Girls like you

138 6 1
                                    

Gaya ng pangako ni Darren kay Jayda, tinuloy lang nito ang panunuyo sa kanya. Dumaan ang araw at buwan na hindi nila namamalayan. Sunod sunod kasi ang blessings at chance na magkasama ang dalawa. Naging mainstay  na din si Jayda ng ASAP, pinakilala din sila bilang isang grupo kasama si Lala, Jeremy, Kyle, Ylona at Darren as ASAP G. Sing and dance ang kailangang gawin as a group kaya medyo struggle kay Jayda dahil may sayaw. Hindi naman pareho kaliwa ang paa nya, siguro hindi lang sya ganun kagaling gaya ng iba na dancer talaga pero nakakasabay naman sya sa beat. Thankful na din sya andyan ang mga kaibigan nya at si Darren para iguide sya. Naging kaibigan na din nya ang mga kaibigan ni Darren. At pipinupuri nya ang sarili nya for embracing new friendship kahit may apprehension sya dito. Hindi sya kasi mabilis magtiwala sa mga tao, kaya hirap sya sa pakikipagkaibigan. Good thing ay pinakinggan nya ang advice ng mom nya na tanggapin ang pakikipagkaibigan ni Darren before.

"Jayda, wala ka bang gustong bilhin bago dumiretso ng ABS?"si Kuya Lau, ang longtime driver nila. Papunta sila sa ABS para sa rehearsal nila for ASAP.  Unang rehearsal din nila ito after nya magbakasyon sa US. Sinamahan din nya kasi ang mom nya for her operation sa vocal cords nito. Kung tutuusin, ayaw ng mom nya na sumama sya since andun naman ang dad nya to accompany her sa US and kakastart lang nila sa ASAP as a new group. Pero mas importante sa kanya ang mom nya above anything else kaya nagpaalam sya sa management at staff ng ASAP wherein pinayagan naman sya.

"No Kuya Lau, busog naman ako" tanggi nya. And mas excited syang makita muli  ang mga kasama nya sa group and most especially si Darren. Aminado sya na lalong nahuhulog ang loob nya dito. Alam nyang it's too early to confirm if sincere talaga ito sa panliligaw nya pero marami na syang ginawa na naaamaze sya sa effort ng tao. Just recently when she was in US, Darren sent get well soon gifts to her mom and to her as well through his dad. Guest dapat ang parents nya sa ASAP Hawaii but since her mom will undergo operation, ang dad lang nya ang nakaattend.

Sa studio, una nyang nakita sila Kyle at Darren.
"Well well well, look who's here!" Sinalubong sya ni Kyle. Naging matalik na din nyang kaibigan ito. Madalas na silang nagkakausap through videocall kasama si AC.

"Kyle!  yes! it's been a while" niyakap nya ang kaibigan.  Pagkatapos ay binaling nya ang tingin kay Darren. Nakangiti itong nakatitig lang sa kanya. Sinenyasan lang nya ito na lumapit na sa kanya.

Naintindihan naman ito ni Darren at lumapit sa kanya. Niyakap din sya nito sabay bulong sa kanya "I miss you so much"

Me too. At the back of her mind ay yan ang gusto nya sabihin pero hindi nya ito pwede sagutin. Kahit papano ay lagi nya nireremind ang sarili na lagyan padin ng wall ang pagitan nila ni Darren. In that way, hindi din sya mamisinterpret nito na gusto na din nya ito. Kahit ang totoo, may nararamdaman na talaga sya sa binata. " How are you D? " bulong nya na lamang dito.

"Im good. Much better coz you're here." sagot ni Darren.

"Ehem" Si Lala. Hindi nila namalayan na dumating na din ang ibang kagrupo nila.

"Di naman halata na  miss na miss nyo isat isa no? grabe ang hug ha?" tukso ni Jeremy.

Saka lamang nila napagtanto na matagal na silang magkayakap. Bigla sila lumayo sa isat isa. Crazy Jayda, ayaw mo nga sabihin na miss mo din sya pero makayakap ka wagas. Pagalit nya sa sarili.

Binati nya din ang iba pang kagrupo ng yakap. Ibinigay nya na din ang mga binilo niyang pasalubong from US  para sa mga ito.

Mayat maya ay nagstart na din ang rehearsal. Hindi nya kapartner si Darren sa group nila. Si Kyle ang kapartner nya. Pero wala namang ilangan between them. Siguro dahil comfortable na sya dito. Besides, wala naman masyadong touching. To be honest, ayaw nya kasi na may humahawak sa kanya na lalaki. Siguro because kahit lumaki sya sa US, may pagkaconservative padin sya. Gusto nya ang lalaking sasagutin nya ang unang makakahawak at makakayakap sa kanya.

Stuck on YouWhere stories live. Discover now