今日

27 0 0
                                    

"Maki, ito na ang araw na hinihitay mo. Excited ka na ba?" tanong saakin ni Jin.

"Sa totoo lang, kinakabahan ako. Seven years na ang nakalipas simula ng iniwan ko siya. Ang kapal ng mukha kong magpakita pa sa kanya."

"Isipin mo na lang na kliyente natin siya."

"Kliyente naman talaga natin si Kazuko. Ako ang nakakuha ng project."

"Ano ba kasi Maki at desperado kang makuha ang project na to?" tukso niya sakin.

"G-gusto ko lang siyang makita ulit. At saka... closure?"

"Closure?! Sa seven years na hindi kayo nagkita closure gusto mo?"

Hindi ko sinagot si Jin. Tumayo na ako sa aking desk at kinuha ang mga gamit na gagamitin ko sa meeting. Isa akong kilalang architect sa Yokohama at nakuha ng aming kumpanya ang project para magtayo ng isang coffee shop. Sumakay ako sa aking sasakyan at nagsimula bumyahe papunta sa meeting. Ngayon lang ako kinabahan para sa isang project. Maliit na project ito ngunit desperado akong makuha iyon dahil ang aking magiging kliyente ay ang aking High School sweetheart.

Chasing KazukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon