RPW Prank (One-Shot Story)

16 3 2
                                    

RPW PRANK (ONE-SHOT STORY)
WRITTEN BY:
LOVE_TO_PAIN

°°°°°°°°°°°°

Inayos ko ang lens ng camera na nasa harapan ko at tumikhim muna bago in-on ang timer.

3

2

1

"Watttzzuuupppp eberywan!!! King Angelo is baaccckkk!!! Sa video ko na 'to ay gagawa tayo ng panibagong bideoooooo!!!!" Introduction ko. Oo, vlogger ako! Wala kayong pake dun!!

"Ang kalokohan na gagawin ko or natin ay papatay tayo ng lamok gamit ang panty ni mama!!!!! Hahahahaha Joke!!! Ang gagawin natin ngayon ay ipaprank natin ang PINAKAmaganda, PINAKAmabait, PINAKAmaaalahanin at PINAKAcute kong ate!! Bwahahahahaha!!!" Ayon sa narinig niyo, ipaprank ko ang ate ko. *evil smile*

"Pa'no natin siya ipaprank?? Simple lang!! Ganito..." pathrill kong sabi sa mga viewers ko.

"Nung humiram ako ng cellphone ni ate, ay nakita ko ang RP account niya, yung account sa peysbuk na hindi naman sayo yung mukha at pangalan, ginagamit niya yun para manglandi!!!"

"Kaya may naisip ang bulok kong utak at yun nga ay iprank si ate"

"Lalandiin ko siya gamit ang RP account ko, at pag-umamin na siya ay sasabihin ko ang the magic word!!!" Explain ko with hand gestures.

Lakompake kung sabihin ng iba na ang bad ko sa ate ko, pero yaan niyo na yun, buhay ko to! Tsupe!!

"Gamit ang IPhone 12 Max ko ay lalandiin natin si ate pero naalala ko, nasunog pala yung IPhone 12 Max ko kaya ito na lang IPhone 11 ko!!" Pangcharot charot ko sa mga viewers ko. Wala naman talaga akong IPhone.

"Jokie, jokie lang!! Ito lang Samsung ang meron ako. Hehehe. Yaan niyo pag maging mayaman ako mamimigay ako ng IPhone 11!!! Pero bibili muna ako ng Airpods!!"

Kinuha ko na yung cellphone ko na Samsung ay inadd friend ko ang RPW ng ate ko.

"So gais, dis is it pancit!! Inadd prend ko na ang RPW ni ateeee!!!!" Pagtingin ko naman sa Samsung na cellphone ko ay confirm agad yung friend request.

"Ay, ang landi ni ate. Wala pang pibe minutes kinonfirm agad yung request ko" nanghihinayang kunwari kong sabi.

So di pa ako nakapag-introduce.

Ehem. Ehem.

Hi eberyone!! I'm King Angelo Bautista!! I'm 16 years old. Single. Gwapo, opcourse!! I'm a vlogger in Youtube, ay alangan vlogger sa Messenger. I'm pure Lalaki. At yung pinakamamahal kong ate ay si Kylie Rose Bautista. Ang pangalan ng RPW ko ay Kalaijah Montenegro. At yung kay ate ay Crillet Villacorte. May naging jowa na ako sa RPW pero lakompake dun. Jejemon eh. Chachatan ba naman akong 'I l0vE u bH3', taena, sinong 'di maiirita. Kaya ayun blinock ko.

"So chachatan ko na siya gais" sabi ko sa invisible na viewers.

"Hi babe" basa ko sa tinype ko.

"Tagal magreply ahh," naiinip na sabi ko.

*ting!* (ringtone yan ng Messenger wag kang ano!)

RPW Prank (One-Shot Story)Where stories live. Discover now