Pablo

98 6 0
                                        

Malamig ang gabi pero ramdam ko sa ang pagtakbo ng aking mga pawis sa aking balat. Dumilat ang aking mga mata pero hindi ako makagalaw. Hinahabol ko ang aking hininga, ang boses ko'y tila nawawala. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Walang makakatulong sa akin ngayon sa kuwarto na ito. Sinimulan kong magdasal ng Ama namin at doon kumalma ang aking paligid. Sobrang kalma, sobrang tahimik. Naririnig ko ang dahan dahang yapak mula sa aming kahoy na sahig. Papalapit ng papalapit, papalakas ng papalakas. Naaninag ko ang bagay na lumapit saakin. Kitang kita ng mga mata ko kung paano umikot ang kaniyang ulo. Lumabas ang kaniyang dila na napakahaba sabay ningitian niya ako. "Maliligtas ka ba talaga ng Diyos?" Mahinanon niyang tanong. Sabay gumapang siya ng napaka bilis papunta sa ilalim ng aking kama hanggang sa... narinig kong tumunog ang aking orasan. Umaga na't nakadanas nanaman ako ng masamang panaginip dito. Bakit ganon ang laging katanunangan saakin? Hindi niya ba ako maliligtas? Tumingin ako sa higaan ni Pablo at hindi manlang nagalaw o nalungkot kahit konti ang kaniyang kama. "Hindi pa siya nakakauwi?" Tanong ko sa hangin.

Agad kong hinubad ang aking suot at dumeretso ako sa banyo ng walang saplot. Dinama ko agad ang tubig na dumadaloy mula sa shower. Dahan dahan kong pinakiramdaman ang balat ko mula leeg hanggang baba. Hindi ko pa nagagalaw ang sarili ko simula ng lumipat ako sa dormitoryo na ito. Nag iinit na ang katawan ko pero hindi ko masyadong napapansin sa sobrang dami ng nangyayare. Kasalanan ba sa itaas kung gagalawin ko ang sarili ko para magparaos? Hinawakan ko na ang aking sarili ng biglang pumasok sa isip ko si Ms. Costales. Lagi ko siyang hindi pinagbibigyan dahil ayaw kong tumulad sa ibang mga lalake sa dormitoryo na ito pero hindi ko maitanggi ang kanyang kagandahan at ang marikit na hubog ng kanyang katawan. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at tumigas lalo ang aking mga kalamnan ng isipin ko kung bumisita ako sa kaniyang opisina ano kaya ang mangyayare. Lumalawak na ang aking imahinasyon. Kasalanan nga siguro ito pero malapit naman na akong matapos. Naririnig ko ang hininga ko at tila makakaraos narin ako sa tinagal tagal ng panahon. "Eto na.." bulong ko sa sarili. Kasabay ng aking pagtatapos ay siyang pagkalabog ng hindi ko alam na bagay mula saaking kuwarto.

Agad kong kinuha ang aking tuwalya at sumilip sa aking silid. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong naka usog na ang aking kama ngunit ng tignan ko ang paligid ay walang bakas ng kahit sino mang pumasok. Nagbihis na ako ng damit para makapasok na agad sa eskwela. Balak kong hanapin si Pablo at makusap si Tanya.

.....

Dumating na ako sa eskwelahan. Makulimlim ang panahon at malamig parin ang simoy ng hangin. Ramdam ko parin sa paligid ang patay na dala ng kahapon. Sa mga normal na paaralan nag sususpendido sila ng mga klase lalo na kapag may nangyareng trahedya. Bakit dito, ilang estudyante na ang nawala, may kamamatay lang kahapon dito mismo sa loob ng campus, pero tuloy parin ang mga klase na para bang walang nangyare. Nakakakilabot ang panahon at ang paligid, para bang may mga nakatiningin saakin. Naglalaro nanaman ang isipan ko na parang umitim ng husto ang mga mata ng nasa paligid ko at naka ngiti lang sila lahat saakin. Maya maya lalo kong naramdaman na mas lumakas na ang hangin at nagsimula ng sumayaw ang mga puno gawa nito. Pumunta na ako agad sa klase. Inantay kong dumating si Pablo ngunit nanatiling bakante ang kanyang upuan hanggang sa matapos ng magturo ang aming guro. "Deputa." Bulong ko sa aking sarili na may halong pangamba. Agad kong tinignan si Tanya at sinenyasan na samahan nya ako para kami ay makapag usap.

Dumeretso kami sa isang kuwarto ng eswelahan na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao. Sa itsura ng paligid, mukhang matagal ng nababakante ang lugar na ito. Ginawa na lamang tambakan ng mga umang kahoy na upuan at gamit na mga libro at papeles. Isinara ko ang pintuan at sa aking paglingon ay laking gulat ko ng biglang dumampi ang mga labi ni Tanya sa mga labi ko. Agad ko siyang itinulak at tinignan ng may pag kukwestyon.

"Anong ginagawa mo? Hindi ka dumating kagabi sabay bigla mo akong hahalikan?" Mahina kong gigil na sambit kay Tanya. 

"Hanggang anong oras mo ako inantay kagabi?" Tanong naman ni Tanya saakin pabalik.

