CAN'T YOU LOVE ME AGAIN?
Short Story by PollyNomial
CHAPTER THREE
February 2012
< ROSS ANGELES >
Halos ilang weeks na ang nakakalipas mula nung maghiwalay kami ng girlfriend ko. Ako ang may gustong makipagbreak sa kanya. Mabuti nalang ay tanggap niya iyon.
Kahit naman ako ang nakipaghiwalay, inaamin kong nahirapan din ako. Kahit papanu naman kasi ay naging masaya ako sa kanya. Pero, hindi ko kasi talaga siya magawang mahalin.
Yun din siguro ang dahilan kung bakit umayaw na ako sa relationship naming dalawa.
I really have no feelings for her. Niligawan ko lang naman siya dahil ayokong maiwan ng mga kabarkada ko. I was never in love with her. At first, gusto ko lang naman ng mapaglilibangan. Pero sinubukan kong maging seryoso. Nagiging sweet ako sa kanya paminsan minsan at alam kong naging masaya naman siya sa akin, ganun din ako. Pero, ngayon kasi, narealize ko na ayoko na ng lokohan. Hindi ko siya mahal. Ayokong tumagal kami dahil hindi ko gustong masaktan siya. Kaya nakipaghiwalan sa ako sa kanya.
Kaya ngayon… Eto ako at walang girlfriend.
“Hazelle!” napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ni Hazelle. Si Paolo pala. Nasa may pintuan siya at tinatawag si Hazelle na nakaupo sa pwesto nito.
“ANO?!!!” narinig kong sigaw ni Hazelle. Nagulat pa ako dahil sa pagtaas ng boses niya. Hindi naman kasi ganyan si Hazelle eh. Laging mahinhin lang yan.
“Halika kasi! Ang bagal!” sagot naman ni Paolo sa kanya. Si Hazelle naman ay sumunod na sa kanya at parang nagdadabog na lumabas ng room.
Napansin ko lang na simula nung magkatabi silang dalawa, naging close na sila. More than seatmates na nga ang turing nila sa isa’t isa. Magkaibigan na ata.
Eversince rin na magkatabi sila, hindi ko na madalas makausap si Paolo. Hindi na rin siya sumasama sa barkada. Palagi na niyang kasabay si Hazelle. Kapag recess, lunch, o kung may break man at walang teacher ay sila lang ang laging magkasama at magkausap.
Everytime na makikita ko silang nagkukulitan, hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanila. Napapatitig nalang ako sa kanila. Lalo na kay Hazelle. Kapag kasama niya si Paolo, ibang Hazelle ang nakikita ko. Masaya at laging nakangiting Hazelle.
Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing makikita kong masata si Hazelle dahil kay Paolo, may kumikirot sa loob ko.
May part sa akin na ayaw silang makitang ganun. Ayaw kong makitang sumasaya si Hazelle. Lalo na kung ang dahilan nun ay ibang lalaki kagaya ni Paolo.
BINABASA MO ANG
Can't You Love Me Again? [Short Story]
RomanceRoss Angeles. Simpleng lalaki, simpleng estudyante. Pero hindi sa mata ng babaeng ilang taon nang nahuhumaling sa kanya. Si Hazelle Agoncillo. Isang babaeng hindi malaman kung gaano na ba katagal mula nang simulan niyang mahalin si Ross. Hindi na ni...