▪▫▪▫Read, Enjoy & Support▫▪▫▪
📖 ║ ❤ ║ ⭐Clover's POV
Its been 3 weeks since that incident happen. Ambilis noh? Hiniling ko talaga na pabilisin ni papa God ang oras. Di ko na kasi masikmura ang ugali at pagmumukha ng Demonic na yun.
Ugh! Yeah. He helped me when I lose my consciousness because of that damn dysmenorrhea but he still bullies me! That jerk!😤
Anyway, my field trip daw kami sabi ng teacher namin for our brochure making pero hindi ako excited. Why? Ikaw ba namang makasama sa buong maghapon--magdamag ang demonyong yun ang hindi maiinis!?
Gwapong demonyo Clover! Di ka talaga mag-eenjoy?? Hihi
Arrggghhh!! Shut the f*ck up stupid brain!
Grrrr.. I don't want to see his f*ckin' face! I might punch it!
Okay. I'll admit that he's handsome but he is still a jerk and a demon to me.
Speaking of the demon..
"Hi mens"
Kingina!
Nginitian ko na lang sya ng pilit at lumbas na ng room. Naaalibadbaran ako sa kanya
"Good morning" bati sakin ni Sky
Ang totoo ay natutuwa ako dahil kahit cold sya sa mga classmates at iba pang nakakasalamuha namin ay parang exemption ako dun. Feeling ko nabibigyan ako ng special treatment kaya hindi ko maiwasang kiligin.
"Good morning Sky" nakangiting bati ko sa kanya na lalong nagpalawak ng ngiti nya. Nasa ganon kaming posisyon ng biglang may tumikhim sa likod ko
"EHEM! Excuse. me."
Tch! Epal!
Tumabi kami ni Sky para padaanin ang prinsipe pero hindi dun natatapos yun. Iniharang ko ang paa ko sa dadaanan nya na ikinatalakid nya. Sakto namang nagring ang cellphone ni Sky kaya nagpaalam muna sya para sagutin ang tawag
"What the fvck!? Do you have a death wish?" Masama nya akong tiningnan
"Kasalanan ko bang lampa ka? Tch!" Nabigla ako sa nasabi ko dahil kusa na lang yun lumabas sa bibig ko
Nanlisik ang mga mata nya na akala mo ay hindi nang aasar kanina. Lumapit sya kaya napaatras ako hanggang naramdaman ko na ang cabinet na nasa likod ng room namin.
Nagulat na lang ako ng hawakan nya ang magkabilang balikat ko "Neo micheosseo!?" Malakas nyang sigaw at napadaing na lang ako ng tumama ang likod ko sa cabinet.
Nakarinig ako ng mabilis na yabag ng sapatos bago ko nakita si Sky na papasok sa pintuan.
Agad nyang itinulak si Dominic bago ito kuwinelyohan. Lalong nanlisik ang mga mata ni Dominic ngunit hindi nagpatalo si Sky dahil sobrang sama rin ng tingin nya dito
"Don't you dare touch my property" madiing wika ni Sky habang hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa kwelyo ng uniform ni Dom
Natawa ito ng mahina sa sinabi ni Sky "Property my foot" sumama na naman ang tingin nya at bigla na lang sinapak ang kaharap. Gumanti si Sky at nagsimula na silang magpalitan ng suntok.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na ng tumilapon si Sky sa may paa ko dahil sa malakas na sipa ni Dominic. Natutuliro ako sa nangyayari sa harap ko ngayon. Kaagad ding bumangon si Sky at malakas na sinapak si Dominic dahilan upang ito ay matumba.
"Stop!" Sigaw ko ngunit walang pumansin sakin. Nagpatuloy ang pagpapalitan nila ng suntok. Suntok dito, suntok doon. Iwas dito, iwas doon.
Nakita ko ang parehas nilang dumudugong labi at mga galos. Hindi ko alam kung paano ko sila patitigilin. Napatingin ako sa bangko na malapit sa akin. Hinila ko iyon at ibinato sa gitna, hindi alintana ang sakit ng likod ko. Hindi naman yon gaanong kabigat kaya nabuhat ko.
"Stop! Stop it! Just STOPPP!!!" Malakas kong sigaw. Parehas silang natigilan ngunit patuloy pa rin ang masamang tinginan. Naglakad na si Dominic papalabas ng room at sinanggi si Sky samantalang ako naman ay tinapunan ng masamang tingin.
Ano bang ikinagaganyan mo?
Sinundan ko sya papalabas ng room "Ano bang ikinagagalit mo? Yung pagtakid ko sayo? Bakit kailangan mo pang mandamay ng ibang tao?" Tanong ko at tumigil naman sya
"You don't care. And you won't understand" sabi nito at nagpatuloy na sa paglalakad
Susundan ko pa sana sya ng may humigit sa pulsuhan ko at napaharap ako kay Sky na may pag-aalala sa mukha. "Are you okay?" tanong nito kahit na dapat ay sarili nya ang inaalala dahil sa natamo sa pakikipagsuntukan.
"I'm fine" sabi ko at hindi ipinahalata sa kanya ang iniindang sakit sa likod. Dinala ko sya sa clinic para magamot ang mga galos sa mukha nya pati na rin ang pumutok nyang labi.
Hindi namin nadatnan si Dominic don. Aaminin kong may parte sakin na nag-alala sa kanya kahit dapat ay magalit ako. Kasalan ko rin naman dahil hindi mangyayari to kung hindi ko sya tinakid. Pero sana man lang ay naisip nyang babae ako.
Ako na ang nagprisintang maglapat ng yelo sa pumutok na labi ni Sky dahil alam kong madami ring inaasikaso ang nurse doon.
Natigilan ako at napatingin sa mata nya na nakatingin rin sakin
"I'm sorry, this all my fault" sabi ko at nag iwas ng tingin sa kanya
"No. It wasn't your fault. Its my own choice. Sana hindi ko na lang sya pinatulan" sabi nya kaya napaangat ulit ako ng tingin sa mga mata nya "Hindi ko lang talaga napigilang magalit ng makita ko ang sitwasyon mo. Masyado naman atang mababaw na dahilan yung pagtakid mo sa kanya para ganunin ka nya, Clover"
Natigil ang paglalapat ko ng yelo sa labi nya. Nakatutok ang atensyon ko dun kaya medyo naiilang ako.
"Clover..."
"Hm?" sagot ko at napatingin sa mata nya
"Please don't get hurt without my permission"
"Ha?"
Nabigla ako ng bigla nya akong yakapin " I don't want to lose you..not again "
Third person's POV
Nakangiti ang isang babae habang nakatingin sa larawan niya kasama ang unang lalaking kanyang minahal. Hindi niya maiwasan ang manggilid ang luha habang naaalala ang mga bagay na kanyang nagawa na sobra niyang pinagsisisihan.
Dumating ang babaeng kanina pa niyang hinihintay para alamin kung nagawa ba nito lahat ng kaniyang ipinapagawa. Magalang na nag bow ang babae bago lumapit sa kanya
"Is it all done?" tanong nito sa babae. Labis ang pananabik niyang makasama muli ang lalaking kanyang minamahal
"Yes, Madame. Everything is settled. You will be leaving tomorrow night"
"Good. I want him back. And I will do everything to make him mine again.. whatever it may cost" tumalim ang mata ng babae bago muling ngumiti
BINABASA MO ANG
My Demon Prince (On Going)
Teen FictionRoyalty Academy is an elite school with different kind of students. There are nerds, fangirls, fanboys, cassanovas, varsity players, cheerleaders, dolls/clown, heart robs, bullies and lastly the royalties. Clover Yesha Mendzelle, known as 'Princess...