano pa kaya ang 10 taong gulang na bata. Pero alam kong maiintindihan niya din ang lahat, matalino siyang bata, alam kong matatanggap din niya ito.
“Sana nga anak, hindi ito totoo pero kailangan nating matutunang tanggapin ang katotohanan.” Hindi ko na napigil ang aking mga luha, yapos ko pa rin ang anak kong patuloy pa rin sa pag-iyak. Narinig ko na lang ang mga mahinang pagkatok, paglingon ko nandun na ang mga parents naming. Isang mahigpit nayakap ang binigay nila sa amin, alam kong un na lang din ang kaya nilang ibigay para kahit paano mapagaan ang aming mga kalooban.
Ilang minuto pa ang lumipas, may kumatok muli, isang nurse na sinabing ililipat na si Dahnah. Tahimik kaming lahat habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng aking asawa habang natutulog. Pag-alis ng mga nurse muling bumagsak ang mga luhang pinipilit naming ikubli.
“Bakit ang anak ko pa? mabait na bata si D at masyado pa siyang bata para kunin. T_T” lumuluhang banggit ni mama (ina ni Dahnah), niyakap na lamang siya ni papa “kung iyan ang kagustuhan ng Diyos, wala na tayong magagawa kung di tanggapin ito.” Malungkot na sabi ni papa (ama ni Dahnah).
Napansin kong hindi na umiiyak si Crius, nakatingin lamang siya sa mama niyang mahimbing na natutulog. Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Crius “Pa, let’s make the best memories till mama’s last breath. Let us show her no sadness but instead happiness.” Lumingon siya amin ng may ngiti, napangiti rin kaming lahat sa sinabi niya. Tama si Crius, we need to make the best memories. Memories na hindi niya malilimutan kahit saan man siya makarating. Isa na lang ang kailangan naming gawin sa ngayon, ang hintayin ang paggising niya.
Mhie, gumising ka na, please. Babawi pa ko sa lahat ng mga nagawa kong mali. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka namin.
*********************************************************************************************
A/N:
weew, alam ko ang lame ng uD ko, hai ang hirap pa lang magsulat kapag may iniisip na problema, sa mga nagbabasa po nito, pagpasensyahan niyo na po aa.. :"(
maraming thank you po pala sa mga nagbabasa.. LOVE LOVE LOVE! :)
BINABASA MO ANG
Broken Vow
Teen Fictiondahil sa isang pagkakamali at isang biglaang desisyon, mawawala ang taong pinahalagahan at minahal mo sa loob ng mahabang panahon. . . ito ang kwento ni Andrei....