IKALAWANG KABANATA

10 0 0
                                    

▪Ang Sumpa

•STELLA'S POV

     Nagising ako matapos ang napakasamang panaginip ko, pagdilat ng mga mata ko, nakita ko na ang napaka-gandang kwar---WAAAAHHHHH!

     Nasa'n ako! Saang lupalop ako napunta?! WAAAAHHHHHH! Tatawag ako ka Mommy. Huhuhuhuhu! Wait a minute kupidong singkit!
Anong nangyari kagabi?!! Wahhh! Think Court Stella! THINK!!!
.
.
Pumunta ako sa kwarto para magpahinga.....pagkatapos...
.
.
.
Chi-neck ko ang mga accounts ko kong may notifications ba..taposss...
.
.
.
Waaaah!! Bumalik yung misteryosong matanda, at pumasok pa siya sa loob ng kwarto ko!!!! Tapos, tinapat niya yung dala-dala niyang painting sa akin....
.
.
.
.
.
Tapos, nagdilim na yung paningin ko!!! WAAAAHHHH! I can't take this anymore. This is the worst nightmare I ever encountered in my 19 years of existence in earth! 

     Ginala ko yung paningin ko at napansing kong wala talaga ako sa kama ko nakahiga kundi sa damuhan, huhuhu, first time ko to, ang dirty kaya nang damo tapos nilalakaran lang ng kahit sino, ewan ko baka may umihi pa dito eh! Huhuhu!

     Nakita ko sa likuran ko ang matayog na bundok, mukha siyang Mount Apo, pero mukhang hindi. Ah! Basta! Di ko na naiintindihan tung nangyayari sakin!

"Huhuhu! Lord Jesus! Ibalik niyo na po ako sa bahay! Promise po magpapakabait na po ako sa mga taong nakapaligid sakin. Huhuhuhu! Mommy! Manang! " tumayo ako at sumigaw at nagpa-ikot-ikot dito sa kinalalagyan ko.

TT_TT

     Umiiyak na talaga ako dito, mukha na akong timang! At ngayon ko lang napansin, nag-iba yung suot ko! Mukha siyang pang-mahirap! Yuk! So gross! Ang ganda-ganda ko tapos ganito ang suot ko!? O my God! I cant! Aish! Mukha akong basura!

     Pagharap ko sa harapan ko, nakita ko ang kabuoan ng lugar na kinaruruunan ko.

dO_Ob

     Nilibot ko pa ang paningin ko, at doon ko na kumpirma kong nasa'n ako!

     I AM INSIDE THE PAINTING!

     Seriously! I am inside the painting! The painting that the old man brought inside my room, and the painting that he used for me to be here! Wut thu! At tingin ko ang painting na ito ay nasa loob ng isang gallery room! Dahil sa labas, kitang-kita ko ang iba pang mga paintings!

" I am really inside the painting. " halos pabulong na sabi ko sa sarili ko.

" Mabuti't nagising ka na. "

     Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko, kaya't humarap ako sa kanya para makita kong sino siya. Pagharap ko, laking gulat ko nang makita ko ang matandang lalaki, na siyang naging dahilan kong bakit ako nandito!

" Sino ka ba talaga, alam kong pangalan mo, pero ang pagkatao mo! Ano ka ba talaga?! " galit na tanong ko sa kanya na may halong takot.

     Nginisian niya lang ako!

" Katulad nga nang sinabi ko sayo, nanggaling ako sa napakahabang paglalakbay, para makita ka, at para isumpa ka dahil sa mga bagay na iyong ginawa Ineng. " Nakangisi paring sagot niya.

" Meron akong pangalan! Ako si Court Stella Aviar! Anak ng mga kilalang tao sa Asya! Kapag nakawala ako dito sa punyetang sumpa na ito, sisiguraduhin kong ipakukulong kita! " pananakot ko sa kanya pero talagang takot na takot ako sa kanya.

" Hahaha! Wag ka ng mag-abala Stella. Nandito ako para ipaliwanag sayo ang sumpa mo. " Seryoso nang sagot niya.

     Nanahimik lang ako at nag-abangsa susunod sa sasabihin niya. Mukha naman siyang mabait, pero hindi ko parin maiwasan na langhinalaan siya dahil hindi ko naman siya kilala noh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Inside the Painting by Zeph PameronTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon