Candy POV:
Nakatulog ako ng medyo matagal. Nakaramdam lang ako ng ngawit kaya nagising ako.
Pamilyar yung lugar. Napaayos naman akong upo. Natatanaw ko ang malawak na bukirin at mga kabayo sa paligid. Sari saring prutas at gulay din. Ang lawak din ng flower farm. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid.
"K-Kai...."
"You told me you've been here a long time ago so I decided to bring you here. Wish no.1 granted."
"Thank you genie. Este, Kai. P-Pero.. wala ka pang tulog. Ok ka pa ba? Baka magkasakit ka."
"Haha. Don't worry, Candy. Sanay ako sa puyatan."
Tumigil kami sa tapat ng mansion. El Riego Hacienda. Yan ang nakalagay dun sa arko. Ang mansion namin. Nanlaki yung mata ko. Hindi padin nagbabago yung itsura pero mas dumami yung flowers namin. May care taker ang lugar kaya hindi ito napapabayaan. Inikot ko ang mata ko sa paligid. Hindi ko mapigilang maluha. Naalala ko ang mga panahong buhay pa si Papa. Bawat sulok ng lugar ay naalala ko ang papa ko.
"K-Kai.. hindi mo naman kelangang gawin to...wala ka pang tulog."
He just smiled at me. May eyebags na sya.
"I'm your genie right? I granted your first wish. Two more to go."-Kai. I smiled.
"Thank you. Tara sa loob."
Hinila ko siya papasok ng bahay. Yung susi nasa ikalawang pot ng favorite kong red rose. Natawa ako. naalala ko tuloy yung kabataan ko. Iniiwan padin yung susi dito sa vase. Si papa ang nagturo nun sakin para daw hindi na kelangang dalhin and if ever mawala naming yung duplicate, meron dun sa vase.
Pagkapasok sa loob ng bahay, naiyak agad ako ng makita ko yung malalaking frames namin na nakasabit sa wall.
"Pano mo nalaman yung bahay namin?"-tanong ko.
"Waze. Niligaw ligaw pa nga ako kaya inabot na tayo ng madaling araw. Pahamak na waze."-natatawang sagot niya.
"Haha. Thank you Kai."
"You're welcome. Sino yung guy sa tabi mo?"-tanong ni Kai habang tinuturo ang malaking frame sa living room.
"Half brother ko sa unang asawa ni Papa."
"You have a brother?"-tanong niya.
"Yeah. He left me since Papa died. Nag-asawa na kasi siya. Ang huling balita ko nasa Mexico na siya with his family. Di ko na siya nakita since then. Nandun kasi talaga ang mga kamag-anak namin. Pinagawa ni Papa itong mansion nung nagkakilala sila ni mommy. Yung ibang relatives namin nasa Spain and yung iba nasa Mexico and Italy so wala akong pinsan dito sa part ni papa."-paliwanag ko. lumingon ako sa kaniya at nakita kong humikab siya. Kawawa naman ang Kai ko. pero di ko maiwasang mapangiti sa effort na binigay niya. :)
YOU ARE READING
Can't Help Falling (One Shot Story)
RomanceLove at first sight. That's what I felt when I saw Kaizo's face. Hindi ko din maintindihan yung nararamdaman ko. Binalak ko ngang ipa-check up yung puso ko dahil ang bilis ng tibok sa tuwing nakikita ko siya. I wasn't infatuated to him. Mas matind...