Chapter 3

272 18 0
                                    

Maxy's POV.

Dalawang araw na ang lumipas nung bumisita sila Vivian at Cheska dito.

Andito kami ngayon ni Lexxie sa canteen dahil lunch time na. Si Lexxie ang umu-order at ako naman ang nag hahanap ng mauupuan pag dito kami sa canteen kumakain. Marami rin kasing kumakain dito pag tanghali eh kaya lagi puno. Sabagay masasarap din naman kasi yung mga luto dito. Mura pa.

Hanggang sa hindi nagtagal ay nandito na nga si Lexxie at bitbit na ang aming pagkain.

Kumakain kami nang biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Maxy?". Tawag sakin ng Kung sino. Kaya naman napalingon ako dito. At nagulat ako nang makita ko ito.

"Ymar?!". Nakangiti ngunit gulat Kong tanong dito.

"Ako nga at walang iba hahah". Sabay yakap nito sakin na niyakap ko din.

" Eherm.". Tikhim ni Lexxie. "Sino sya gurl?".

"Ay.. Upo ka muna Ymar. Lexxie si Ymar schoolmate din natin sya noon, Ymar si Lexxie kaibigan at katrabaho ko". Pagpapakilala ko sa dalawa.

" Hi nice to meet you".si Lexxie.

"Nice to meet you too. Kamusta ka na Maxy?, dito ka ba nagtatrabaho?". Ymar

"Ahh oo dito nga ako nagtatrabaho. Ikaw?, anong ginagawa mo dito". Tanong ko dito.

"Ah binisita ko lang yung kaibigan ko. Dito din kasi sya nag tatrabaho".

"Ay talaga?, sino ba yung kaibigan mo". Tanong ko.

"Ah si Doc. Perez.. Damien Perez".

"Ah si Doc. Pogi". Sabat naman ni Lexxie. Pogi naman kasi talaga.

"Doc. Pogi?".

"Ay tawag lang namin yun sa kanya heheh". Sagot ni Lexxie habang nakangiti.

"Ahh hahaah".

"Oo hahaah".

"Ah sige una na ako ha, may susunduin pa kasi ako sa airport eh". Sabay tayo nito. "Ay nga pala pupunta ba kayo sa reunion next Saturday?".

"Ahh oo pupunta kami". Sagot ko.

"Ok sige alis na ako ah, baka malate ako at mabugbog pa nun hahahh, nice to meet you again Lexxie, bye Maxy see you next Saturday".

"Ok bye, ingat ka". Sabay kaway namin ni Lexxie dito.

Nang maka-alis na si Ymar. "Sino kaya yung susunduin nya sa airport gurl noh?, baka naman si Edison na". Sambit nito habang nakangiti sakin. "Sa wakas makikita ko na rin yung Edison, excited na ako Sis, ikaw hindi ka ba excited? ".

"Excited, syempre makikita ko ulit yung mga schoolmates natin noon".

"Sus, ang sabihin mo excited kang makita ulit si Edison, yung 'secret bestfriend' kuno mo. Eh ang nakwento nila Vivian sakin eh... nangako daw si Edison Na babalik daw sya para sayo at sana daw mahintay mo sya, kaya siguro wala kang boyfriend hanggang ngayon dahil tinutupad mo yung pangako mo sa kanya noh? ".

Pati pala yung nakwento nila kay Lexxie. Mga bibig talaga ng mga yun, mga pasmado. Totoo naman kasi yun. At saksi ang mga kaibigan ko no'ng sinabi nya yun. Kaya isa ring dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend. Noong may nanliligaw nga sakin ay tinatakot nila Celine kaya tumitigil din. At hindi ko naman nakakalimutan yun hanggang ngayon.

"Tapusin mo na nga yang kinakain mo at baka matapos nayung break eh hindi ka pa tapos".

"Hmmp".

Kailan kaya nila ako titigilan sa kakaasar nila sakin tungkol Kay Edison. Baka nadapa na yun kakabanggit nila.

The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon