Ayako

"Anx gising!" Sa wakas, minulat na ni Anx ang mata niya. Medyo napatingin tingin pa siya sa paligid. Para siyang bagong gising na mukhang wala pang alam sa mundo.

Wala pang isang minuto ay parang naging aware na ata siya. Gulat siyang napatingin saakin at napatingin sa paligid. Lahat ng estudyante na nasa paligid namin ay may pangalan sa taas ng ulo nila at nakaupo ng prente. Binalik niya ang tingin saakin at sa taas ng ulo ko. "A-ayako." It seems like he can't comprehend yet. Well ako rin naman pero unlike him mahinahon na ako. "W-where are we? Bakit nakikita ko pangalan mo sa ulo mo? Avatar ka? Laro ba 'to? Is this a prank? Are we.. being played? What the fuck is this?"

"I actually don't know."


Bigla siyang tumayo at marahas akong hinawakan sa balikat. "What the actual fuck? You wake me up in some stupid place and you say you don't know? Pinaglalaruan mo ba ako, Ayako? Are you in some witchcraft?"

"I really don't know Anx!" Napasigaw na rin ako. "I was scared. Kanina pa ako umiikot dito. You see everybody's awake but they're not aware. Ikaw lang nakausap ko dito and I've been here for I don't know how many hours na. I d-don't know... " Nanunubig na ang mata ko nang bitawan niya ang balikat ko. I got a chance to explain. "Alam mo ba 'nong nagsabi ako sa'yo na di ako nagsymposium? Anx, promise hindi talaga. I woke up na andoon ako when in reality nasa cr lang ako all the time. I woke up while I was playing Koete. Doon, I thought something was weird but I shook it off." Mukhang kumalma na siya at unti-unti niya nang dinigest ang sinasabi ko. "The ice cream na natapon ko kay Aliyah? When Aliyah said I was spacing out? That was another moment when I snapped back to reality again. I was just playing and... nagising ulit ako. I am very confused, Anx. "

Nakita kong naguluhan siya pero kahit papaano ay kumalma. "I'm sorry.... I just.. got scared and surprised too." Kagat labi niyang sabi.

"Okay lang 'yon." Sagot ko nalang. "Let's just help each other out okay?" At tinitigan ko siya sa mata. Tumango na rin siya. If we don't know how we got here then we'll just find a way how to escape here.

Naghiwalay kami sa pwesto namin ni Anx at nagsimulang mag-ikot sa classroom na kung asan kami. If we are really in the game, then this is the virtual classroom. Then if this is the mystery room then we have to find some clues para makalabas. But where and how? Ni mga players dito nakafrozen. Maganda sana silang pagtripan kaso gusto ko na talagang umalis dito eh.


Triny kong maghanap sa likod ng pinto pero wala akong nakitang kung ano. Baka nasa labas? O baka andoon sa harap ng red na pinto?


Pero diba nga extra lang naman na design 'yon? Sinabihan ka na ni Aiden diba?


"Pst Ayako"

"Ay Aiden!" Napasigaw ako. Tinignan ko si Anx sa gilid at parang tinignan niya ako gamit ang nagtatanong niyang tingin. "Hehe, tinawag mo ba ako? Sorry na." Nahihiyang sambit ko.

Mas lalong lumukot mukha niya. "Ha? Eh nagulat nga ako sa'yo kasi bigla kang sumigaw diyan eh. Di naman kita kinakausap. Akala ko may nakita ka ng kung ano." Iling iling niya na nasabi at bumalik sa paghahanap.


Ha? Hindi niya ako tinawag? Edi sino 'yong tumawag sakin--

"Ayako!"


Biglang naputol ang pag-isip ko nang may naramdaman akong humila saakin. Napasigaw rin si Anx nang makita akong nahila palabas. Di naman ako lumayo. Talagang may kung anong pwersa lang talaga ang humila saakin palabas. Nakahabol naman agad si Anx.

"Okay ka lang?" Tanong niya agad at tinulungan akong tumayo. Tumango ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Wala namang masakit sa katawan ko pero may something sa paa ko na parang paa din--- wait what. "Sino ka?" Biglang tanong ni Anx habang nakatingin sa likod ko.

'sino ka?' Tumingin ako sa likod only to see Aiden standing behind me. Mukhang siya ata ang nanghila saakin palabas. I don't know but I'm very happy I saw him that I squeled. Siya nga, skilled player si Angelobrix aka Aiden. Matutulungan niya kami makalabas dito.

"Waaah Anx makakalabas na tayo" sabi ko kay Anx na tuwang tuwa. Napa-ha nalang siya at walang nagawa nang hinila ko siya paharap kay Aiden.


"This is Anx." I introduced my best friend to Aiden. Tumango lang siya at nilagay ang kamay niya sa bulsa ng suot niyang coat. "Anx, this is Angelobrix aka Aiden, he's----"

"W-what? Angelobrix?" Biglang lumaki ang mata ni Anx at nanginig. "The Angelobrix? The famous one?" Natawa ako sa reaksiyon niya at natawa nalang habang tumatango. Natameme siya right after while still looking at the avatar beside me.


Inirapan ko nalang si Anx at mukhang nastarstruck. Nilingon ko si Aiden at tinanong. "Dumating ka ba para tulungan kami makalabas? How? And paano mo nalaman na may problema kami?"


Hindi niya ako sinagot. Bagkus tinuro niya lang ang nasa loob ng room namin. The white room na ginisingan namin kanina, there was a sole red tile. Eksaktong tinuro niya yon saamin at tinignan naman namin. "There, stand there and you'll be able to gain conscience." sabi niya lang at napaismid na.


Tumakbo agad kami ni Anx papunta sa tile na 'yon at sumunod si Aiden saamin. Pinagmamasdan niya si Anx na parang nastarstruck pa rin at hindi makatitig ng maayos sakanya.

"Sana okay lang siya." Sabi niya nalang sabay sandal sa lamesa sa likod niya. "Anyway, please don't trust people around you. I believe the drink you drunk was the reason why you're here. Hindi ko maexplain basta be aware, like now." mahaba niyang sabi. "I'll be on my way, see you in school nalang."

Napatango tango nalang ako habang dinidigest lahat ng sinabi niya. So it was the drink. To think of it, naalala ko na naman 'yong tubig na natuyo sa katawan ko. Ilusyon ko lang ba 'to lahat o feeling ko konektado sila? Well, anyhow we'll be out soon. I'll be finding answers soon din. "Thank you, Angelob-----"


"One thing, Ayako." Bigla siyang lumapit saakin at natahimik ako. Medyo hinila ako paatras ni Anx kasi nakakaintimidate si Aiden. Tinitigan niya lang kami at nagsimula ulit magsalita. "Don't call me Angelobrix. Here, I'm Aiden." Huling sabi niya bago kami itinulak ni Anx. Napasigaw kami pareho kasi para kaming nahuhulog sa isang butas.



Sa isang basang butas.





Namulat ko agad ang mata ko nang maramdaman ko na naman ang malamig na tubig sa pagmumukha ko. Si Arabelle ang nasa harap ko na may hawak na isang tumbler ng tubig. For the second time ay basang basa na naman ako. Habang nagtatawanan ang nasa paligid ko ay hinanap ko si Anx. Anx was beside me all along, holding his phone plus basa rin. Tinignan ko siya at tinignan niya rin ako. I think he understands me now.


Humalakhak si Arabelle na parang demonyo. "Serves you right bitch and her sidekick motherfucker." Malamig niya ring sabi, mas malamig pa sa tubig at hangin na bumabalot saamin. "The first round of water was for losing the game." Sabi niya at may kinuha na naman sa likod niya.


Tumbler na puno ng tubig. Before I can even react, I was slapped by the cold water na. Anx tried to cover me pero no use. Parehas din naman kaming basa. Another wave of laugh echoed the room. Tumawa lang rin si Anjelou na nasa likod ni Arabelle while mouthing 'pathetic' to us.

"The second round was for messing with us sa canteen. Like girl, you're freaking boobshit was that hard? Pornstar ka ba? Or not yet? Kasi bagay sayo iuntog habang binabayo tangina mo" Napahiyaw ang mga kaklase ko sa atake niya. Her words were sharp and cold and if hindi ka talaga sanay sa pambubully niya ay baka umiyak ka na. "Ciao, pagaling muna kayo sa fucking game bago landi." Sabi niya at tinapon ang dalawang tumbler sa lap namin.

I felt like crying, really though, but I think I have something more to do.

Nagkatinginan kami ni Anx at sabay na napadpad ang tingin namin sa cellphone na nasa lamesa lang namin. We were suprise na makitang parehas ang nasa screen naming dalawa.




666 points = coins

BEYOND // KOETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon