Chapter 12

17 4 0
                                    


▪▫▪▫Read, Enjoy & Support▫▪▫▪
📖 ║ ❤ ║ ⭐


Dominic's POV

Naghahanda ako ng mga gamit ko para sa field trip namin ngayon. Maliit na bagay lang naman to kaya hindi ko na iniasa kina manang. Our field trip is in El Paraiso Beach. 2 days and one night yon at sa hotel kami magsstay. Kung bakit ngayon ko to inaayos sa halip na kagabi pa ay hindi ko rin alam. Halos wala akong tulog dahil sa narinig at nakita ko kahapon.

Pinilit kasi akong papuntahin nina Clyde sa clinic dahil naaasiwa daw sila sa gwapo kong mukha. Tch! Naabutan ko yung yakapan nung dalawa at malamang narinig ko din yung sinabi ni Clyde

"I don't want to lose you..not again"

"Again?"

Ewan ko pero may mga bagay na nabubuo sa isip ko..naalala ko yung pinag-usapan namin ni Silver wala pang isang linggo ang nakakalipas

*flashback*

Naglalakad ako ngayon sa hallway habang nilalaro-laro yung dala kong apple. Tch! Asan na ba yung dalawang siraulong yun? Napatigil ako ng biglang humarang sa daraanan ko si Silver.

"Can you move out of my way?" inis na tanong ko sa kanya

"Stay away from Clover" seryosong sabi nya

Ako? Lalayo kay Clover Yesha? Tch! Mangarap sya.

"What if I don't?" pang-aasar ko na agad na ikinakunot ng noo nya "And what if..yan din ang pakiusap ko sayo"

"Do you like Clover?" magkasalubong ang kilay na tanong nya

"No"

"Then there's no reason for you to keep approaching her" seryosong sabi nya

"And there's no reason too for me to stay away from her" nakangising sabi ko. I'm enjoying this. "Why do you keep telling me to stay away from her where in the first place, I'm the one whom she met first"

"Are you saying na nauna ka? Then let me tell you this..bata pa lang kami, kilala at minahal na namin ang isa't isa"

Nabigla ako pero hindi ko pinahalata. Kaya ba ganun tumingin si Clover Yesha sa kanya? Magkakilala na sila dati pa?

"Is that so? Then let me also tell you this..kung talagang sayo sya, hindi mo na ko kailangan pang pakiusapan na lumayo sa kanya" sabi ko at tinalikuran sya

*end of flashback*

Kinuha ko na yung gamit ko at naglakad na palabas ng kwarto

*Riiiinnnngggggg... Riiiinnnngggggg...*

Calling.. Lokong Clyde

"Oh?" sagot ko

"Dre, asan ka na? May balak ka atang magpaiwan eh"

"Tch! Wala akong pake. I have my own car"

"Oo na, oo na. Hahaha.. Sayang, ang ganda pa naman ng seatmate mo"

"Oh talaga? Tabihan mo"

"Sure ka dre? O sige.. magpaiwan ka na. Ako na lang ang tatabi kay Clover. Bye!"

"Clyde—" f*ck

Kainis talaga yung lalaking yun

Dali dali akong nagmaneho papunta sa school. Buti na lang hindi traffic. Kulang na lang paliparin ko 'tong kotse ko sa pagmamadali ko.

Pagdating ko sa carpark andun yung loko at mukhang inaabangan ako. Tuwang tuwa pa

"Oh? Ang bilis mo naman? Wala pang 10 minutes mula nung tumawag ako ah. hahahhahaha!" sabi ng loko at tumawa

"Tch! Eh kung upakan kaya kita?"

"Mukhang nagmadali ka Dom ah. Naunahan mo pang dumating yung bus. Hahahahahah.." sabi ni Terrence at tumawa din. Mga siraulo

Teka..hindi pa dumadating? Tch! Sinasabi ko na nga ba. Mukha pa lang ni Clyde hindi na katiwatiwala

Pumunta na kami sa labas ng campus nung dumating yung bus. Pinasakay na kami at chineck ni Ma'am kung sumunod kami sa seating arrangement. Pangalawa kami sa likuran ni Clover para daw mamonitor namin yung mga kaklase namin dahil sa kotse sasakay yung teachers. Apat lang kasi sila.

Tch! Malalaki na naman yang mga yan eh. Hindi na sila bata.

"Ah.. eh.. Dominic..p-pwedeng dyan na lang ako sa may bintana?" tanong ni Clover Yesha sakin

"Ok" at nakipagpalit na nga ako

Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari nung nakaraan., I can't even say sorry to her.

"Ano ba? Wala ka bang sayo? Bakit ba nang aagaw ka?" sabi ni Ashley kay Clyde na nasa unahan lang namin. Magkatabi sila.

"Grabe naman. Humingi lang naman ako ng isa ah" depensa naman ni Clyde

"Oo..isa. Isang balot! At anong hingi? Nagsabi ka ba sakin?" inis na sabi ni Ashley

Tch! Nag-aaway na naman sila? =__= Napapadalas na ah. I smell something's fishy here.

"Matulog na lang kayo. Puro kayo lampungan dyan eh" sabi ni Gio, classmate namin

"AYYIIIIIIEEEEEEE!!!!" pang-aasar ng mga kaklase namin

"Tsk! Lampungan? Kung dyan lang din, wag na!" sabi ni Ashley at pilit na inilayo ang sarili kay Clyde

"Ano ka pa? Eh ang sadista mo kaya. Ako nga puro kabutihan at kagwapuhan lang ang pinapakita sayo"

Kahanginan na naman=_____=

"Whatever, Clyde. Liars go to hell"

"O talaga? Have a safe trip then"

Kesa makinig sa walang katapusang away nitong dalawa, nagsalpak na lang ako ng earphones at pumikit para makinig ng music

*Now playing: Passenger seat*

I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Her hair blowing in the open window of my car and

As we go the traffic lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening

Napamulat ako at napatingin dito sa katabi ko. Nakatingin sya sa labas ng bintana at tulad ko ay may earphones din sya sa tenga. Hindi ko alam kung bakit o pano pero sya lang yung nakapagpaganito sakin simula nung..tch! basta

Oh and I've got all what I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me


Yeah. I really can't.. knowing that she's inches from me


-------------------------------------------

Hi readers! sorry kung maikli lang 'to. Babawi ako sa next chapter. mwahhhhh^3^

My Demon Prince (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon