Nathaniel's POV
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pag iipon ng pawis sa noo ko. Kasalukuyan akong tumatakbo sa lugar kung saan kami dati nag tatambay ng nga tropa ko. Ito ay mall ng daddy ng bestfriend ko. Pero dahil sa nangyari ay naging madumi, madilim, at parang walang kabuhay buhay tong mall nato.
Pagod na pagod nako. Pero di yun naging dahilan para tumigil ako. Nabibingi ako sa katahimikan ng lugar. Tanging pag hinga ko lamang ang naririnig ko. Pero di yun naging dahilan para makampante ako.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko nung mahagip ko ang dalawang anino na kasalukuyang lumalapit sakin. Huminga muna ako ng malalim bago tumakbo. Hindi ko inaasahan na sa simpleng pamumuhay ko lamang ay magiging ganito ang aking mapagdadaanan.
Dati ay parang napaka perpekto na ng buhay ko. May kayang pamilya, magagandang damit, kotse, at motor, Magandang pamumuhay. Tunay na kaibigan at higit si lahat ay magkakasama kame at normal ang aming pamumuhay.
Pero ang lahat ng yan ay nag bago sa isang iglap lamang. Sa isang pag kakamali ng mga Scientist na nag dulot ng isang World Crisis.
Dati kasi ay may kumakalat na virus sa buong mundo. Mahigit 5,000,000 na ang nasawi. And all the country in the world are busy finding cure for this epidemic. Pero nag kamali sila ang akala nilang magiging gamot ay may side effects pala. At eto ang resulta. Mas naging malala ang situation.
Habang tumatakbo ako ay nilingon ko ang mga humabol saken. Kahit dalawa lang sila ay di parin maalis ang takot sa puso ko. Pati itsura nila ay nakakatakot. Ang mga damit nila ay marurumi at puno ng bakas ng dugo. Mga ngipin nila na sira-sira, mga muka nila na sugat sugat at kitang kita ang buto sa loob.
Ang mga damit na gamit ko ngayon ay malayong malayo sa mga damit na ginagamit ko noon. Dati ay malilinis at mamahaling mga damit lamang ang ginagamit ko. Pero ngayon ay sira-sira at di ko masasabing damit pangaba to dahil sa dugo at dumi.
Pero wala nakong pakialam sa itsura ko ngayon. All I want is to live and survive this epidemic.
But, will I survive?
YOU ARE READING
Undead (The First Blood)
Mystery / ThrillerLife for Nathaniel Grey Stormborm was good. It was almost perfect. Not until a virus was spread around the globe. This virus is like a flu. But more dangerous. Many people had vanished (died) from the earth. But some survived. Because scientist foun...