Gravity

155 7 1
                                    

"Are you sure you don't want anything?" Si jayda. Nasa bahay sila nito kasama si Kyle. Busy sila naglalaro ng video games kasama ang daddy ni Jayda na mahilig din sa video games.

"We're okay.Busog pa naman kami" sagot ni Darren. Naglunch na din kasi sila ni Kyle bago pumunta sa bahay nila Jayda. Ginagawa nila ito almost everyweek. Naging hangout place na nila ang bahay nila Jayda. Paraan na din nya para madalaw at makapanligaw kay Jayda at mas mapalapit sya sa pamilya nito.

"Okay.Punta lang kami  saglit ni Mom sa Vertis to get my laser done." paalam ni Jayda. Wala naman na kaso sa kanila ni Kyle iyon. Minsan nangyayari na wala si Jayda sa bahay pero andun sila nila Kyle naglalaro ng video games with her dad.Buti nalang game parin si tito Dingdong na makipaglaro sa kanila. One thing he admires about Jayda's dad, he's very cool.

Pagkalipas ng mahigit isang oras, dumating na din sila Jayda. "You're fast" banggit nya.

"Yup, di na naman inavail yung ibang service that we planned, kasi parang uulan, dilim sa paligid, and true enough umulan na nga paglabas namin" paliwanag ni Jayda.

"Yes, and we bought food for dinner na, dito na kayo magdinner. "sabat naman ng mom nya.

"yey! thanks tita!" sagot ni Kyle.

"Welcome. We bought pizza din for merienda, paprepare ko lang kay manang para magbreak muna kayo" tugon ni Jessa. One thing he likes about Jayda's family, she has a supportive parents. Para na din sya nakakita ng second family sa Pilipinas when his parents are not around.

Di na nila namalayan ang oras dahil busy padin sila sa paglalaro. Natigil lang ito ng niyaya na sila ni Jessa na kumain for dinner naman.

"Naku Darren, Kyle, if the rain doesnt stop until later, dito na kayo matulog, mahirap na  bumyahe, for sure baha na sa daan" si Dingdong. Katatapos na nilang kumain ng dinner at nagpapahinga nalang.

"Okay lang sa amin tito, wala naman po kami commitment bukas" sagot ni Kyle. Hindi nya alam pero masaya sya sa pagaalok na iyon ng dad ni Jayda.  First time nyang matutulog kina Jayda at excited sya dito.

" Yes, for sure kasya naman ang mga clothes ni Dad sainyo. Sa guest room na kayo matulog" banggit naman ni Jessa.

"Let's watch movie then later after natin maglaro" aya naman ni Jayda.

"Better idea. I think maraming bagong movies sa netflix" sagot naman ng dad ni Jayda.

Mga ilang minuto pa silang namalagi sa dining area bago sila umakyat sa guest room. Sinabihan kasi sila ni Jessa na magshower at maglinis muna bago sila maglaro uli.

"You should thank me dude" si Kyle. nasa kwarto na sila.

Napakunot ang noo nya "and why?"

Inakbayan sya ng kaibigan " Well, kung hindi ako sumangayon kay tita Jessa, di ka makakapagsleepover  dito sa bahay ng mahal mo"

Napatawa sya, kilala na sya ng kaibigan. Alam kasi nito na tatanggi sya kaya inunahan na sya nito. "You know me so well, and thank you"

"Of course, and you are welcome" sabay kindat sa kanya. One thing he likes bringing Kyle in Jayda's house, di mahiyain si Kyle di gaya nya na mahiyain talaga. Kaya mas madalas na kausap nilanito kesa sa kanya. Pero alam naman nyang sooner ay makakapalagayan na niya ng loob ang mga ito at mas magiging kumportable sya dito.

Pagtapos nilang magshower, ay bumaba na din sila. Tinamad na din sila maglaro uli kaya napagdesisyunan nalang na manuod na ng movie.  After ng isang movie, nagpaalam na din ang mom at dad ni Jayda na matutulog na. Sila ay naiwan pa sa baba para panuorin ang favorite series nila, ang Riverdale.

Habang  nanunuod, biglang umalis si Kyle sa upuan nya. "Jayda, paexperience  naman ng higa sa floor, kaw na muna tumabi kay Darren" utos ni Kyle. Nagtataka man, tumayo si Jayda at tumabi sa kanya. Pero alam nya na sinadya ito ng kaibigan para makatabi nya si Jayda, at nagpapasalamat sya dito. Ilang minuto lang ay naririnig na nilang naghihilik si Kyle.

"He's sleeping." bulong ni Jayda sa kanya.

" Yes. Sleepyhead talaga" sagot nya. "Ahm Jayda, excited na ako sa ball" dagdag nya.

"Me too, and thank you for booking a room for us sa hotel. Di na kailangan pero thank you" nakangiting sabi ni Jayda.

Wala kasi planong magstay sila Jayda after kaya di na sana sila magbobook sana. Pero mas gusto nyang makasama si Jayda ng mas matagal. Kaya sinama na nya ang pagbobook ng extra room for them. "Anything for you, mas gusto kita makasama ng mas matagal"

"Thank you. " maikling sagot ni Jayda.

"And Jayda, kahit ano mangyari, promise me sa akin ka lang sasama sa ball ha?" request nya dito.

"Hay naku D, wala naman ako iba kaclose dun."

"Basta promise me" tinitigan nya ito.

"I promise. " nagulat sya sa pagtitig din sa kanya ni Jayda. Ilang segundo din silang nagkatitigan. Aaaargh I really want to kiss you. Nasa isip nya. pero pinigil nya din ang sarili. You have to wait Darren. Just relax. kalma nya sa sarili.

Stuck on YouWhere stories live. Discover now