Sinabi ko sakanya na hindi ko na siya inantay ng matagal dahil sa mga nakita ko kagabi. Natakot ako at lalong nag alala sa hindi pagkakauwi ni Pablo. Tinuro ni Tanya ang isang bahagi sa silid na natatakluban ng itim na tela. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pero dahan dahan akong pumaroon. Sa aking paglapit ay may narinig ako na paghinga sa likuran ng tela na iyon. Pamilyar. Nilingon ko si Tanya ng may pagtataka at agad kong hinawi ang tela. "Jusko"Sambit ko sa nakakagulat na nasilayan ng aking mga mata. Si Pablo, wala siyang ibang suot kundi isang malaking tuwalya. Nilalamig si Pablo, nanginginig at may mga pasa at sugat siya sa mga balat na nasisilayan pa ng aking mga mata.

"Anong nangyare sayo?"Inalalayan ko si Pablo pero wala siyang naisagot sakin. Tinignan lamang ako ng mga nanghihina niyang mga mata. Awang awa ako. Ramdam ko na may pinagdaanang mahirap si Pablo sa mga oras na nawawala siya. Malaki din ang kutob ko na konektado ito sa mga nangyayareng patayan sa lugar na ito. Napansin ko na may hawak hawak na tela si Pablo. Dahan dahan kong kinuha eto at nanlaki ang aking mga mata dahil kapareho ng logo sa panyo na hinahawakan ni Pablo ang logo na suot suot kagabi ng mga taong nakapalibot sa aming dormitoryo. "Eto nanaman?"Isa nanamang katanungan na lumabas sa aking bibig pero mga nanghihinang titig parin ni Pablo ang bumabalik saakin.

"Si Maria Costales." Sambit ni Tanya habang naglalakad sya patungo sa may bintana upang siguraduhing walang naka masid saamin sa mga panahon na iyon. "Hindi ka nag antay saakin ng mas matagal kaya hindi mo nakita ang buong pangyayare kagabi."Bumalik patungo saamin si Tanya at humigpit ang kapit saakin ni Pablo.

"Nandoon ako, nagtatago sa likod ng mga puno. Ang mga taong nakapalibot sa dormitoryo mo kagabi ay mga kasama mo na ginawang kasapi ni Ms. Costales. Dinala nila si Pablo ng naka piring pero sa itsura ng nakita ko kagabi, hindi pumipiglas si Pablo. Tila kusa siyang nagprisinta na sumama doon." Nakikinig lamang ako sa kinukwento ni Tanya pero hindi ako makapaniwalang gugustuhin ni Pablo ang nangyare sakanya ngayon. Imposibleng nag kusa siya.

"Hindi ko alam kung anong nangyare sa loob pero nag antay ako. Matapos ang trenta minutos nakita kong tumatakbo papalabas ng dormitryo si Pablo, walang saplot. Takot na takot siya at humihingi ng tulong pero nadakip sya ng mga humahabol sakanya na naka suot ng kapa... Binugbog siya ng mga kasapi ni Ms. Costales... Ng sila ay matapos sa pagpapa hirap sakanya, dinala siya sa may ilog. Sumunod parin ako at nagtago. Tinalian nila si Pablo at itinapon sa may ilog. Maswerte siya dahil agad umalis ang mga tao na ýon kaya naka tiyempo ako para sumisid at iahon siya mula sa ilog." Dugtong ni Tanya.

Tinignan ko si Pablo pero hindi parin siya makapagsalita kaya naman tinanong ko si Tanya. "Para saan? Bakit ginawa ito ni Ms. Costales at ng mga kasamahan namin sa dormitoryo?"

"Yan ang hindi ko alam." Tumingin ng deretso si Tanya kay Pablo at bumalik ng tingin sakin. "Siya lang ang makakasagot ng katanungan natin sa bakit. Antayin natin siyang maging okay. Hindi mo pwedeng ibalik si Pablo sa dormitoryo dahil papatayin lang sya ng mga kasama nyo doon. Mabuti na iuwi ko muna siya saamin ng walang ibang nakakakita para ligtas."

"Bakit mo ako hinalikan kanina?"Pagbabalik ko sa ginawang nakaw na halik saakin ni Tanya. Ngumiti lamang siya ng may pang aasar at tumungo sa may pintuan ng silid.

"Para hindi na manakaw ni Maria Costales ang halik na yan. Malaki ang kutob ko na may ginagawa siyang kakaiba sa mga kalalakihan sa loob ng dormitoryo na iyon... Alam ko.. Alam din ng kapatid ko ýon." Sagot niya sa katanungan ko. Pero hindi ko alam na may kapatid si Tanya sa loob ng dormitoryo.

"Wag ka mag alala, patay na siya."Dugtong ni Tanya sa kanyang paliwanag. Kahit hindi pa namin nabubuo ang sagot, buong buo na ang kutob ko na maaring may kinalaman si Ms. Costales sa mga nakaka kilabot na pangyayare dito. Malamang sa malang, konting panahon nalang, ako na nag isusunod non. Pero sangayon kailangan muna namin mas pagtuunan ang pagpapagaling at ang kaligtasan ni Pablo dahil sakanya namin mas makukumpirma kung bakit nangyayare ang mga ito.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sitsit: DormitoryoWhere stories live. Discover now