Oras ng Panggagaway

672 11 1
                                    

Ako si Cielo Apostol. Labing anim na taong gulang na binatilyo. Eto ang unang araw ng aking buhay bilang isang estudyante sa ika labing isang baitang. Napag desisyunan namin ng aking mga magulang na hindi muna ako papasok sa unang araw dahil kailangan kong ayusin ang mga gamit ko sa aking dormitoryo kaya naman ihahatid ako ng aking dalawang butihin na mga magulang na sina Edna at Gregorio Apostol sa aking lugar. Butihin nga ba? Tinignan ko ang orasan. "3 PM". Oras na ng Panggagaway. Bago ako lumipat sa aking magiging eskwelahan ngayon at sa dormitoryong kinuha ng aking Papa, nag halungkat ako ng impormasyon tungkol dito dati. Napag alaman ko na ang dormitoryo na para lamang sa mga kalalakihan na titirhan ko ngayon ay dating eskwelahan ng mga Mangkukulam at manggagaway noong 1920's. Inayawan ko na lumipat sa lugar na iyon pero dahil sa murang upa ay hindi ko napapayag sina Papa na ilipat ako ng dormitoryo. Napag alaman ko rin na doon dati nag aaral ang lola ni mama pero itinanggi niya ang nasagap kong impormasyon na dating eskwelahan iyon ng mga mangkukulam. Nakakatakot. Nakaka kaba. Dahil ramdam ko sa kaluluwa ko na hindi iyon ang kwento na dapat kong ikabahala sa magiging buhay ko sa paaralan at sa dormitoryo na titirhan ko ngayon.

"Cielo, anak, nandito na tayo." Banggit ng aking Papa na puno ng galak. Hindi ako umimik at agad akong bumaba sa kotse. Pinagmasdan ko ang dormitoryo na titirahan ko. Ang lamig sa pakiramdam na tila ba'y pinapalibutan kami ng mga patay. Ang langit na nakapalibot sa lumang gusali na yari pa sa laryo na pininturahan lamang ng puti ay makulimlim. "Anak, tulungan mo kami ng Papa mo na ibaba ang mga gamit mo"utos ni mama na kinuha na ang isa kong maleta. Agad kong kinuha ang pangalawa at panghuli kong maleta at ang aking isang malaking kustal na yari sa tela. Hindi na ako ihahatid ng aking mga magulang sa loob. Naka tingin lamang sila saakin at nakikita kong naluluha ang aking mama dahil mapapalayo sakanila ang nag iisa nilang anak. Dahil sa sama ng loob ko na itinuloy nila akong itapon sa lugar na ito ay hindi ko sila kinibo. Papasok na sana ako sa loob ngunit sandali akong napatigil sa harap ng pultahan o gate bago ito buksan. Nakaramdam ako ng kilabot at takot. Tumayo lahat ng balahibo sa aking katawan at napa hinga lamang ako ng malalim. Luma na, bako bako, at kinakalawang na ang pultahan ng dormitoryo na para bang walang hirap na makakapasok ang kahit na sino dito. Sa aking pag pasok ay napansin ko rin na patay na ang mga halaman sa paligid. Ang mga damo ay nangangamoy na tila ba'y may mga naka libing na daga sa ilalim nito. Sa itsurang nakikita ko, alam kong hindi nila dinidiligan ang mga damo at iba pang halaman sa paligid. Kumunot ang noo ko pero punong puno ng katanungan at pagtataka ang mga mata ko. "Inaalagaan ba nila to? " bulong ko sa aking sarili. Wala pang isang minuto ay naka rating na ako sa pangunahing pintuan ng dormitoryo. Kakatok pa lamang ako ngunit agad na itong binuksan ng isang magandang babae. Mukha siyang guro at tila'y nasa edad bente sinko hanggang trenta na ang kaniyang edad ngunit hindi ito mahahalata sa ganda ng kaniyang mukha, pananamit, at magandang hubog ng kaniyang katawan. Nagpakilala siya saakin bilang si Ms. Costales. Isa siyang guro ng sining at kultura sa aking paaralan at siya ang naatasan na magpalakad ng dormitoryo ng mga lalake. Hindi ko na ito kinuwestyon dahil palagay ko ay kung lalake ang palalakarin nila ng lugar na ito ay mas magiging mas malala ang mga nakikita ko sa paligid kaya naiintindihan ko kung bakit isang Ms. Costales ang napiling mamalakad rito upang mas magkaroon ng disiplina kahit papaano sa lugar na ito.

Sa aming pagpasok ng dormitoryo ay agad kong napansin ang lawak nito at ang malaking hagdan na bumubungad at nakaharap sa pinto. Luma na ang lugar pero maganda ang pagkaka ayos. Agad ko rin napansin ang malaking aranya na tila'y gawa sa totoong kristal. Sa likod ng nakaka akit na tanawin at ilaya ay hindi ko parin maitatanggi ang kilabot na binibigay saakin ng paligid. Sa aming pagpapatuloy sa hagdan ako ay napatigil dahil bago kami makaakyat ay may nakaka agaw pansin na dalawang larawan ng mga lalaki na halos kasing idaran ko lang din. May mga alay ng bulaklak at mga naka sindi ng kandila. "Ano pong nangyari sakanila?" tanong ko kay Ms. Costales habang pinag mamasdan ang mga larawan na may kaba at takot. "Nakita sila sa may bakanteng lote malapit dito, hiwa hiwalay ang mga katawan. " kalmadong paliwanag ng aming taga pangalaga sa dormitoryo. "Kahapon lang nangyare yon. Hanggan ngayon hindi parin nakikilala kung sinong may gawa." Dagdag niya na mas nagpakaba sa aking magiging buhay sa dormitoryo na ito. Nakakapag taka dahil wala kaming nabalitaan kahapon ng aking mga magulang tungkol sa trahedyang nangyare dito. Nagpatuloy kami sa pag akyat sa malawak na hagdanan at ilang sandali pa ay naka dating na kami sa pinto ng aking tutulugan. Binuksan ni Ms. Costales ang pintuan at nauna siyang pumasok. Sa aking pag sunod ay napansin ko ang numero na naka sabit sa saking magiging kuwarto. "007". Dalawa ang kama sa loob ng kwarto at pareho itong nasa magkabilang dulo. Bintana lamang ang pumapagitan dito at may iisang gabinete lamang sa loob at iisang banyo. "Limampu ang silid tulugan dito sa dormitoryo. Bawat isa ay may iisang banyo lamang. Kung iyong nakikita, dalawa ang kama sa iyong silid at ito ay dahil bawat isa sainyo ay may kasama. Si Mr. Sta. Maria ang iyong makakasama na kasalukuyang nasakanya pang klase. Kasing idaran mo lang iyon kaya hindi ka mahihirapan. He is an athlete and a scholar pero mabait 'yon." Nakangiting pagpapakilala saakin ni Ms. Costales sa aking magiging kakuwarto. Inilapag niya sa aking kama ang susi bago niya buksan muli ang pinto at bago siya umalis ay nagbigay muna siya ng habilin. "Mr. Apostol, kung ikaw ay may katanungan lumapit ka lamang sa opisina ko at kahit anong mangyare, huwag kang maglalagay ng salamin sa silid-pahingaan o kahit saan dito." Mahinahong lumabas ang napaka marikit na si Ms. Costales at isinara niya ang aking pintuan. 

Sitsit: DormitoryoWhere stories live. Discover now