EPILOGUE [2] end...

2.6K 99 31
                                    

CAN'T YOU LOVE MAGAIN?

Short Story by PollyNomial

EPILOGUE (part 2) 

< ROSS ANGELES >

Finally! Ikakasal na rin ako sa babaeng mahal ko. I really can’t belive it. Sa aming dalawa, parang ako pa ang babae dahil sobrang excited na ko. Hindi ko naman kasi inaasahan na mangyayari pa ‘to.

Matapos naming mag-cool off ni Hazelle, para bang nawalan na ko ng pag-asa. Hindi ko naman kasi akalain na si Hazelle pa ang mag-iinsist na maghiwalay na kaming dalalawa.

Oo inaamin ko na ako ang may kasalanan nung araw na naghiwalay kami. It is my entire fault and Hazelle doesn’t have anything to do with that. Isinumbat ko lahat ng pagkukulang niya when in fact, wala naman siyang iba ginawa kundi mahalin ako. Sinabi ko pang parang ako nalang ang kumikilos para mag-work out ang relationship namin. Pero sa sarili ko, alam ko naman hindi totoo yun. Alam kong nahihirapan na rin si Hazelle na pagsabayin ang relasyon namin at pag-aaral niya. Kaya nga sobrang nagsisisi ako na nagawa ko pa siyang sumbatan.

Pero sa kabila nun, hindi ko pa rin maiwasang isipin na hindi na ko importante kay Hazelle. Sobra siyang naging busy sa studies niya. Kapag tinatawagan ko siya na magkita kami, puro sorry nalang ang siya. Ang daming excuses. Alam ko naman na totoo lahat ng excuses niya pero kahit saglit lang ba hindi niya matuon ang atensyon niya sa akin?

Hindi naman ako naging ganun sa kanya. Lagi kong sinisigurado na may oras ako para sa kanya. Inuuna ko siya sa lahat ng bagay dahil mahalaga siya sa akin. Mas mahalaga siya kesa sa pag-aaral ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at lalo ng mas mahalaga siya kesa sa buhay ko.

I’m selfish and I know that. Hindi ko tinatanggi yun. Pero mahal ko lang naman siya eh. Sobra ko siyang mahal kaya ako nagkakaganito.

At dahil nga sa sobrang selfish ko eh nagkalabuan kami. At mas lalong hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. She asked me if I still love her. Of course I do! Kaya nga ako nagkakaganun dahil mahal na mahal ko siya. Gusto kong palagi siyang kasama. Ayokong mawala siya sa akin. Pero hindi na siya naniwala at tinanong kung sigurado ba daw akong mahal ko pa siya.

And I didn’t expect na sasabihin niya na kaya ko lang naman ginagawa yun eh dahil gusto ko na talaga ng break up. That I only grab the chance na makipaghiwalay sa kanya. But I know it’s not true. Hindi ko kailanman gagawin yun sa kanya.

Hanggang sa siya na mismo ang nagsabing maghiwalay na kami. Na siguro ay kailangan namin ng space pareho. That’s when I realize na tama siya. Oo mahal ko siya pero I think, kailangan muna naming mag-isip-isip.

Marunong din naman mapagod ang puso. At yun ang pinakaiiwasan kong mangyari. Ang dumating nalang ang araw na pagod na kamin mahalin ang isa’t isa.

Yan ang nasa isip ko nang mga panahong yun. Ayokong mawala ang pagmamahal ko kay Hazelle kaya mas pinili ko nalang muna na magpahinga kesa magpatuloy pa. Sinabi ko nalang sa kanya na kailangan kong hanapin ang sarili ko. I know that that’s the stupidest reason pero yun nalang ang naisip ko and I’m glad na pumayag siya. And I think it’s because gusto na rin muna niyang magpahinga.

Can't You Love Me Again? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon