Chapter 13

313 19 5
                                    

Maxy's POV.

Ikwenento namin kay Kuya ang lahat. Kung pano kami nagkakilala. Hanggang sa magkahiwalay ng landas. Nagulat talaga ako nang malaman kong nagba-basketball si Edison. Andito kami ngayon sa living room at nandito parin ang mga kaibigan ni Edison. Kaharap namin si Kuya.

"Eh hindi mo agad sinabi sakin? Diba sinabi ko naman yung surname ni Edison sayo?". Tanong ni Kuya.

"Eh Kuya nagulat kasi ako. Hindi ko naman alam na magkaibigan pala kayo. Hindi ko naman sinasadya eh. Galit ka ba Kuya?". Tanong ko at tsaka ko nilapitan ito at tinabihan.

"Hindi ako galit. Nabigla lang din ako. Eh pano kasi nagsinungaling ka sakin, imbes na magsabi ka ng totoo. Hindi naman ako magagalit eh. Matutuwa pa nga ako kasi hindi ko na kailangan pang ipakilala sya sayo". Tsk 'yan na naman si Kuya. "Hindi na ako mahihirapang mag-adjust kung sakaling magkatuluyan kayo. Kasi alam ko mabuting tao si Edison. Diba Edison?".

"Kuya! Matagal pa yun". Sabat ko.

"Hindi ikaw ang kausap ko. Diba Edison?".

"Of course". Sagot naman nito.

"Mabuti naman. O pano ba yan mukhang mapapadalas ang pagsama-sama natin ah. Tara laro this weekend? Ano game kayo?". Magba-basketball yata sila.

"Oo game ako". Sagot ni Miguel. Sumunod namang sumagot si Ymar.

"Ako din. Basta libre miryenda ah".

"Hayst. Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw Trevor? Mack?".

"I'm in". Sagot ni Trevor.

"Mag-papaalam pa ako. Alam nyo naman..kay Elai". Macky said.

"Sus! Hindi mo pa naman asawa kung maka-ano ka dyan. Ayan ang hirap pag may girlfriend eh. Ikaw Edison game ka ba? Ngayon na nga lang ulit tayo magba-bonding eh. Kung kinakailangang isama ko si Maxy para lang sumama ka, gagawin ko eh".

"O bakit ako nasali dyan Kuya?. Nanahimik ako dito eh". Sinasali pa kasi ako eh. Wala naman akong alam dyan.

"Weekend pa naman diba?.. pwede naman". Sagot naman ni Edison.

"Yun oh! Mack ha? Magpaalam ka nang maayos para payagan ka!".

"Oo na".

"Anong oras na ba? Mag aalas-nwebe na pala. Hindi pa tayo kumakain".

"Yun buti nakaramdam kayo noh. Ako kanina ko pa ramdam eh". Si Ymar.

"Oo nga. Beke nemen". Si Miguel at Mack. Pansin ko talagang ang tahimik lang ni Trevor. Kahit ang gugulo ng mga kaibigan nya hindi sya naimpluwensyahan.

Hindi ba nila napansin kanina na may dala akong pagkain?

"Kuya. May dala ako ulam dyan. Hindi ko lang alam kung kasya yun satin".

"Magpapadeliver na lang ako kung kulang. Wait". Sabi ni Edison saka ito tumawag sa online delivery.

"Yun! Buti na lang bigatin yung mga kaibigan natin!". Tsaka nag-apir ang tatlo. Si Ymar. Miguel at Mack. Kukulit talaga.

"Oo nga eh. Buti na lang".

"Swerte natin. Lagi na kaming tatambay dito bro Ron ah?".

"Tumigil nga kayo. Lagi na nga kayo sa condo kumakain. Hanggang dito ba naman". Sabat ni Edison.

"Eh baka kasi itakwil mo kami eh. Mahirap na".

"Sa pagkakaalam ko hindi naman kayo naghihirap ah. Eh bakit ngayon kung umasta kayo parang hindi kayo makakakain ng tatlong beses sa isang araw".

The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon