Lizelle PovIlang weeks din akong nagtagal sa hospital..at ngayon naghahanda na ko sa pagpasok sa school..
"Anak sigurado kabang kaya mo ng pumasok?"sabi ni mama,pinahahanda niya ko ng makakain,si papa nakabalik na siya galing abroad ngayon pinili niya munang dito sa pilipinas magtrabaho..isa siyang architect,mas okay sana sa abroad dahil malaki ang sahod niya pero ng malaman niya nag nangyari sakin umuwe agad siya dito.
"Ma kaya ko na tsaka marami na kong namiss na lesson,mahihirapan ako pag malapit na ang finals"wika ko
Pansin ko naman na seryoso lang na nagkakape si papa alam kong nag aalala din siya..lumapit ako sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit
"Pa ayos lang po ako,promise mag iingat na ko"sabi ko sa kanya.niyakap niya ko ng mahigpit..i miss hugging my dad
Ding dong
"Ako na,sige na anak kumain ka na"sabi ni mama saka pumunta sa pinto..ilang segundo din ng marinig ko ang yapak nila
"Good morning po tito"
Napatingin ako sa nagsalita..anong ginagawa niya dito?
"Oh Nate good morning,nag almusal kana?"tanong ni papa sa kanya
Nagtataka ako sa kanila,...oo alam nilang nagpapanggap akong may amnesia pero bakit hinahayaan nilang lumapit siya sakin..
"Nag almusal na po ako,andito po ako para isabay si Liz-Lizelle pag pasok"sabi niya habang nakatingin sakin
Napatingin ako kina mama,wala silang reaksiyon parang normal lang ang lahat..
"Ah ma hindi ko na kelangan may kasabay pag pasok tsaka hindi ko siya kilala"sabi ko
Nakita ko kung pano nagiba ang mukha ni Nate,lungkot...yun ang nakita ko..
"Kilala namin siya anak at panatag kami na siya ang kasama mo"sabi sakin ni mama na sinang ayunan ni papa..naman e!
Wala na kong nagawa..binilisan ko ng kumain at nauna ng lumabas,ramdam ko na kasunod lang siya..Bayan!nakakailang!
"Ahmm pwede wag ka jan sa likod? Nakakailang e"sabi ko,binilisan naman niyang lumakad at pumantay sakin
Awkward!!
"Ano—
"Ano—
Nagulat ako ng sabay kaming magsalita,maski siya kita ko ang gulat..
"You first"sabi niya
"Hindi ikaw na" sabi ko
Narinig kong bumuntong hininga siya.."okay na ba ang pakiramdam mo?"tanong niya
"O-oo"sagot ko
Yun lang at tahimik na kaming lumakad,hanggang sa makarating kami ng school tahimik lang kami..
"Liz!"rinig kong sigaw ni Jane,kita kong nagbago ang itsura niya ng makita ang kasama ko..
"Tara na"yaya ko sa kanya..humarap ako kay Nate "sige papasok na kami"paalam ko,hinila ko na si Jane baka may masabi pa!
"Okay na kayo?"tanong niya
"Hindi ko alam..sina mama kasi hinayaan akong isabay sa lalakeng yun"sabi ko
"Galit ka ba sa kanya?"tanong niya
"H-hindi"sabi ko..hindi naman kasi talaga..
Siguro dahil lang talaga hanggang ngayon nagseselos parin ako..
"Arayyy!"sigaw ko bigla ba naman kasi akong hinampas sa braso ng babaeng to!
Nakapasok na kami sa room.."eh bakit may pa amne-amnesia ka pang nalalaman kung hindi ka naman pala galit?! Kaloka to!"sabi niya
BINABASA MO ANG
To my Bestfriend (Short story)
RomanceWhat will you do if you fall inlove with your bestfriend? Magtatapat ka ba o itatago na lang?