CHAPTER 2

29 5 0
                                    

Stell's POV

"Pre hindi ka pa magbibihis?" tanong saakin ni sejun.

"Saglit lang" sagot ko

"Sino ba yang katext mo? Kanina pa yan ha?bilisan mo na at aalis na tayo" sabi ni sejun

Tumayo naman ako at nagbihis na.

Kate. Yun ang pangalan niya diba? Sa lahat ng tao kanina sa event siya ang naka agaw ng pansin ko. Inutusan ko ang staff na tanungin ang number niya at buti naman binigay niya.

Nang makabihis ako saktong nag vibrate ang phone ko.akala ko si kate kaso si josh pala.

"Stell Ikaw nalang hinihintay. Bilis" nagmadali naman ako at pumunta na sa sasakyan.

Nakauwi na kami pero wala pa din siyang text.

"Uy tulog ka na ba?" text ko sa kanya.

Siguro nga tulog na siya.pagod siguro dahil nakakapagod naman talaga yung event kanina eh.

"Uy stell kanina ka pa may katext sino ba yun? Nanay mo?" tanong ni josh

"Ha? Hindi" sagot ko naman

"Eh sino? Kanina ka pa tutok sa cp mo Simula nung natapos yung event"

"Josh matulog ka nalang. Wala yun ok?" sabi ko kay josh.

"Baka girlfriend mo? HAHAHAHA" pangaasar nanaman niya.

"Kayong dalawa matulog nga kayo.anong girlfriend ha? Bawal tayo mag ka jowa" sabat ni sejun. Siguro nagising dahil sa ingay ni josh.

Bawal mag girlfriend? Hindi ko naman balak jowain si kate.gusto ko lang naman maging kaibigan siya...kaibigan nga lang ba? Tsk makatulog na nga lang.

Kate's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.umaga na pala at nakatulog ako kagabi sa sobrang pagod.binuksan ko ang phone ko at laking gulat ko nang makita ang mga text saakin ni stell

"Uy tulog ka na ba?"

"Mukhang tulog ka na nga"

"Sige bukas nalang. Sweet dreams and goodnight kate"

Sa sobrang pagod nakatulog talaga ako kagabi tapos Hindi ko namalayan na text pala ng text si stell kagabi. Hanggang ngayon hindi pa din ako nakapaniwala.

"Good morning stell. Sorry kagabi ha nakatulog ako.eat your breakfast" text ko sa kanya at pumuntang banyo para maligo.

Nang matapos maligo kumain na ako ng breakfast ko. Tinignan ko ang phone ko at chineck kung gising na siya siguro tanghali nanaman siya gigising.

Nalimutan ko itanong sa kanya kung bakit niya kinuha ang number ko.nakakainis naman kasi eh bakit natulog ako.

"Anak may bisita ka" sigaw ng mommy ko sa labas ng kwarto ko

Bumaba ako at nakita ko si steven sa sala

"Oh steven? Bakit?" tanong ko

"Ahh pwede bang ayain ka sa labas?" sagot niya.

"Hmm sige bihis lang ako." sabi ko at Umakyat na at nagbihis.kakamadali naiwan ko ang phone ko sa kwarto. Sa sobrang saya namin ni steven Hindi ko namalayan ang oras.

Umuwi ako sa bahay mga 2 ng hapon. Grabe ang say talaga.kinuha ko ang phone ko. Hala! Ang daming text ni stell

"Hi good morning din. Nag breakfast ka na ba?"

"Uy?busy ka?"

"Tagal mo sumagot"

"Uy ano ginagawa mo?"

"Bakit ba ang tagal mo sumagot"

Naku patay.

"Uy hi stell sorry ngayon lang ako nakasagot umalis kasi ako tapos naiwan ko phone ko" text ko sa kanya. Wala pang 1 minute sumagot agad siya.

"Ahh kaya pala.ok lang yun.san ka ba pumunta?sino kasama mo?" sagot naman niya

"Namasyal lang kami ni steven"

"Steven?boyfriend mo?"

"Ha?hindi friend ko lang si steven"

"Ahh buti naman. Kumain ka na ba?"

"Ahh oo nilibre ako ni steven"

"Ahh good."

"Ahh sige mamaya nalang may practice pa kami eh"

"Ah sige bye"

"Bye"

Humiga nalang ako sa kama at naalalang dapat ko pala siyang tanungin kung bakit niya kinuha ang number ko. Kainis! Bakit ba lagi kong nalilimutan yun?

Naisip ko na ang swerte ko dahil nakakausap ko siya. Sana magtagal tong paguusap namin. Feeling ko ako na ang pinka swerteng A'tin. Ang saya saya.


A/N: sorry kung maiksi lang yung chapter 2. Sorry din if may maling grammar ako. Hihi stan sb19

THE WORLD BETWEEN US || Sb19 stell fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon