Note: One-Shot story lang po ito. Sana po ay magustuhan niyo. <3
———"Happy 2nd Anniversary, Mahal!" pagpasok ko sa unit ay si Bless agad ang bumungad. May banners na nakasabit sa itaas ng sofa. Isang cake at mga nilutong paborito kong pagkain ang nasa hapag-kainan. Pangalawang taon na pala namin. Hindi ako nakapagsalita agad sa sobrang saya ng puso ko at halo-halo na emosyon.
"Hello? Okay ka lang ba? Hindi mo ba nagustuhan ang surpresa ko? Grabe, tiniis ko pa man din na huwag ka pansinin ng dalawang araw para mapaghandaan 'to. Kinulit ko pa ang mga kaibigan mo para tulungan ako kaso mukhang hindi ka naman natutuwa." sumimangot ito at ipinahalatang nagtatampo.
Umiling ako at ngumiti, "Mahal, hindi mo naman na kailangan gawin 'to. Akala ko nga'y hindi na tayo magcecelebrate ng anniversary. Ikaw talaga ang hilig mo akong pakabahin," kinurot ko ang kaniyang kanang pisngi kaya naman napasimangot siya. "Sobra kong naappreciate lahat ng 'to. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na dalawang taon na simula ng sagutin mo ako. You know how much I love you, right?" nagsimula na naman tumulo ang mga luha niya. She is always like that. A soft person in and out.
Sinimulan na namin kainin ang mga niluto niya. Pwede na talagang mag-asawa. Waiting nalang sa right timing para mapakasalan. Napangiti naman ako sa ideya. Malapit na, ilang taon na lang ay pwede na.
Nang maubos ang mga pagkain ay nagpresinta na ako para mag-urong at siya nama'y naghanap ng magandang movie sa Netflix.
"Mahal, 2 months to go and we're college graduates na. What are your plans? Find a job or enjoy life muna?" tanong ko habang hinihintay magsimula ang pangalawang movie na napili niya.
"Rest for awhile. Hindi ko pa kasi alam kung makakakuha kaagad ako ng board exam o maghahanap muna ng panandaliang trabaho. Nagkakaproblema kasi kami sa pera ngayon. Ikaw ba mahal? For sure, you'll take board exam, Mr. Architect," napangiti naman ako sa itinawag niya sa akin. Ganon pala talaga if you're partner trusts you a lot with your dreams na parang walang space sa failures but at the same time, she doesn't pressure you.
Mabilis lumipas ang oras at gabi na pala. Napagpasiyahan na niya na umuwi kaya naman kinuha ko ang susi ng sasakyan sa kwarto. "Happy 2nd Anniversary, Bless. You are my favorite blessing," bati ko sakaniya bago makalabas ng unit. Hindi ko man gusto na malayo uli sakaniya ng ilang kilometro ay wala rin naman akong choice. She's still living with her parents. Nag-iisang anak kaya hindi rin mapakawalan ng mga magulang.
Nang makarating na sa tapat ng kanilang tatlong palapag na bahay ay dali-dali akong lumabas para pagbuksan siya ng pinto.
"Thank you for today, Mahal," nakarating na kami sa tapat ng kanilang gate kaya nama'y hinalikan ko na siya sa noo.
"Nandiyan na pala kayo, Anak. Nag-dinner na ba kayong dalawa? Nagluto ako." hindi namin namalayan na nasa gilid na pala namin ang Mama niya.
"Kumain na po kami, Ma. It's already 10 pm, Lincoln needs to rest. May pasok pa po kami bukas," tumango naman si Tita kaya nagpaalam na rin ako.
Hindi pa man din ako nakakaalis ay tinawag ako muli ni Bless, "You know that I love you so much, right? Lagi mo aalagaan ang sarili mo and continue fulfilling your dreams. Tiwala ako na magiging successful ka," tumango naman ako habang nakangiti bago tuluyang paandarin ang sasakyan palayo sakaniya.
It's been a week since she last texted me. Hindi ko rin naman siya mapuntahan sa kanila dahil may kalayuan din ito at wala akong libreng oras. Finals na namin pero hindi pa rin daw siya pumapasok ayon sa mga kaibigan at kaklase niya.
Wala na rin akong matinong tulog at kain dahil pakiramdam ko'y may kulang sa aking pagkatao. Marami pa akong dapat pagtuonan ng pansin tulad ng pagrereview at training idagdag pa ang biglaang pag-aasikaso ng mga papeles para makaalis ng bansa.
![](https://img.wattpad.com/cover/220300368-288-k768451.jpg)
BINABASA MO ANG
Take Me with You (One-Shot)
KurzgeschichtenHanggang saan ka dadalhin ng paghahanap mo?