Kate's pov
Habang patagal ng patagal ang mga araw na magkausap kami ni stell mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya hindi bilang isang idol pero bilang isang tao.mahal ko na siya bilang isang stellvester ajero.
"Hoy,nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" tanong sakin ng kaibigan ko."a-ah ano ulit yun?hehe sorry" kanina pa ako wala sa sarili ko kakaisip kay stell.kung paano ako aamin sa kanya na gusto ko siya.
"Ang sabi ko ano nangyari sayo?" tanong ulit niya."ok.frea promise me na kahit anong mangyari wag na wag mo itong ipagkakalat ok?"
"Ok" sagot niya
Kinuwento ko lahat ng nangyari simula nung sa araw na hiningi ni stell ang number ko hanggang ngayong mahal ko na siya. Sasabog na kasi ako kung wala akong sasabihan ng nararamdaman ko kaya ikinuwento ko ito sa kaibigan ko.
"Woahhh!talaga?! Isang stell ajero?" agad ko namang tinakpan ang bibig niya para patahimikin siya dahil baka maraming makapansin saamin."shhh! Oo si stell ng sb19.please wag mo sasabihin kahit kanino"
"Girl!oo naman! Pero ahhh!ang swerte mo.ikaw na ang maganda!" sabi niya na ikinatawa ko naman."so kailan mo balak umamin sa kaniya?" tanong ulit niya."Hindi ko alam frea.natatakot ako kasi baka mareject ako kasi sino nga naman ako?fan lang ako na nagkagusto sa idol niya.tsk! Bakit kasi magkaiba kami ng mundo"
Magkaiba ang mundo namin ni stell.sikat siya at ako ordinaryong tao lang kaya bakit naman niya ako magugustuhan diba? Hibang na ata ako.
Habang nagkekwentuhan kami bigla nalang may tumawag saakin at pag tingin ko si stell pala iyon.
"Go girl sagutin mo na alis muna ako" sabi ni frea at umalis na.
"Hello?" sagot ko sa tawag ni stell
"uy kate! Uhmm pwede ka ba mamaya?"
"Mamaya?oo maaga uwian namin mamaya.bakit?" tanong ko
"Magkita tayo sa park malapit sa school niyo kung pwede sana?" tanong ni stell
"Oo naman! Hintayin kita ha" sabi mo at doon na natapos ang tawag niyo.HABANG naghihintay kay stell nakinig ka muna sa music para hindi ka mabored.maya maya pa ay dumating na si stell na halos hindi ko na makilala dahil balot na balot ang mukha niya.
"Hi kate" bati niya sayo "hindi ka ba naiinitan?" tanong mo sa kaniya.mahina naman siyang Napatawa dahil sa tanong mo."Hindi naman. para lang walang makaistorbo saatin" sabi niya sabay upo sa tabi mo.
Masaya kaming nagkekwentuhan ni stell nang may tumawag sa kaniya."hello?hindi pa.oo mamaya. Wag ka excited josh. Oo. Sige na istorbo ka eh" sabi niya at pinatay ang tawag.
"Si josh?"tanong mo "oo, nangungulit lang" sabi nito at tinitigan ka mata sa mata. Hindi ka mapakali dahil sa mga titig niya kaya umiwas ka.
"Kate" tawag sayo ni stell "bakit?" tanong mo habang nakatingin sa malayo. "Gusto kita"
Tumingin ako sa kanya at halata saakin ang pagka gulat. Hindi ko inaasahan na gusto ako ni stell.totoo ba ito? Hindi ba ito panaginip? Wag niyo na po sana ako gisingin kung panaginip man ito!
"Gusto kita kate.pwede ba mangligaw?" sabi ni stell
"Oo naman stell" wala sa sarili kong sabi sa kaniya. Si stell liligawan ako?
Napangiti naman sayo si stell dahil sa sagot ko.napaka gwapo niya talaga.
Gabi na at hinatid ako ni stell sa bahay namin.hanggang ngayon hindi pa din ako makapiniwala na nililigawan ako ni stell.natatakot nga lang ako dahil baka may makaalam nito at lagot kami pag nagkataon.
Alam ko na masaya kami ngayon pero paano sa future pag nalaman ng mga fans ang tungkol saamin? Kinakabahan ako pero sa ngayon wag ko muna ito isipin.someday paguusapan din namin ito ni stell. Sana nga walang mangyaring masama.
BINABASA MO ANG
THE WORLD BETWEEN US || Sb19 stell fanfic
Fanfictionsa mundong ito pwede nga bang magkatuluyan ang isang fan at isang sikat na tao? saksihan ang kwentong ito kung paano nila labanan ang problema nila sa pag ibig. pwede nga ba silang magkataluyan?