Chapter 1

16 1 0
                                    


"Say, Diyos ko gising ka na. Salamat sa Diyos."

"Naririnig mo ba kami, anak?"

"Ate Say, ok ka lang ba? May masakit ba sayo?"

"Gising na si Ate, tawagin nyo yung doktor bilis."

I slowly opened my eyes nung may marinig akong mga boses.

Sobrang liwanag, ang ingay.

Feeling ko lutang ako sa sakit ng ulo at katawan ko.

Parang uminom ako ng alak at galing ako sa hangover.

Tinignan ko 'yong paligid ko.

Nasan ba ako? Bakit nandito sila Mama at Papa?

"Aray!" Sinubukan kong tumayo.

Sobrang sakit ng puson ko.

Dun ko lang naalala na buntis nga pala ako.

"Ma, yung baby ko? Kamusta siya? Anong nangyare, bakit nandito ako sa ospital?"

Hindi ko alam pero parang may mali.

"Say, anak. Magpahinga ka na muna, ipapaliwanag namin sayo lahat kapag ok ka na ha?"

"Ha? Ma. Anong nangyare?" Kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kagabi lang galing pa ako sa seminar, tapos nun dumiretso ako ng mall para bumili ng cake.

Tama! Birthday nga pala ni Lucas kahapon.

Pagtapos nun, dumiretso ako sa bahay.

Ta..tapos, balak ko sana siyang sorpresahin dahil akala niya after two days pa ang uwi ko.

"Punyeta!" Naalala ko na lahat.

"Hayop na Lucas yan! Balak ko pa siyang sorpresahin kagabi tarantado siya! Tapos maaabutan ko siyang may kalandian sa kama namin? Hayop!!"

"Anak huminahon ka, makakasama yan sayo."

Di ko na napigilang umiyak, yung sakit na naramdaman ko kagabi, nung nakita ko sila sa kwarto namin, parang bumalik lahat.

Binuksan ko yung cake na dala ko, hinila ko yung buhok ng babae na nakatalikod sakin atsaka ko hinampas sa mukha nya yung cake.

Galit na galit ako.

Pinipigilan ako ni Lucas pero sinampal ko sya, binalikan ko yung babae at pinagsasampal at sinabunutan ko.

Ang galing lang, akala ko masusurprise ko sya eh.

Habang nasa seminar ako, nalaman ko na 2 months na tong dinadala ko.

Sakto, birthday pa nya. Sigurado ako matutuwa yun.

Pero tangina, ano tong naabutan ko?

"Mga hayop kayo! Bitawan mo kong manloloko ka, mamaya tayo magtutuos!"

Kinaladkad ko palabas ng kwarto yung babaeng yun, habang hawak ko sya sa buhok.

"Ikaw malandi ka, wala lang ang pusa nagsasaya na ang daga! Anong akala mo dito sa bahay namin? Motel?"

"Say!" Sinubukan akong awatin ng hayop kong asawa.

"Say, sorry! Bitawan mo na sya please. Ako, ako yung harapin mo kasalanan ko to dinala ko sya dito."

"Ah ganun? Gago ka! Mag-antay ka at ikaw ang isusunod ko dito!"

"At ikaw naman babae ka, malandi ka!"

Killing The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon